Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 4/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG TAON NG UN
  • MGA BARIL AT PAGPAPAKAMATAY
  • MGA BAGAY NA DI BINABANGGIT
  • DUMARAMI ANG NAMAMATAY SA PANINIGARILYO
  • NAGTATAMBAKAN ANG BASURA
  • KRISIS NG AIDS SA APRIKA
  • HUMIHINA ANG PAGPAPAHALAGA SA RELIHIYON
  • LABANAN NG MGA SINDIKATO SA BOMBAY
  • BANTA NG KANSER SA CERVIX
  • MGA SANGGOL NA SUGAPA SA CAFFEINE
  • GINAGAWA NANG EUROTUNNEL
  • BUHAY SA ILALIM NG LUPA
  • Mga Tagapagdala ng AIDS—Ilan ang Maaaring Mamatay?
    Gumising!—1988
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1988
  • Sigarilyo—Tinatanggihan Mo ba Ito?
    Gumising!—1996
  • Ang Pakikipagpunyagi Para sa Isang Tunél
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 4/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

ANG TAON NG UN

Ginulat ng United Nations ang karamihan ng mga kritiko nito sa paglalahad ng maraming malalaking tagumpay noong nakaraang taon. Bagaman hindi nito pinahinto ang anumang digmaan, ang UN ay kumilos bilang isang tagapagpayapa sa mga labanan sa Afghanistan, Persian Gulf, timog-kanlurang Aprika, Kanlurang Sahara, Cyprus, at Kampuchea. Karagdagan pa, ang mga hukbo nito na nagpapanatili ng kapayapaan ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Kapayapaan noong nakaraang Setyembre. At, noong Disyembre binawasan nang malaki ng UN ang badyet nito para sa mga taóng 1990 at 1991, sa kasiyahan ng mga miyembrong superpower. Si Sir Bryan Urquhart, nagretiro kamakailan na pangalawang kalihim ng UN para sa pagpapanatili ng kapayapaan, ay nagsabi: “Hindi na nilulumpo ng mga kabagsikan ng Malamig ng Digmaan ang United Nations. Waring posible pa nga na ang sangkatauhan ay makagawa ng malaking hakbang tungo sa pamayanan ng mga bansa.”

MGA BARIL AT PAGPAPAKAMATAY

Batay sa isang pag-aaral sa Sacramento County, ang medikal na mananaliksik na si Garen J. Wintemute ng University of California ay naghinuha na ang mga baril ay maaaring siyang may pananagutan sa halos 70 porsiyento ng mga pagpapakamatay sa Estados Unidos na ginagamit ang baril, sa halip ng pangkalahatang tinatanggap na bilang na 45 porsiyento. Tinatantiya niya na 50 porsiyento ng mga sambahayan ng bansa ay nagmamay-ari ng isa o higit pang mga baril. Ibinigay ni Wintemute ang ilang dahilan kung bakit ang baril “ang pinipiling sandata” para sa pagpapakamatay. Ang isang dahilan ay na ang karamihan ay nagmamay-ari nito para sa pag-iingat-sa-sarili, ang mga ito ay malamang na may bala at nasa lugar na madaling abutin. Sinabi niya na ang mga baril na “madaling makuha” ay malamang na isang “pangunahing dahilan” ng mga pagpapakamatay niyaong mga kumikilos nang padalus-dalos.

MGA BAGAY NA DI BINABANGGIT

Inaakala ng isang propesor sa unibersidad sa California, E.U.A., na maraming hindi nalalaman ang mga Amerikano tungkol sa mga bagong istorya na talagang kailangan nilang marinig. Kaya pinapili niya ang isang pangkat ng mga dalubhasa​—kilalang mga editor ng magasin at pahayagan, mga prodyuser sa TV, mga ekonomista​—ng mga kuwentong hindi gaanong iniuulat ng media sa E.U. Ang ilang mga paksa para sa 1987 ay: ang 250 mga aksidente ng nuclear reactor; ang pagbibigay ng pamahalaan ng E.U. ng pondo sa pananaliksik sa unibersidad sa paggawa ng nakamamatay ng mga organismo para sa biolohikal na pakikidigma; mabilis na pagkalipol ng nanganganib na mga uri, marahil isang libong mga uri ang ngayo’y naglalaho taun-taon; at ang tanong na kung sino ang nagmamay-ari sa media. Ang mga ito ay hindi gaanong binabanggit ng media sa E.U. Ang pangalan ng grupo? Project Censored.

