Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagpapapayat Nang una kong makita ang artikulo sa labas ng Mayo 22, 1989, tungkol sa pagpapapayat, itinabi ko muna ang pagbasa nito ng mga ilang linggo. Alam ninyo, ako ay mataba sa kalakhang bahagi ng buhay ko. Bueno, kababasa ko lamang nito at ako’y labis na napatibay-loob, sabik pa nga ako, na isagawa ang mainam, maibiging mga mungkahi. Ang inyong empatiya, pag-unawa, at maibiging pagkabahala ay labis kong pinahahalagahan.

L. B., Estados Unidos

Maraming-maraming salamat sa artikulo tungkol sa labis sa timbang. (Mayo 22, 1989) Hindi naman ako masiba subalit marami akong suliranin sa metabolismo na siyang dahilan na ako’y labis sa timbang. Para ba akong kakatuwa sa karamihan ng panahon. Hindi ko kailangang patiunang hatulan ako ng mga tao, ipinalalagay na wala na akong ginawa kundi kumain, kumain, kumain. Salamat sa pagsasabing hindi lahat ng mga taong matataba ay mga taong masiba. Alam kong minamahal at nauunawaan ako ni Jehova at tinatanggap ako sa kabila ng aking hitsura. Sana naman ang mga tao ay maging mas maibigin at maunawain.

P. R., Estados Unidos

Mula nang mabasa ko ang inyong artikulo, sinimulan ko ang isang programa ng pag-eehersisyo at ako’y nagsisikap na huwag kumain ng totoong gabi na. Pumayat na ako ng pito o walong libra at maganda ang pakiramdam ko. Maraming-maraming salamat!

G. V., Pederal na Republika ng Alemanya

Hindi lahat ay nakakaranas ng mabilis na resulta. Para sa ilang indibiduwal, ang pagpapapayat ay isang mahirap na pakikipagbaka na nangangailangan ng maraming pagsisikap, determinasyon, at suporta​—hindi pagpuna.​—ED.

Mas Malala sa AIDS Lubhang naantig ang aking damdamin ng artikulong “Mas Malala sa AIDS.” (Abril 22, 1989) Ipinaalaala sa akin ng artikulo ang aking kalagayan. Ako man ay nakagawa ng mga ilang bagay na kasuklam-suklam sa Diyos na Jehova. Habang binabasa ko ito, ang aking mga mata ay nangingilid sa luha. Saka ko natalos na kung wala si Jehova, ito’y parang pamumuhay sa ibang planeta na walang tubig! Ako ngayon ay lalo pang magsisikap na gawin kung ano ang kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.

I. A., Estados Unidos

Pagpili ng mga Karera Marami pong salamat sa artikulong “Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?” (Mayo 8, 1989) Nais kong mag-aral sa isang pamantasan subalit kailangang kalimutan ko na lamang ang aking pangarap dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Samantala ako’y nagsimulang makipag-aral sa mga Saksi ni Jehova. Labis-labis ang naitulong sa akin ng inyong artikulo. Wala akong pinagsisisihan. Mayroon akong part-time na trabaho at ako’y naglilingkod bilang isang buong-panahong ebanghelisador. Sa palagay ko’y wala nang iba pang karera ang higit na kasiya-siya.

A. P., Italya

Mga Himala at mga Pangitain Ako’y isang madalas na tagabasa ng Gumising! Gayunman, inaakala kong nakaligtaan ninyo ang maraming punto tungkol sa Lourdes. (Marso 8, 1989) Aking dinadalaw ang Lourdes sa loob ng 18 taon na, at bagaman wala akong nakikitang mga himala o mga pangitain, may iba pang mga pakinabang. Para sa marami ito ay isang pagkagising, at para sa marami ito ay naglaan ng isang pinagmumulan ng patnubay sa kanilang buhay. Ang pagdalaw sa Lourdes ay hindi ang paghahanap ng isang himala. Ito’y ang katuparan ng utos ni Jesus: “Mag-ibigan kayo sa isa’t isa.” Ang anumang dako na makapagdadala ng napakaraming tao sa pagkaunawa nito ay hindi masama.

R. K., Britaniya

Ang mga dambana sa mga lugar na gaya ng Lourdes at Fátima ay napakalapit sa mga puso ng maraming taimtim na mga Katoliko, at pinahahalagahan namin ang kanilang damdamin. Gayunman, ipinakikita ng aming artikulo na ang pagsamba sa gayong mga lugar ay nag-uugat sa kasinungalingan at labag sa Kasulatan. At bagaman ang gayong mga lugar ay maaaring may malaking pang-akit sa damdamin, dapat nating tandaan na sinabi ni Jesu-Kristo na ang “mga tunay na mananamba” ay hindi sumasamba sa anumang partikular na lugar kundi “sumasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan.”​—Juan 4:21-23.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share