Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagmamaneho Pinahahalagahan ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Makukumbinse ang Aking mga Magulang na Handa Na Akong Magmaneho?” (Marso 22, 1989) Ako’y 14 anyos at matagal ko nang ipinakikipag-usap sa aking ina ang tungkol sa pagmamaneho, subalit siya ay lubhang nag-aalinlangan tungkol dito. Naiisip ko tuloy na hindi ako makapagmamaneho hanggang sa ako ay maging 30! Ngayon alam ko nang maaari akong magsimulang gumawa ng mga bagay upang magkaroon ng tiwala sa akin ang aking ina upang kung dumating ang panahon, alam niya na kaya ko nang humawak ng pananagutan. Marami pong salamat!

J. D., Estados Unidos

Alagang Hayop Ako’y namamahala ng isang tindahan ng mga alagang hayop sa loob ng mga ilang taon at inaakala kong ako’y kuwalipikadong magbigay ng isang ‘edukadong palagay.’ Ang inyong artikulo tungkol sa mga alagang hayop (Hunyo 8, 1989) ay maraming magagandang punto. Subalit pagdating sa kalinisan, wala kayong binanggit tungkol sa responsableng pagmamay-ari. Titiyakin ng isang responsableng may-ari ng alagang hayop na ang hayop ay napananatiling malinis, malusog, at malaya sa parasito upang ang alagang hayop ay maaaring patuluyin sa tahanan. Ang regular na pagdalaw sa beterenaryo ay dapat na maging rutina at dapat na isama sa badyet ng pamilya. Dapat sana’y binanggit ng artikulo ang kahalagahan ng paglilinis araw-araw ng dumi ng aso sa bakuran, basurahan, o sa kulungan. Hindi mo masisisi ang isang hayop sa pagiging marumi, punô ng parasito, o hindi malusog kung ganiyang kalagayan ang pinapayagan ng mga may-ari na pamuhayan nito.

L. T., Estados Unidos

Ang mga puntong ito ay isinaalang-alang. Gayunman, ang artikulo ay hindi nilayon upang maging isang masinsinang pagtalakay tungkol sa pangangalaga sa mga alagang hayop. Bagkus, ito ay upang tulungan ang mga mambabasa na magpasiya kung sila ba ay handang kumuha ng mabigat na pananagutan na pagmamay-ari ng alagang hayop.​—ED.

Pag-aalimura Ang inyong artikulo (Hunyo 8, 1989) ay tumulong sa akin upang pahalagahan na ang mga magulang ay nasa ilalim ng matinding panggigipit. Ngayon ako’y pinagsabihan nang masakit at napakamiserable ng pakiramdam ko. Galit na galit ako sa aking mga magulang. Subalit talagang nakatulong sa akin na nabasa ko ang artikulong ito kahapon. Kapag iniisip ko ang tungkol sa kanilang mabubuting panig sa halip na pagtuonan ng pansin ang masasamang punto lamang ng aking mga magulang, ang aking puso at ang aking pag-iisip ay nagiging mas maligaya. Maraming-maraming salamat po.

E.T., Hapón

Ako po’y 15 anyos at ako po’y nanghihina at nanlulumo kamakailan dahil sa pag-alimurang tinatanggap ko mula sa aking ama. Ang artikulong ito ay espirituwal na pagkain sa tamang panahon. Tunay na ito ay isang bukal ng pampatibay-loob sa akin at sa aking ina.

H. T., Estados Unidos

Krimen Ang labas na Abril 22, 1989 ay naglalaman ng payo na nakabagabag sa akin. Tungkol sa pakikiharap sa mga mambubugbog o mugger, ganito ang sabi: “Tingnan ang tao sa mata, at sikaping titigan siya.” Ako’y nakatira sa loob ng maraming taon sa mga dakong palasak ang krimen at ako’y tinuruan na huwag titingin sa mata ng taong sumasalakay, yamang baka akalain niyang sinisikap mong kilalanin siya para sa kriminal na pagsasakdal sa hinaharap.

R. L., Estados Unidos

Sumasang-ayon kami na, sa ilalim ng ilang kalagayan, ang pagtitig sa isang potensiyal na kaaway ay maaaring pagmulan ng karahasan. Gayumpaman, ang ilang autoridad ay naniniwala na ang pagtitig kung panahon ng pambubugbog at pang-aagaw ay mas mabuti kaysa pagala-gala ng tingin o pagtingin sa lupa​—isang paggawi na maaaring nagpapahiwatig ng takot o nerbiyos.​—ED.

Mas Malala sa AIDS Ako’t pinalaki bilang isa sa mga Saksi ni Jehova. Subalit nais kong ako’y maibigan kaya’t ako’y napasama sa masamang kasama. Ako’y natulungang makabalik sa tamang landas bago pa maging huli ang lahat. Ang artikulo tungkol sa biktima ng AIDS (Abril 22, 1989) ay tutulong sa akin na manatili sa daan na iyon. Malakas ang loob niyang magbago, kung paanong ang marami ay maaaring sumuko na. Ipinakikita ng kaniyang karanasan na ang daigdig ay walang maiaalok sa atin at na kung wala ang pag-ibig at pabor ni Jehova, tayo ay patay.

D. C., New Zealand

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share