Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Mangmang sa Siyensiya Ako’y sabik noon na maalaman ang sinasabing 6 na porsiyento lamang ng mga Amerikano ang may kaalaman sa siyensiya. (“Pagmamasid sa Daigdig,” Hunyo 8, 1989) Kaya’t gumawa ako ng aking sariling munting surbey ng 12 katamtaman-ang-kitang mga adulto. Lahat sila maliban sa tatlo ang may paniwala na ang araw ay umiikot sa mundo! Nang tanungin kung gaano katagal “ito” umiikot, ako’y nakakuha ng mga kasagutan na tulad halimbawa ng “tuwing 18 oras,” “24 oras,” “48 oras,” “365 taon,” at “maraming light-years.” Ang nanguna na pinakamataas ay nagsabi sa akin: “Ang mundo ay hindi na umiikot . . . Ito’y nakapirme na sa orbita.”

J. W. H., Estados Unidos

Pagbaka sa Krimen Bilang pananggalang sa mga masasamang-loob, ang inyong mga mambabasa ay pinayuhan na ikandado ang lahat ng mga pinto ng kotse pagka nagmamaneho. (Abril 22, 1989) Ito’y maaaring mapanganib. Kung sakaling magkaroon ng isang aksidente o mahulog sa tubig ang kotse, ang mga sasagip ay mahihirapan na marating ang mga biktima.

C. M., Netherlands

Sa “Gumising!” ay sinabi ng Auto Club of America na ikasampung bahagi lamang ng 1 porsiyento ng mga aksidente sa Estados Unidos ang may kaugnayan sa pagkalubog sa tubig. Kung gayon, sa mga lugar na dumaranas ng maraming krimen, ang panganib ng pagmamaneho na di-nakakandado ang pinto ay lubhang nakahihigit sa panganib na nakulong ka sa isang awto. Magkagayon man, karaniwan nang naililigtas ng mga tagasakip ang nakulong na mga biktima sa pamamagitan ng pagwawasak sa mga bintana ng kotse.​—ED.

Homoseksuwalidad Salamat po sa turo at pampatibay-loob na ibinigay ng artikulong “Homoseksuwalidad​—Bakit Hindi Dapat?” (Hulyo 8, 1989) Ito’y hindi isang pag-atake sa taong tinutukoy kundi sa paraan ng pagkilos ng taong iyon. Ako’y may pagkahilig sa homoseksuwalidad. Dati’y ganito ang naiisip ko, ‘Alin sa ikaw ay ganiyan o hindi ka ganiyan.’ Subalit mga limang taon na ngayon ang nakaraan, nagsimula akong makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Nang pasimula ay iningatan kong lihim ang aking suliranin. Subalit sa wakas ako’y nakipag-usap sa dalawang Kristiyanong matatanda, at kanilang tinulungan ako na maging kuwalipikado sa bautismo.

Nakadama ako ng pangangailangang mag-asawa, ngunit kailangang pagyamanin ko muna ang pagpipigil-sa-sarili. Sa tulong ni Jehova at sa nakapagpapatibay na mga pagtuturo ng kaniyang organisasyon, ako’y makapagtitiis.

R. T., Netherlands

Pag-alimura Salamat po sa inyong artikulo tungkol sa pag-alimura. (Hunyo 8, 1989) Kailanman ay hindi ako pinapurihan ng aking mga magulang o nagpakita man lamang na minamahal nila ako, maliban sa paglalaan sa akin ng materyal na mga bagay na tulad ng pagkain, pananamit, o salapi. Natatanto ko ngayon na ang pagpipigil ng aking dila ay maaari sanang nakalunas sa suliranin. Ang artikulo ay tunay na napapanahon.

S. M., Australia

Nasiraan ako ng loob sa artikulong iyan. Gaano man sa maghapon ang suliranin ng isang magulang, wala siyang karapatan na ang hirap na dulot niyaon ay ibunton sa anak. Sa halip na isang artikulong nagsasabing kailangang magbago ang mga biktima, pakisuyong bigyan kami ng isang artikulo na tumatagos hanggang sa ugat ng suliranin: ang mga magulang.

M. W., Estados Unidos

Mahusay ang pagkaharap ng inyong komento. Gayunman, ang artikulo ay hindi nilayon na makaabot ‘hanggang sa ugat ng suliranin’ kundi isinulat upang tumulong sa kabataan na humarap sa isang mahirap na kalagayan. Sinabi pa ng artikulo: “Walang anumang dahilan na mang-alimura.” Ang mga biktima ng pang-aabuso ng mga magulang ay hindi dapat kung gayon na mag-akalang sila ang may pananagutan doon. Gayumpaman, sa matalinong pagkilos, ang mga kabataan na biktima nito ay maaaring samantalahin ang pinakamagaling na magagawa nila tungkol sa masamang kalagayang ito.​—ED.

Tunay na nakapagpapatibay-loob ang artikulo, at sana’y nabasa ko na ito nang ako’y kasalukuyang lumalaki noon. Ang aking amain ay nang-alimura sa akin sa maraming paraan. Kaniya akong binubulyawan at pinagwiwikaan ako ng mga bagay na nakasasakit. Ako’y natutulog na umiiyak. Tinulungan ako ni Jehova na makalimot sa nakaraan, pati na sa aking mga hinanakit, at mamuhay alang-alang sa Kaniya.

Y. M., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share