Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/8 p. 3
  • Digmaan—Ang Dagok at ang Trauma

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Digmaan—Ang Dagok at ang Trauma
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Huling Araw—‘Kaharian Laban sa Kaharian’
    Gumising!—1988
  • Ano ang Kalagayan ng Daigdig sa Nakalipas na 50 Taon?
    Gumising!—1995
  • Digmaan—Ang Mapait na Bunga Nito
    Gumising!—1989
  • Ang Digmaan na Tatapos sa mga Digmaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/8 p. 3

Digmaan​—Ang Dagok at ang Trauma

“KAMI’Y nasa isang patrolya na walang anumang nangyayari. Ang aming opisyal, isang mahinahon, mabait na lalaki, hindi isang propesyonal na sundalo, ang nangunguna sa amin pabalik sa aming sariling mga linya. Hinamon kami ng isang bantay. Bago pa makasagot ang aming opisyal, isang nerbiyosong sundalo sa likuran ng aming linya ang nagpaputok, tinamaan ang opisyal sa mukha. Ang kawawang lalaki ay namatay, nabulunan sa kaniya mismong dugo.” Para kay Edward B  , isang sundalong Britano, iyan ang buod ng trauma ng Digmaang Pandaigdig II.

Sinikap ng iba na itago ang tunay na mukha ng digmaan. Ang Digmaang Pandaigdig I, halimbawa, ay inilarawan ng ilang propagandista bilang “bahaging-Armagedon​—ang pangwakas na digmaan ng Mabuti laban sa Masama . . . at bahaging labanan ng mga kabalyero noong Edad Medya, na may halong larong cricket.” (The Faces of Power) Ito ay hindi alinman sa mga ito. Ito ay mas mabuting inilarawan ng kabalitaan at autor na si Ernest Hemingway nang isulat niya na ito “ang pinakamalaki, pinakanakamamatay, pinakamasamang pangangasiwa na pagpatay na kailanma’y nangyari sa lupa”​—hanggang noong Digmaang Pandaigdig II.

Ang gayong pagpatay ay naging tanda ng lahat ng mga digmaan sa siglong ito at bago ang siglong ito. “Ang bawat digmaan sa kasaysayan,” sulat ni Malcolm Browne, “anuman ang dahilan o katuwiran, ay napakarumi, napakasakit at nakasásamâ sa lahat ng nasasangkot.” Sa Vietnam, nakita niya mismo ang marami sa dokumentadong pagpatay at paghihirap ng digmaan, subalit inaakala pa rin niya na “ang kakilabutan na isinagawa sa Viet Nam ay hindi bago sa karanasan ng tao.”​—The New Face of War.

Gayunding mga kakilabutan ay tiyak na naranasan noong Digmaang Pandaigdig II. Ang Alemanya at Hapón ay naiwang wasak at ang kabuuang militar at sibilyan na namatay sa digmaan ay umabot ng angaw-angaw. Ang Estados Unidos ay nawalan ng halos 400,000, ang Britaniya ng 450,000, at ang Pransiya ng mahigit na kalahating milyon. Ang Unyong Sobyet ay nawalan ng tinatayang 20 milyon. Itinatala ang inilalarawan nitong “kabayaran nitong paghihirap ng tao,” ang aklat na World War II ay nagsasabi: “Lahat-lahat na nasawi sa digmaan, pati na ang mga sibilyan, ay may bilang na di-kukulanging 50 milyon.”

Ang mga nasawing sibilyan ay bahagi ng kung ano ang inilarawan ni Gerald Priestland sa kaniyang aklat na Priestland​—Right and Wrong bilang “lubos na digmaan: digmaan para sa mga lalaki, mga babae at mga bata, saan man sila naroroon, anuman ang kanilang ginagawa, gaano man sila katanda o kawalang-kaya.” Inilalarawan ito, sabi niya, nang “sunugin ng mga allies ang Hamburg at ang Dresden, at nang wasakin ng mga Aleman ang Liverpool at Coventry.”

Ang pagkalipol ng sampu-sampung angaw sa digmaan ay napakasama. Subalit kumusta naman yaong mga nakaligtas sa “napakarumi, napakasakit at nakasásamáng” trauma ng digmaan? Paano sila naapektuhan? At paano nila mahaharap ang mga epekto nito? Susuriin ng susunod na mga artikulo ang mga tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share