Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 1/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 1/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Pantanging Pangangailangan Salamat po sa artikulo tungkol sa pagtulong sa mga may pantanging pangangailangan. (Agosto 22, 1989) Mayroon akong malubhang nakalulumpong sakit na nakakaapekto sa aking mga kalamnan, kasukasuan at mga sangkap. Bunga nito, nagkaroon ako ng maraming operasyon at kinailangang gumamit mga silyang-de-gulong, andador, mga tungkod, at iba’t ibang uri ng suhay. Dahil ako ay 25 anyos lamang, nakakatanggap ako ng maraming mga komento, tuwiran at di-tuwiran, na tunay na nakakasakit. Bagaman ang ilang tao ay mausisa lamang, ang iba naman ay bastos at walang-pakundangan. Ang gayong artikulo ay tumutulong hindi lamang sa mga may kapansanan kundi pati na rin sa mga pinagpalang magkaroon ng mabuting kalusugan; natututo ang mga ito na maging higit na maunawain.

D. H., Estados Unidos

Tsismis Mga isang taon na ang nakakaraan, naging biktima ako ng nakapipinsalang tsismis. Nagalit at nasaktan ako noong una, ngunit tinunton namin ng aking ama ang pinagmulan ng tsismis at inihinto iyon nang araw ding iyon. Ang artikulo (Hulyo 22, 1989) ay nakatulong sa akin na kalimutan ang walang-pakundangang kasinungalingang ito.

P. M., Estados Unidos

Ako ay 17 taóng gulang, at kung ilang mga tao ang nagtsismis tungkol sa akin. Isang gabi nakita ko ang isa sa kanila, at hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Nang ako’y makauwi, nabasa ko ang artikulo tungkol sa tsismis. Taos-puso akong nagpasalamat kay Jehova sa pagsagot niya sa aking mga panalangin. Natutuhan ko kung paano pakikitunguhan ang gayong mga tao at natanto kong hindi ko ito dapat labis na pakadibdibin. Lalo na, hindi naman ako gayong kaimportante upang pag-usapan nila ako sa nalalabing bahagi ng aking buhay, at higit na mahalaga, batid ng tunay kong mga kaibigan at ni Jehova na ang ipinagkakalat nila ay hindi totoo. Salamat po sa pagiging maunawain sa mga pangangailangan ng mga kabataan!

L. U., Brazil

“Bionics” ng Pating Nagustuhan ko ang pagbabasa sa artikulo tungkol sa artipisyal na balat ng pating. (“Pagmamasid sa Daigdig,” Agosto 8, 1989) Ako’y empleyado sa isang kompanya na may ilang taon na ring nag-aaral ng proyektong ito. Ang ganitong mga artikulo ng Gumising! na tumatalakay sa kagila-gilalas na malikhaing mga disenyo sa kalikasan ay nagbibigay sa akin ng maraming pagkakataon na ipakipag-usap sa iba ang tungkol sa ating Maylikha.

M. H., Estados Unidos

Pagmumura Kamakailan ay sumulat ako sa inyo ng isang liham tungkol sa problema ng pagmumura ng mga kabataan. Sa aking malaking pagkabigla, ngayon lang ay tinanggap ko ang labas ng Agosto 22, 1989 na may artikulong “Anong Masama sa Pagmumura Paminsan-minsan?” Alam ko na ang artikulong ito ay matagal nang naihanda bago pa man ako sumulat, at nakapagpapasigla at nakapagpapatibay-pananampalataya na personal na maranasan na ang aking panalanging paghingi ng tulong ay tinugon sa pamamagitan ng inyong mga publikasyon.

J. A., Estados Unidos

Ligtas na Pagkain Ako ay naglilingkod bilang naglalakbay na ministro ng mga Saksi ni Jehova, kasama ng aking kabiyak. Ayaw naming pabigatan ang mga nag-anyaya sa amin ng maraming mga alituntunin tungkol sa pag-iingat ng pagkain, kaya’t nakahantad kami sa mga sakit sa tiyan. Maguguniguni ninyo kung gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito (Hunyo 22, 1989) para sa amin! Ibig talaga namin kayong pasalamatan sa pag-iisip ng lahat ng ikabubuti ng mga lingkod ng Diyos.

R. P., Venezuela

Kamatayang Ipinagbibili Lahat ng nakasulat sa inyong artikulo (Hulyo 8, 1989) ay kapaki-pakinabang at totoo. Batid ko sapagkat nanigarilyo ako ng mahigit sa sampung taon. Ang resulta: pagod, pamamawis, at pagkamagagalitin kapag ako ay walang tabako. Ipinasiya kong ihinto ang paninigarilyo, ngunit ito ay tumagal lamang ng dalawang buwan. Mga ilang panahon pagkatapos nito, nagsimula akong makipag-aral sa mga Saksi ni Jehova at natutuhan kong ikapit ang payo ng Bibliya sa 2 Corinto 7:​1, at sa wakas ako ay nakahinto. Di magtatagal ay umaasa akong mabautismuhan bilang isang Saksi.

A. P., Espanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share