Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 8/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Saksi ni Jehova at ang Holocaust—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Bakit Nangyari ang Holocaust? Bakit Hindi Ito Pinigilan ng Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mangyayari Kayang Muli ang Holocaust?
    Gumising!—2001
  • Sino ang Dumanas ng Katakut-takot na Hirap sa “Holocaust”?
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 8/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagliligtas sa mga Bata Salamat sa inyong artikulong “Angaw-angaw na mga Bata ay Namamatay.” (Setyembre 22, 1988) Nagkaroon ako ng pagkakataon na gamitin ang impormasyon tungkol sa Oral Rehydration Therapy nang ang aking dalawang-buwang-gulang na sanggol ay magkasakit ng diarrhea. Sandali lamang, nakita ko ang pagbabago. Naginhawahan siya at nakatulog.

S.S., Estados Unidos

Holocaust Bilang tugon sa inyong artikulo, ipinadadala ko sa inyo ang isang pulyetong pinamagatang Did Six Million Really Die? (Abril 8, 1989) Maraming rebisyonistang mga mananalaysay ang naghinuha na ang Holocaust ay hindi kailanman nangyari, at na ang bilang na anim na milyon ay isang pagpapakalabis, na walang itinayong mga gas chamber para lipulin ng mga Nazi ang mga Judio.

R. B., Canada

Alam na alam namin ang mga palagay ng rebisyonistang mga mananalaysay. Gayunman, may patotoo ng libu-libong mga nakaligtas​—daan-daan sa kanila ay mga Saksi ni Jehova​—na sa maraming kaso ay mga nakasaksi sa mga pagpatay sa kampong piitan. Bagaman ang eksaktong bilang ng mga namatay sa Holocaust ay maaaring hindi alam, ang bagay na ang holocaust ay nangyari ay isang hindi maikakailang katotohanan sa kasaysayan.​—ED.

Inaakala kong hindi ko maipasasakamay sa iba ang labas na ito dahil sa larawan na nasa pahina 2 at 3. Ang gayong mga tanawin ay ipinakita sa mga dokumentaryo sa TV kamakailan; sa paano man maaaring isara ng isa ang TV. Ang epekto ng inilimbag na pahina ay mas matindi, at pagpapakita ng higit na taktika na maglabas ng isang babala sa mga tao na hindi sanay sa kakilabutan sa araw-araw na dosis.

V.S., Inglatera

Kung minsan ang katotohanan ay hindi kaaya-aya, nakasisindak. Kahit na ang Bibliya ay gumagamit ng malinaw​—kung minsa’y nakatatakot​—na wika kung hinihiling ito ng paksa. At ang paksa tungkol sa Holocaust ay tiyak na humihiling ng makatotohanang pagtrato. Ang larawan sa gayon ay nagsilbi upang ikintal sa aming mga mambabasa ang katotohanan at kasindakan ng Holocaust sa isang paraan na hindi maaaring gawin ng mga salita. Ikinikintal din nito sa atin na ang pamamahala ng tao ay bigo at na ang Diyos ay lubusang mabibigyan-katarungan sa pagwawakas sa balakyot na sistemang ito ng mga bagay sa malapit na hinaharap at halinhan ito ng pamamahala ng kaniyang Kaharian.​—Daniel 2:44; Mateo 6:9, 10; 2 Pedro 3:13.​—ED.

Ang inyong artikulo tungkol sa Holocaust ay humahangga sa kasakdalan. Gayunman, ito ay labis na nakasentro sa malaking pangkat ng mga Judio at sa maliit na pangkat ng mga Saksi ni Jehova. Ito’y sa kapinsalaan ng iba pang pangkat na dumanas ng hirap, gaya ng mga Hitano o Gypsies.

A. G., Pransiya

Maraming iba pang pangkat ang dumanas ng hirap sa ilalim ng rehimeng Nazi. Gayunman, ang mga Saksi ni Jehova ay natatangi sa bagay na maaari sana silang makalaya kung itatakwil lamang nila ang kanilang pananampalataya. Kaya ang kanilang pagtangging gawin iyon ay nagpapakitang sila’y mga martir, hindi lamang mga biktima.​—ED.

Homoseksuwalidad Bago lumabas ang inyong artikulo para bang ako’y lubhang nag-iisa. (Abril 8, 1989) Nang ako po ay bata pa, sinimulan ko pong magkaroon ng homoseksuwal na gawain na kasama ng ilan sa aking mga kaibigan. Ipinagpatuloy ko po ito hanggang sa ako’y maging tin-edyer hanggang sa magsimula akong mag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Subalit kung minsan mayroon pa rin akong maling mga damdamin na nananatili sa loob ko. Inakala ko pa nga na hinding-hindi ako magiging isang tunay na lalaki, ano pa kaya ang maging isang matanda sa kongregasyon. Subalit nang mabasa ko ang sinipi buhat kay Jason sa artikulo, naiyak ako sapagkat ngayon siya ay isa nang matanda sa kongregasyon, at nagkaroon din siya ng mga problema na katulad ng mga problema ko noon! Nadarama kong ako’y bahagi ng organisasyon ni Jehova ngayon.

M. M., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share