DUMARAMI ANG NAMAMATAY SA PANINIGARILYO

Ang paninigarilyo ay nananatiling ang “isang pinakamaiiwasang sanhi ng kamatayan” sa Estados Unidos, sabi ng isang pederal na report tungkol sa paninigarilyo, na inilabas noong ika-25 anibersaryo ng unang gayong report. Sa katunayan, tinataya ng report, na ang paninigarilyo ay maaaring maging dahilan ng 30 porsiyento higit na mga kamatayan kaysa dating inaakala. Sinasabi ng U.S. surgeon general sa paunang salita nito: “Ang kritikal na mensahe dito ay na ang pagsulong sa pagbabawas ng paninigarilyo ay dapat na magpatuloy, at mapabilis pa ang pagbawas, upang masugpo natin ang mga kamatayan na nauugnay sa paninigarilyo. Kung hindi, ang sakit dahil sa paninigarilyo ay mananatiling mataas hanggang sa ika-21 siglo.” Tinataya ng surgeon general na ang paninigarilyo ang siyang dahilan ng mahigit na isa sa bawat anim na kamatayan sa Estados Unidos ngayon.

NAGTATAMBAKAN ANG BASURA

Sa Pederal na Republika ng Alemanya, ang halaga ng pagtatapon ng pribado at industriyal na basura, pati na ang nakalalasong dumi, ay nagkakahalaga ng tinatayang 5.5 hanggang 6.5 bilyong dolyar (10 hanggang 12 bilyong K. Alemanyang Marks) taun-taon, sang-ayon sa bilang na inilathala sa peryang pangkapaligiran na “Entsorga 1988” na ginanap sa Essen. Nitong nakalipas na mga taon, ang pribadong mga tahanan ay nakagawa ng 30 hanggang 32 milyong tonelada ng basura taun-taon​—iyan ay katumbas ng halos 360 kilo sa bawat tao.

KRISIS NG AIDS SA APRIKA

Ang mga kaso ng impeksiyon sa pamamagitan ng nakamamatay na mga virus ng AIDS ay mabilis na dumarami sa Aprika, ulat ng isang bulletin mula sa WHO (World Health Organization). Tinataya ng WHO na kasindami ng mga sangkapat ng mga tao sa pagitan ng edad na 20 at 40 na nakatira sa ilang lungsod sa gitnang Aprika ang may virus ng AIDS. Ang epidemiologong si Rick Mathias ng University of British Columbia ay naniniwala na ang mga impeksiyon ng virus ng AIDS ay hindi pa nasasawata sa Aprika dahil sa malaganap na pagsasagawa ng poligamya sa maraming bansang Aprikano. Binanggit din ng bulletin ng WHO ang pagsasalin ng dugo na isa pang dahilan ng paglaganap ng AIDS sa Aprika.

HUMIHINA ANG PAGPAPAHALAGA SA RELIHIYON

Sa loob ng tatlong taon, hinadlangan ng mga mamamayan ng Takarazuka, Hapón, ang pagtatayo ng isang templong Budista, sinasabing ang pagdarasal ng mga sutra at mga seremonya sa libing ay makagagambahala sa kapayapaan ng kanilang purok. Yamang nalalaman nila na ang dating templo ay muling itatayo mga walong daang metrong mas malapit sa kanila, iginiit ng mga residente na ang mga templo ay dapat na itayo sa mas “angkop na dako” na malayo sa mga dakong residensiyal, gaya sa mga bulubunduking rehiyon, ulat ng Mainichi Daily News. Ang saserdote ng templo, si Tetsuhide Sato, ay nanaghoy: “Wala na ang dating mga araw kung saan ang mga tao ay nagtitipon sa mga templo sa pagsamba.”

LABANAN NG MGA SINDIKATO SA BOMBAY

Ang mga lansangan sa Bombay, India, ay higit at higit na nagiging isang larangang digmaan kaysa isang mapayapang tanawin sa lungsod, ulat ng magasing India Today. Ang labanan ng mga sindikato sa pagitan ng magkaribal na mga butangero ng masasamang loob ay tumaas habang sila ay naglalaban kung sino sa kanila ang pinakasiga. Mataas ang nakataya: kontrol ng pagpupuslit, narkotiko, bawal na alkohol, prostitusyon, at lahat ng kayamanan na ipinapasok ng gayong mga bisyo. Noong nakaraang taon 13 gangster ang namatay sa mga barilan.

