Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 7/8 p. 25
  • Sino ang Tunay na mga Manggagawa ng Masama?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Tunay na mga Manggagawa ng Masama?
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Pinangakuan ba ni Jesus ng Buhay sa Langit ang Manggagawa ng Kasamaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • ‘Ang Ating Kahihiyan ay Hayag sa Buong Daigdig’
    Gumising!—1990
  • Droga—Mayroon Bang Anumang Pag-asa?
    Gumising!—1988
  • Paraiso
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 7/8 p. 25

Sino ang Tunay na mga Manggagawa ng Masama?

ANG Bibliya ay nagsasabi na kasinungalingan ang tatak ni Satanas. Noong panahon ni Jesus ang mga klerong Judio ay nagpalaganap ng kasinungalingan laban sa kaniya. Ang panahon ay hindi nagbabago.​—Juan 8:44.

Ang mga kaaway ng mga Saksi ni Jehova ay palaging gumagamit ng mga kasinungalingan at mga taktika upang kontrahin ang gawaing pangangaral ng mga Saksi. Sa Sosyalistang mga bansa ang kasinungalingan ay na ang mga Saksi umano’y masamang mga ahente ng CIA ng Estados Unidos! Isang Katolikong tagapagtaguyod ng Sandinista, na sakay ng eruplano mula London patungong New York, ang walang batayang nagparatang niyan sa isang kabalitaan ng Gumising! na katabi niya sa upuan. Gayunman, nalalaman ng may kabatirang mga tao na ang mga Saksi ay lubusang walang pinapanigan sa pulitika.​—Juan 17:16; 18:36.

Sa kabilang panig, sa mga bansang Katoliko iba namang mga kasinungalingan ang ginagamit upang siraan ang mga Saksi. Noon sila ay pinararatangan ng pagiging masamang mga ahente ng Komunista. Hindi pa natatagalan malapit sa Caracas, Venezuela, isang kakatuwang paratang ang ipinatungkol laban sa ilang Saksi. May kamaliang iniulat sa pahayagang Ultimas Notícias na hinalay at pinatay ng isang Saksi ang tatlong pang Saksi sa isang satanikong ritwal! Ginatungan pa ng lokal na pari ang apoy ng iskandalo sa pagsasabi sa kaniyang nasasakupang parokya, ‘Ipinakikita lamang nito kung anong uri ng mga tao ang mga Saksi ni Jehova.’ Ano ba ang katotohanan tungkol sa bagay na ito?

Ang nabanggit na babae ay namatay dahil sa cerebral hemorrhage at ang kuwento tungkol sa panghahalay ay inimbento lamang ng mga mananalansang. Nang maglaon, isang panayam at pagbawi sa paratang ang inilathala sa pahayagan ding iyon.

Subalit ano naman ang nangyari sa paring nagsamantala sa kasinungalingang ito? Nang araw ding iyon na inilathala ang pagtatatuwa, siya ay tinanong sa telebisyon. Ang paksa? Siya ay nahuling nagpupuslit ng 21 kilong cocaine sa Espanya. Hindi ito ang kaniyang unang pagkakasala. Ipinagtapat niya ang unang pagkakasangkot niya sa pagpupuslit ng droga noong 1984 sa pakikipagkita niya sa isang dating pari na nagbibenta rin ng droga. Binabanggit ng ulat sa magasing Auténtico na ikinatatakot ng mga pulis na makalaya ang pari at tumakas sa bansa gaya ng ginawa ng isang pari, na “pinayagang tumakas sa isang bahay na binili niya sa Miami [Florida, E.U.A.] ng salaping pinagbilhan niya ng droga.”

Ano ang masasabi ng arsobispo ng Caracas, si Cardinal Lebrún, tungkol sa kaniyang paring kriminal? “Katungkulan kong sabihin na si padre José Luis Gil ay hindi isang manggagawa ng masama.” Gayunman, ang pagpapakahulugan ng batas sa isang manggagawa ng masama ay naiiba kaysa sa pagpapakahulugan ng arsobispo, at ang pari ay hinatulan ng 20 taon sa bilangguan. Maliwanag din ang pagpapakahulugan ng Bibliya sa isang manggagawa ng masama: “Nalalaman ninyong lubos na ang mga taong gumagawa ng masama ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos: mga taong namumuhay nang imoral, . . . mga magnanakaw, usurero, . . . at mga manggagantso ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” “Huwag magbata ang sinuman sa inyo dahil sa pagiging mamamatay-tao, magnanakaw, kriminal.”​—1 Corinto 6:9, 10; 1 Pedro 4:15; The Jerusalem Bible (Katoliko).

Kapag ang isang pari ay nakagawa ng isang krimen, siya ay karaniwang inililipat sa ibang parokya, gaya ng nangyari kamakailan sa mga kaso ng mga batang pinagsamantalahan ng pari sa Estados Unidos. Ang pamantayan sa Bibliya para sa mga hindi nagsisisi, hindi nagbabago, imoral na mga tao ay pagtitiwalag, o iskomunikasyon. Tanging sa paraang iyan ang kongregasyong Kristiyano ay maaaring manatiling malinis mula sa kusang mga manggagawa ng masama.​—1 Corinto 5:11, 12.

Ang isang nagbibenta ng droga ay isang nagbibenta ng droga kahit na siya ay isang pari

Isang paring nadakip na may kargang cocaine

Sabi ni Cardinal Lebrún, “Katungkulan kong sabihin na si padre José Luis Gil ay hindi isang manggagawa ng masama”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share