Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 3
  • Ano ba ang Nangyayari sa Daigdig ng Isports?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ba ang Nangyayari sa Daigdig ng Isports?
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Karahasan sa Isports—Bakit Lumalago?
    Gumising!—1989
  • Mga Problema sa Isports Ngayon
    Gumising!—1991
  • World Cup Soccer—Isport o Digmaan?
    Gumising!—1991
  • Makadiyos na Debosyon o Pisikal na Pagsasanay?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 3

Ano ba ang Nangyayari sa Daigdig ng Isports?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Italya

ANG mga ulat ba sa kabilang pahina ay naglalarawan ng pinakabagong kudeta sa isang bansa sa Latin-Amerika o isang pagsalakay ng terorista sa isang bansa sa Europa? Hindi, ang mga ito at iba pang kahawig na mga ulat ay, gaya ng pagkakasabi rito ng isang pahayagan sa Italya, isang “lubhang ordinaryong araw ng laro.”

Ang isports at karahasan ay waring magkasama sa mga araw na ito. Halimbawa, naaalaala pa ng marami ang gabi noong Mayo 29, 1985, nang 39 katao ang namatay at 200 ang nasaktan sa mga insidenteng naganap sa pagitan ng mga tagahanga bago ang huling kampeonatong laro ng soccer ng European Champions’ Cup.

Gayunman, ang mga insidente ng karahasan na pinangyari ng mga kalahok at mga manonood ay hindi limitado sa isa lamang laro, gaya ng soccer, kundi ang mga ito ay nangyayari sa lahat ng uri ng laro​—baseball, boksing, hockey.

Ang mga kasabihang, “Manalo nawa ang pinakamagaling” at, “Mas mahalaga ang lumahok kaysa manalo,” ay naging lipas na bagay na gaya ng mga dinosauro sa daigdig ng isports. Bakit ba napadadala ang mga manlalaro at mga manonood sa kanilang hamak na mga pag-uugali, sa di-mapigil na pagkaagresibo, sa kompetisyon ng mga laro? Ano ang nasa likuran ng karahasan sa isports? At gaano kagrabe ang problema?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share