Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 7/8 p. 10-11
  • Pangunahing Target ba ang Inyong Bansa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pangunahing Target ba ang Inyong Bansa?
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Dobleng Pamantayan sa Pagpapalaganap ng Sakit at Kamatayan
  • Ang Ilan ay Gumaganti
  • Moralidad sa Tabako?
    Gumising!—1991
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Tabako at Sensura
    Gumising!—1989
  • Naipit sa Nagliliyab na Isyu ang mga Kompanya ng Sigarilyo
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 7/8 p. 10-11

Pangunahing Target ba ang Inyong Bansa?

DAHIL sa mas mura ang tabako sa Brazil at Zimbabwe, ang Estados Unidos ay may sobrang tabako. Kaya saan ito ipagbibili ng mga negosyante ng tabako? Sa mga bansa sa Aprika at Asia. Kaya, ang magasing Asiaweek ay nag-uulat: “Ang mga bansa sa Asia ay kumukunsumo ngayon ng halos 50 porsiyento ng ipinagbibiling tabako ng Amerika sa ibang bansa, hinahalinhan ang Britaniya at Kanlurang Alemanya bilang nangungunang pamilihan.”

At anong pagkalaki-laking halaga ang nasa harapan ng mga ahente ng tabako! Isang pamilihan na may potensiyal na populasyon na halos dalawang bilyon katao sa susunod na 20 taon. Ang kasalukuyang populasyon ng Tsina at India lamang ay nakalilito​—isang pinagsamang kabuuan na halos 1.8 bilyon! At gaya ng binabanggit ng World Health: “Samantalang ang mga pamilihan ng tabako ay umuunti sa kanluran sa bilis na isang porsiyento sa bawat taon, ang paninigarilyo ay sumusulong sa nagpapaunlad na mga bansa sa katamtamang bilis na dalawang porsiyento sa bawat taon.” At tandaan na ang umuunting pamilihan ay mayroong mas maliit na populasyon kaysa potensiyal na pamilihan na nag-aanyaya sa Silangan. Inaasahan ng industriya ng tabako sa E.U. na ang benta sa Asia ay susulong ng 18 porsiyento sa taóng 2000. Subalit may isang hadlang. Mga taripa.

Dobleng Pamantayan sa Pagpapalaganap ng Sakit at Kamatayan

Paano magagawa ng mga kompaniya ng tabako sa Amerika na tanggapin ng ibang bansa ang sobra nilang sigarilyo? Balintuna, mayroon silang kapanalig na, samantalang binabalaan ang mga mamamayan nito laban sa mga panganib ng paninigarilyo, aktibo namang itinataguyod nito ang pagbibili ng nakamamatay na tabako sa iba pang bansa. Sino ito? Ang gobyerno ng E.U.!

Ang Asiaweek ay nagsasabi: “Ang pagluluwas ng tabako sa ibang bansa ay suportado ng pamahalaan ng E.U. . . . Ang Office of the U.S. Trade Representative . . . ay gumawa ng lahat ng paraan upang alisin ang mga hadlang sa kalakalan at pasukin ang media sa Asia para sa Amerikanong mga kompaniya​—kahit na ang pag-aanunsiyo ng sigarilyo ay malaon nang ipinagbawal sa mga radyo at telebisyon sa E.U.” Ang magasing World Health ay nag-uulat: “Ang mga kompaniya ng tabako [sa E.U.] ay gumagamit ng malakas na impluwensiya sa pulitika. Ang mga pahintulot sa pangangalakal o banta sa gayong mga pahintulot ay ginawa laban sa Hong Kong, Taiwan, Hapón at Korea malibang buksan nila ang kanilang mga pamilihan sa pagbibenta at pag-aanunsiyo ng mga produkto ng tabako ng Amerika.”

