Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 7/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Pasko—Ito Ba’y Maka-Kristiyano?
    Gumising!—1988
  • Bakit Hindi Nagdiriwang ng Pasko ang mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Dapat Mo Bang Ipagdiwang ang Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Pasko—Bakit Totoong Popular sa Hapón?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 7/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ang Pananggang Ozone Salamat po sa inyong impormatibong artikulo. (Enero 22, 1989) Marami akong nalaman sa suliraning ito sa pamamagitan ng naunang labas ng inyong magasin at ipinasiya ko na kailanma’t maaari, iiwasan ko ang paggamit ng mga sustansiya na nagpapalubha sa problemang ito, tulad halimbawa ng aerosol at mga bagay na yari sa foamed plastic.

G. C., Republika ng Timog Aprika

Ang mga Kristiyano sa ngayon ay dapat gumalang sa kapaligiran ng sangkatauhan. Subalit, sa tuwina hindi praktikal o posible man na iwasang lubusan ang paggamit ng mga produktong pinagmumulan ng polusyon. Ang panghabang-panahong solusyon sa problema ng polusyon ay ang pamamahala sa lupa ng Kaharian ng Diyos. (Apocalipsis 11:18)​—ED.

Mga Plaka ng Awiting Pangkaharian Naisip ko na banggitin ang isang kamalian sa inyong artikulo. (Enero 8, 1989) Isa sa mga musikero na sinipi ay nagsabi na ang kanilang pagsisikap ay kapos kung ang pag-uusapan ay ang musika na likha ng isang propesyonal na symphony orchestra. Ako’y di-sang-ayon diyan. Marahil nga’y hindi propesyonal iyan, subalit parang propesyonal​—tunay na isang kathang-sining.

R. L., Estados Unidos

Pasko Ibinangon ng Gumising! ang tanong na kung ang Pasko ay Kristiyano. (Disyembre 8, 1988) Ang iba, na mga Kristiyano sa pangalan lamang, ay nagdiriwang nito sa pamamagitan ng paglalasingan at walang patumanggang pagsasaya, at ako’y sumasang-ayon na sa ganitong paraan ang Pasko ay pagano. Subalit para sa marami, ang Pasko ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa kanilang mga kaibigan sa simbahan. Ito ba’y mali?

E.L., Brazil

Walang alinlangan na marami ang nagsisikap na ipagdiwang ang ipinalalagay na petsa ng kapanganakan ni Jesus sa isang paraang marangal. Gayunman, ang artikulo ay nagbigay ng malinaw na ebidensiya na (1) hindi nagbigay si Jesus ng pahintulot sa gayong selebrasyon, (2) ang kapanganakan ni Jesus ay maaaring naganap noong Setyembre/Oktubre (hindi Disyembre), at (3) marami sa mga kaugaliang kaugnay ng Pasko ay maliwanag na nanggaling sa pagano. Kaya’t ang isyu na nakaharap sa mga ibig makalugod sa Diyos sa kanilang pagsamba ay, hindi kung paanong gaganapin ang gayong selebrasyon, kundi kung baga may pagsang-ayon ang Diyos sa Pasko sa anumang anyo nito.​—ED.

Karahasan Pakisuyong huwag ninyong ipayo sa inyong mambabasa na magpakabit ng mga deadbolts na kung saan kailangan ang isang susi upang mabuksan ang pinto buhat sa loob. Ito’y naghaharap ng panganib kung sakaling magkasunog at may nakakulong sa loob na sinumang walang susing hawak at/o walang panahon na gamitin iyon bago makulong ng apoy o ng makapal na usok.

R. M., Bureau of Building Inspection, San Francisco, California

Ang komento ni R.M., tungkol sa aming Abril 22, 1989, na labas, pahina 9 at 10, ay mainam ang pagkasabi. Kami’y sang-ayon na ang panganib na makulong ng apoy kung may sunog ay karaniwan nang mas higit kaysa panganib buhat sa marahas na krimen. Walang alinlangan na ito ang dahilan kung bakit ang mga kandadong nangangailangan ng isang susi upang makalabas ka sa isang kuwarto o isang gusali ay ipinagbabawal ng karamihan ng mga batas sa pagtatayo sa Estados Unidos. Kami nga’y nagkamali rin sa pagpapakita sa ganitong klase ng kandado sa aming inilathalang larawan. Ipinababatid sa mga mambabasa na ligtas na kumuha ng isang kandadong “deadbolt” na maaaring buksan sa loob na hindi ginagamitan ng isang susi.​—ED.

Binugbog na mga Asawa Salamat sa mga seryeng iyon ng mga artikulo. (Nobyembre 22, 1988) Bilang isang kawani ng isang ampunan para sa binugbog na mga babae, ang impormasyon sa magasing ito ay ibinahagi ko sa tagapayo, na ngayo’y gumagamit ng mga artikulong ito sa mga biktima sa kaniyang trabaho. Ang lalong higit na nagustuhan ko ay ang bahaging “Ang Kautusan ng Diyos at ang Pangmalas na Kristiyano.” Marami sa mga biktima ay nababahala tungkol sa kung paano minamalas ng Diyos ang kanilang katayuan. Ako’y pumidido ng sapat na mga sipi ng magasing ito upang ipamahagi sa lahat ng ampunan na ukol sa mga pinagmamalupitan sa tahanan sa estadong ito.

M. W., Ohio, Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share