Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 4-7
  • Karahasan sa Isports—Bakit Lumalago?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Karahasan sa Isports—Bakit Lumalago?
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Isang Malaganap na Palatandaan’
  • Ang “Labanan ng mga Tagahanga”
  • Pamamagitan ng Gobyerno
  • Karahasan​—“Mahalaga” sa Paraan ng Paglalaro Ngayon
  • Isa Pang Uri ng Karahasan
  • Ano ba ang Nangyayari sa Daigdig ng Isports?
    Gumising!—1989
  • World Cup Soccer—Isport o Digmaan?
    Gumising!—1991
  • Kailan Magwawakas ang Lahat ng Ito?
    Gumising!—1989
  • Mga Problema sa Isports Ngayon
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 4-7

Karahasan sa Isports​—Bakit Lumalago?

ANG palakasan ay kalusugan” ay isang matandang kasabihan. Noong sinaunang panahon sinasabi ng mga doktor na Griego na ang katamtamang gawain sa palakasan ay maaaring magdulot ng mabuting kalusugan.

Gayunman, sa ngayon, maraming laro ang hindi nakalulusog alin sa mga kalahok o sa mga manonood. Ang karahasan sa isports ay umabot sa gayon na lamang kasukat anupa’t sinang-ayunan ng isang kapani-paniwalang ahensiya, ang Parlamentong Europeo, ang isang mahabang resolusyon “tungkol sa bandalismo at karahasan sa isport.” Nababahala tungkol sa kabangisan ng mga labanan bago at pagkatapos ng mga laro, kapuwa sa pagitan ng mga manlalaro at sa pagitan ng mga tagahanga ng magkalabang mga koponan, sinuri ng mga miyembro ng Parlamentong Europeo ang palatandaan sa iba’t ibang bahagi nito, ang mga sanhi nito, at ang posibleng mga hakbang upang sugpuin ito. Ano ang nasumpungan nila, at ano ba ang mga anyo ng karahasan sa isports?

‘Isang Malaganap na Palatandaan’

Ang soccer, ang paboritong laro ng daigdig, ang may pinakamaraming puna, subalit halos lahat ng iba pang uri ng laro ay nasasangkot sa problema. Noong 1988 nag-alab ang karahasan noong panahon ng internasyonal na kampeonato sa soccer sa Europa, na ginanap sa Alemanya. Pagkatapos ng laro ng kanilang pambansang koponan, sinimulan ng mga tagahangang Britano ang isang mainit na labanan na nauwi sa sugatang mga pulis, napinsalang mga ari-arian, at 300 mga tao ang naaresto. Pagkatapos ng isang tagumpay ng koponang Italyano noong kampeonato ring iyon, tatlo katao ang namatay sa pagkakaguluhan dahil sa tuwa.

Sa Britaniya ang napakasamang mga butangero ay naghahasik ng gulo saanman sila magtungo, na nakatutulong “upang masira ang larawan ng football na Ingles sa Inglatera at sa ibang bansa,” gaya ng sabi ng The Guardian. At maraming ulit noong panahon ng laro, binanggit ng edisyon noong Lunes ng mga pahayagan sa isports ng Italya ang tungkol sa “itim” na mga Linggo​—mga laro na nauuwi sa labanan ng kamatayan, mga pinsala, at pagbabalian ng katawan. Ang mga pasilidad sa isports ay naging, gaya ng pagkakasabi rito ng isang pang-araw-araw na pahayagan, “mga istadyum ng gerilya.” Subalit ang gayong mga kalagayan ay hindi natatangi sa Britaniya at Italya. Nakakaharap din ng Netherlands, Alemanya, ang Unyong Sobyet, Espanya, at marami pang ibang mga bansa ang gayunding problema.

Ang “Labanan ng mga Tagahanga”

Ang ilang mga tagahanga, palibhasa’y nagagatungan ng media ang kanilang kapusukan, ay napadadala sa kanilang hamak na mga pag-uugali sa mga laro. Sa soccer ang Italyanong ultrà o ang mga butangerong Britano ay nagsasama-sama sa likuran ng mga baner na may mga pangalan na gaya ng “Red Army” o “Tiger Command.” Ang tagahanga ng soccer, gaya ng sabi ng isang butangero, “ay gustong lumaban, upang sakupin ang teritoryo ng kalaban.” Sa mga puwesto sa istadyum, ang mga kalagayan ay katulad na katulad niyaong sa mga arena sa sinaunang Roma, kung saan inuudyukan ng mga manonood ang mga gladiator na patayin ang kanilang mga kaaway. At ang koro ng katuwaan ng mga tagahanga ay pinatitindi pa ng mga kalaswaan at mga sawikain ng lahi.