BANTA NG KANSER SA CERVIX

Ang Timog Aprika ay maaaring nasa bingit ng isang epidemya ng kanser sa cervix, sabi ni Dr. Basil Bloch, hepe ng Oncology and Colposcopy sa Groote Schurr Hospital sa Capetown. Inilarawan niya ang kanser na pangunahin nang isang sakit na seksuwal na naililipat at sinabi niya sa mga delegado sa komperensiya tungkol sa seksuwalidad na ginanap sa Capetown na ito ay maaaring maging isang malubhang banta sa kalusugan na gaya ng AIDS. Anong uri ng mga babae ang nanganganib? Yaong aktibo sa sekso maaga pa sa buhay, nag-asawa nang maaga, maraming kinakasama, at naninigarilyo. “Kung lahat ng mga pasyente ay may rutinang pap smears, ang pagkakaroon ng kanser sa cervix ay mababawasan ng 80 hanggang 90%,” sabi ni Dr. Bloch. “Ito ay isang mahahadlangang sakit.”

MGA SANGGOL NA SUGAPA SA CAFFEINE

Kabilang sa listahan niyaong nanganganib dahil sa labis-labis na paggamit ng caffeine ay ang mga sanggol at mga tao na nababalisa at nanlulumo. Ang pahayagang The Australian ay nag-uulat mula sa Sydney na “isang nagdadalang-taong babae ang uminom ng 15 tasang kape at dalawang litrong cola sa isang araw. Sinabi ng isa pang nagdadalang-tao sa kaniyang doktor na umiinom lamang siya ng limang tasang kape isang araw subalit hindi niya sinabi na ang bawat tasa ay naglalaman ng limang kutsarang instant na kape. Ang resulta ay pareho rin​—ang mga sanggol na ito ay isinisilang na mga sugapa sa caffeine at dumaranas ng mas matagal na mga yugto upang makabawi kaysa mga sanggol na isinilang na sugapa sa heroin.” Isa pa, sinasabi ng isang report sa American Journal of Psychiatry na ginagawa ng caffeine na mas sensitibo ang mga taong nababalisa o nininerbiyos. Maaari rin nitong gawin ang mga biktima ng panlulumo na lalo pang mabalisa.

GINAGAWA NANG EUROTUNNEL

Kung maayos ang lahat ayon sa plano, ang Inglatera at Pransiya sa wakas ay pagdudugtungin ng isang tunel sa 1993. Ang ideya ay hindi bago. Ang una sa mga 27 pagsisikap na pagdugtungin ang mga bansa sa pamamagitan ng tunel ay sinang-ayunan ni Napoleon 187 taon na ang nakalipas. Ang mga Britano, na ikinatatakot ang paglusob ng mga Pranses, ay tutol dito. Ang isang tunel, na nagsimula noong 1880’s, ay mahigit lamang isang milya ang haba sa magkabilang dulo bago ito tinalikdan. Ang kanilang huling pagsisikap ay nangyari noong 1975. Ang huling pakikipagsapalarang ito, binansangang Eurotunnel, ay waring nakatitiyak ng tagumpay. Ang Eurotunnel ay bubuuhin ng dalawang 7.9 metrong mga tunel at isang 3-metro-ang lapad na tunel na tumatakbo sa pagitan nito para sa mga operasyon ng pagkukumpuni at pagsagip. Palibhasa’y gumagamit ng mga makinang bumubutas-tunel, ang mga manggagawa ay nakapagsimula na, lalo na sa service tunnel​—halos apat na kilometro mula sa panig ng Inglatera at 0.4 kilometro mula sa panig ng Pransiya. Inaasahan ng Ingles at Pranses na gumagawa ng tunel na magtatagpo sa 1991 at inaasahan nilang sasala sila ng hindi hihigit sa ilang pulgada.

BUHAY SA ILALIM NG LUPA

Malaon nang ipinalalagay ng mga siyentipiko na walang nabubuhay sa ilalim ng lupa, ang tirahan ng mga bulati, uod, at mga ugat ng halaman. Mali sila. Apat na butas na hinukay kamakailan sa Timog Carolina, E.U.A., ang nagsisiwalat na mga 3,000 uri ng mga mikroorganismo ang nabubuhay nang hanggang 550 metro sa ilalim ng lupa. Marami sa pagkaliit-liit na mga surot ay dating di-kilala ng siyensiya. Nabubuhay sa isang madilim na daigdig na may kaunting hangin o pagkain, ang mga mikroorganismong nangangailangan ng oksiheno ay kumukuha nito sa tubig ng lupa roon. Karaniwan nang binabawi nila ang kakapusan ng pagkain sa pamumuhay nang napakabagal, tulad ng nagha-hibernate. Sinusuri ngayon ng mga siyentipiko kung paano nabubuhay ang munting mga kinapal na ito sa dakong kinabubuhayan nila, at kung ang mga ito kaya ay magagamit ng tao sa paglilinis ng maruruming balon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share