Masahol pa, ang mga kompaniya ng tabako ay hindi lamang nagbibenta ng kanilang mga produkto sa Asia kundi pinalalakas din naman nila ang kanilang benta sa pamamagitan ng mapamilit na pag-aanunsiyo. Inalis pa nga ng ilang bansa, gaya sa Taiwan at Timog Korea, sa ilalim ng panggigipit, ang kanilang pagbabawal sa pag-aanunsiyo ng tabako! Ngayon ang Tsina ay nangunguna rin sa listahan ng mga tagagawa ng sigarilyo sa E.U. Hindi kataka-taka na isang ehekutibo ng kompaniya ng tabako ay sinipi na nagsabi: “Alam ba ninyo kung ano ang gusto namin? Gusto namin ang Asia.” Subalit paano ba minamalas ng ilan ang Amerikanong mapamilit na mga taktikang ito?

Sang-ayon sa isang kabalitaan ng New York Times, isang negosyanteng Koreano ang nagreklamo “laban sa imoralidad ng Amerikano sa paggiit ng mga sigarilyong yari sa Amerika sa mga Koreano.” At mayroon siyang mahalagang punto. Bagaman ang Amerika ay nakikipagbaka laban sa pag-aangkat ng cocaine at heroin na mahalaga sa ekonomiya ng ibang bansa, nais nitong itapon ang sarili nitong nakalalasong tanim sa ibang bansa. Yamang ang Amerika ay nag-aangking may mataas na mga pamantayang asal, kasuwato ba ng mataas na pamantayan nito ang ipasa nito sa ibang bansa, ang marami ay nasa katakut-takot na kagipitan sa kabuhayan, ang sobra nitong nakapipinsalang mga produkto ng tabako?

Ang Ilan ay Gumaganti

Ipinagbawal ng ilang bansa sa Aprika, gaya ng Gambia, Mozambique, at Senegal, ang pag-aanunsiyo ng sigarilyo. Ang ministro ng kalusugan ng Nigeria ay nagsabi noong nakaraang taon na “ipagbabawal ng pamahalaan ng Nigeria ang pag-aanunsiyo ng sigarilyo sa lahat ng pahayagan, radyo, telebisyon at paskilan. Ipagbabawal namin ang paninigarilyo sa lahat ng dako at sasakyang pampubliko.” Ipinaalam ng isang opisyal ng impormasyon sa Nigeria sa Gumising! (Enero 1989) na ang usaping ito ay pinagtatalunan pa.

Ang Tsina ay isang bansa na may 240 milyong maninigarilyo. Sa taóng 2025, ang mga autoridad sa medisina ay umaasang mawawalan ng dalawang milyong tao sa bawat taon bilang resulta ng mga sakit na nauugnay sa paninigarilyo. Ang Tsina ay may pagkalaki-laking problema, gaya ng inaamin ng magasing China Reconstructs: “Sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno ng Tsina sa pag-aanunsiyo ng sigarilyo, ng madalas na pag-uulat ng mga pahayagan at magasin na nagbababala tungkol sa masamang mga epekto ng paninigarilyo, at ng tumataas na presyo ng sigarilyo, ang bilang ng mga maninigarilyo sa Tsina ay patuloy na dumarami.” At ano ang isa sa mga resulta? “Ang kanser, mga sakit sa puso at sa palahingahan ang pangunahing mga mamamatay-tao sa Tsina.”

Sa ilang bahagi ng Tsina, itinuturing na isang tanda ng pagkamapagpatuloy na alukin ng sigarilyo ang mga bisita. Subalit anong laking halaga ang pinagbabayaran ng mga Intsik! Ang China Reconstructs ay nag-uulat: “Ang mga dalubhasa sa medisina ay nagbababala na parami nang parami ang nagkakaroon ng kanser sa bagà.” Gaya ng sabi ng isang dalubhasang Intsik: “Pinagbabayaran na natin ang napakalaking halaga.”

Gayunman, mayroon pang panganib sa kapangyarihan ng mga tagapag-anunsiyo ng tabako​—ang kanilang tusong impluwensiya sa media.

[Larawan sa pahina 10]

Anunsiyo laban sa painigarilyo sa Hong Kong

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share