Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 1/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 1/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagiging Huli Labis kong pinahalagahan ang artikulong “Lagi Ka bang Huli?” (Hunyo 8, 1989) Iminungkahi ninyo na alamin antimano ang mga panahon ng paghihintay at ang pagdadala ng babasahin upang maging abala habang naghihintay sa iba. Ang inyong mga payo ay tunay na praktikal.

I. D., Nigeria

Mga Maton Bagaman ako’y hindi nanganganib na bugbugin sa paaralan, madalas akong mapag-initan sapagkat ang aking ina ay mula sa ibang bansa at iba ang hitsura. Ang inyong artikulo tungkol sa mga maton sa paaralan (Agosto 8, 1989) ay nagsabi sa akin na huwag silang pansinin, at iyan ay nakatulong sa akin. Natanto ko rin na sa ngayon marami sa gayong mga bata ang mula sa mga wasak na tahanan at ibinubunton ang kanilang kabiguan sa ibang mga bata. Ako’y natutuwa na nauunawaan ninyo ang nakababatang salinlahi.

M. D., Estados Unidos

Natapong Langis Nang makita ko ang titulong “Natapong Langis!” (Setyembre 22, 1989) ako’y medyo nag-alinlangan. Marami na akong nabasa tungkol sa natapong langis sa mga pahayagan at mga magasin at inisip ko kung ano pa ang maaaring idagdag ng Gumising! Bueno, matapos mabasa ang punô ng impormasyon, bagong pagtalakay ng artikulo, nawala ang aking pag-aalinlangan. Nahigitan din ninyo ang ginawa ng mga pahayagan at magasin at ipinakita ninyo na ang tunay na lunas sa mga suliranin ng sangkatauhan ay sa bagong sanlibutan ng Diyos.

C. K., Estados Unidos

Mga Pantanging Pangangailangan Ako’y halos 14 anyos at nais ko lamang kayong pasalamatan sa Agosto 22, 1989, na artikulo tungkol sa pagtulong sa mga may pantanging pangangailangan. Nang ako’y nasa mababang paaralan, may tatlong binging bata sa aming klase, at ang mga tao’y kumikilos na para bang sila’y hindi umiiral at pag-uusapan sila yamang hindi naman nila naririnig. Kaya ang ilan sa amin ay nagsama-sama at pinag-aralan namin kung paano makikipagtalastasan sa kanila. Nang makita ng ibang mga bata kung gaano kahusay iyon, nakipagtalastasan na rin sila! Umaasa ako na balang araw ay makapaglingkod bilang interprete para sa mga bingi sa mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova.

A. B., Estados Unidos

Relihiyosong Kasaysayan Ako’y nagpapasalamat sa mga serye ng “Ang Kinabukasan ng Relihiyon sa Liwanag ng Kahapon Nito.” Nakakatagpo ko ang maraming tao na may iba’t ibang relihiyosong pinagmulan. Ang mga artikulong ito ay makakatulong sa marami na matunton ang relihiyon mula sa simula hanggang sa kasalukuyan.

D. S., Estados Unidos

Binabasa ko ang serye tungkol sa relihiyosong kasaysayan. Tunay na marami akong natutuhan, higit pa kaysa natutuhan ko sa paaralan.

B. J., Estados Unidos

Mga Batang Namamatay Ang aking sampung-buwang apóng babae ay nagkasakit ng diarrhea. Pinauwi siya ng ospital, at lumalala ang kaniyang kalagayan sa araw-araw. Naalala ko ang inyong artikulo tungkol sa pagliligtas ng mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng isang pormula para sa Oral Rehydration Therapy. (Setyembre 22, 1988) Sinunod ko ang mga instruksiyon, at kinabukasan nagsimula siyang makabawi ng lakas. Tumigil ang diarrhea, at lubusan siyang gumaling.

R. M., Estados Unidos

Pag-aalaga ng Hayop Ako’y nagtatrabaho sa isang tirahan ng mga hayop at madalas na magbigay ng mga lektyur upang turuan ang publiko ng mga pananagutan sa pag-aalaga ng hayop. Ako’y natuwa nang matanggap ko ang inyong artikulong “Puwede Ka bang Mag-alaga ng Hayop?” (Hunyo 8, 1989) isang araw bago ang isang malaking presentasyon sa paaralan. Hangang-hanga sa artikulo ang aking mga kasamahan at nais nilang gamitin iyon sa aming lathalain sa taglagas. Kadalasan ang mga tao’y pumipili ng alagang hayop dahilan sa emosyon sa pagkakataong iyon. Gayumpaman, kahanga-hanga ang paraan ng inyong paghaharap ng mga katunayan at pananagutang kailangang timbangin ng isang tao bago pumili ng alagang hayop.

C. S., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share