Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 12/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 12/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kamatayang Ipinagbibili Salamat sa seryeng ito ng artikulo na punô ng impormasyon. (Hulyo 8, 1989) Pinahahalagahan ko ang paraan ng pagbibigay nila ng mga katotohanan tungkol sa pinsalang nagagawa ng paninigarilyo sa katawan at gayundin ang impormasyon tungkol sa mga side effects. Naniniwala ako na lahat ng mga naninigarilyo na nagnanais itigil ang masamang bisyo ay dapat na magkaroon ng sipi ng magasing ito.

C. T. M., Estados Unidos

Wall Street Salamat po sa matapat at may-unawang mga artikulo tungkol sa Wall Street at sa pagbagsak ng stock market. (Agosto 8, 1989) Ang daigdig ng pananalapi ay nakikipagbaka ngayon ng isang lubusang kampanya upang tiyakin sa publiko na ang pagbagsak ay ‘hindi madalas mangyari,’ at na ligtas ang kumbaga’y muling pagtalon sa tubig. Ang isang matalinong tao na may paninindigan ay nakababatid na ang daigdig ay nakalubog sa isang suliranin sa pananalapi. Hinihimok ko ang mga mambabasa na iwanan ang stock market, bayaran ang mga pagkakautang, at mag-impok ng salapi sa halip na gastusin ito.

B. W., Estados Unidos

Sa liwanag ng mabuway na ekonomiya ng daigdig, tunay na makatuwiran ang maging matipid sa pananalapi, at hindi maaaring ipagwalang-bahala ang mga panganib ng mga pamumuhunan sa mga stock market. Gayumpaman, lahat ng pamumuhunan​—lakip na ang mga deposito sa bangko​—ay masasabing may kalakip na elemento ng panganib. Kung gayon ang mga indibiduwal ay dapat gumawa ng personal ng pagpapasiya kung gaano kalaking panganib ang handa silang harapin. Ang mga artikulong kinukuwestiyon ay hindi nilayong magsilbing isang patnubay sa pamumuhunan o upang partikular na magpahina ng loob sa paggawa ng mga pamumuhunan sa mga stock market. Kanilang idiniin na ang kasakiman ay nasa ugat ng marami sa mga kaabahang pinansiyal ng daigdig at na tanging ang pamahalaan ng Diyos ang lunas.​—ED.

Mga Maton sa Paaralan Bilang isang nagsosolong magulang na may pinangangalagaang anak na binatilyo, nakasusumpong ako ng malaking patnubay, at mga sagot sa maraming mga tanong at mga suliranin na kinakaharap ko, sa mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” Ang isang labas kamakailan tungkol sa mga maton (Agosto 8, 1989) ang siyang kailangang-kailangan ng aking anak. Binasa niya iyon ng tatlong beses nang araw na kaniyang tanggapin.

V. B., Estados Unidos

Homoseksuwalidad Ang artikulo sa “Ang Pangmalas ng Bibliya” na tungkol sa homoseksuwalidad (Hulyo 8, 1989) ay nagbigay sa akin ng pag-aalinlangan sa pagiging isang homoseksuwal. Kasi, ako’y nakikipagtalik na sa mga lalaki sapol pa nang ako’y 12 anyos. Ngayon ako’y 47 na. Lumabas na rin ako sa maraming mga pelikulang pornograpiya. Subalit sa aking palagay ay panahon nang mamuhay ako ng normal, at ako’y nagpasimula nang mag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Maraming salamat sa mabuting artikulo.

T. M., Estados Unidos

Pakikipag-usap Ang artikulong “Paano Ko Mapasusulong Pa ang Pakikipag-usap?” (Mayo 22, 1989) ay nakapukaw ng aking pansin. Ako’y nahihirapang makibahagi sa mga pag-uusap at katulad na katulad ng ilan sa mga kabataang binanggit sa artikulo. Taglay ang tulong ni Jehovang Diyos at ang mahuhusay na payong inyong ibinigay, napansin ko ang malaking pagsulong sa bagay na ito. Naniniwala akong libu-libong mga kabataan ang nagpapasalamat sa paglalaan ng mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ”

M. C. M., Brazil

Panlulumo Salamat po sa artikulo tungkol sa panlulumo sa inyong labas ng Oktubre 22, 1987. Binasa ko ito ng napakaraming beses at halos nakabisa ko na ito. Kayo ay naglagay ng napakaraming impormasyon sa 15 mga pahina! Maging ang mga larawan ay nakapagpapatibay-loob. Minsan ay iniisip ko na lamang ang larawan sa pabalat ng isang babaeng mukhang nalulungkot at pagkatapos ay ngumingiti, at nagiging mas mabuti ang aking pakiramdam. Ang panlulumo ay isang matinding paghihirap. Subalit ang pagbabasa tungkol sa lahat niyaong mga nakaranas nito ay nakakatulong. Tila napakarami ninyong matalinong unawa tungkol sa nadarama ng isang nanlulumo. Para bang ang artikulo ay nakikipag-usap sa akin.

J. A., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share