Ang mga tagahanga ay kadalasang nagdadala ng mapanganib na mga sandata. Ang pagkapkap ng mga pulis bago ang simula ng ilang mga paligsahan ay kinakitaan ng buong-lawak na mga arsenal​—patalim, baril, mga bola ng bilyar. Napakaraming pana na bakal-ang-dulo ang umulan sa mga puwesto sa istadyum ng Britano!

Pamamagitan ng Gobyerno

Ang resolusyon ng Parlamentong Europeo ay nagpayo sa mga gobyerno na kumuha ng mahigpit na mga hakbang upang hadlangan ang karahasan sa isports. Ang gobyernong Britano, halimbawa, ay nagsagawa ng gayong mga hakbang sa ilalim ng pangangasiwa ng punong ministro nito, si Margaret Thatcher. Iginiit ni Gng. Thatcher ang pagpapatibay ng mas mahigpit na mga batas, gaya ng sapilitang mga ID card para makapasok sa mga istadyum. Kung ang mga may hawak ng card ay nasumpungang maysala sa mga gawang karahasan, ang mga card ay babawiin. Isa pa, sa Britaniya may mga plano na magtayo o baguhin ang mga pasilidad sa isports upang sangkapan ang mga ito ng closed-circuit na mga kamera ng telebisyon upang subaybayan ang mga tagahanga, maglagay ng mga hangganan upang paghiwalayin ang magkalabang mga tagataguyod, at upang alisin ang anumang madaling magningas na bagay. Pinasok ng mga pulis ang mga gang ng mga butangero, ang pinakamararahas na tagahanga, upang kilalanin ang kanilang mga lider at arestuhin sila.

Nagsagawa rin ng mga hakbang sa ibang bansa. Ang mga autoridad sa Italya, bilang pakikipagtulungan sa Ministry of the Interior, ay nagpasiyang gumamit ng alambreng may tinik sa mga istadyum gayundin ng protective netting, mga helikopter, pulutong ng mga pulis, at closed-circuit na mga kamera ng telebisyon. Isinaalang-alang pa nga ang paglalagay ng mga militar sa mga istadyum. Noong panahon ng paghahanda para sa Olympic Games na ginanap sa Seoul, Korea, noong 1988, ang mga autoridad ay gumamit ng mga pulis na sinanay upang labanan ang mga pagsalakay ng mga terorista.

Mayroon ding mga karahasang ipinatutungkol sa mga reperi. Noong panahon ng larong soccer kamakailan sa Italya, 690 mga reperi ang naging mga biktima. Isang reperi sa isang laban ng boksing sa Seoul Olympics ang malupit na sinalakay ng mga tagapagsanay at maging ng mga pulis na hindi sang-ayon sa pasiya.

Bukod sa panganib sa buhay ng mga tao, nariyan din ang malaking gastos sa ekonomiya dahil sa karahasan sa isports. Hindi lamang ito pagbibigay ng daan-daang libong dolyar para sa mga kawalan dahil sa pagnanakaw, pandarambong, at bandalismo kundi rin naman sa mga pagkakagastos para sa pag-iingat. Sa isang karaniwang araw sa Britanong kalendaryo sa larong soccer, halos $700,000 ang ginugugol para lamang sa proteksiyon na isinasagawa ng mga pulis.

Bakit ang gayong makahayop na pagkaagresibo?

Karahasan​—“Mahalaga” sa Paraan ng Paglalaro Ngayon

Ngayon, ang marahas na pagkaagresibo ay nauugnay sa isports. Kapuna-puna, ang komisyon ding iyon na naghanda ng resolusyon na pinagtibay ng Parlamentong Europeo ang nagsabi na “ang karahasan ay hindi isang mahalagang bahagi ng isport, kundi ito ay mahalaga sa mga kalagayan ng paglalaro at ang bagay na ang mga tuntunin ng laro, kung matatawag man ito na gayon, ay hindi sapat upang iwasan ito.” Bakit gayon?

Bueno, bukod sa marahas na mga gawa ng mga tagahanga, ang paraan ng paglalaro ay nagbago. Sa lipunan mismo, mayroong “lumalagong karahasan,” gaya ng kinikilala ng Parlamentong Europeo. Isa pa, hindi na idiniriin ng daigdig ng isport ang pisikal na gawain lamang. Halimbawa, sa Atenas noong 1896, sa unang Olympic Games na ginanap sa modernong panahon, isang pangkat ng mga manlalarong Britano ay pinawalang-karapatan sapagkat sila ay nagsanay bago ang simula ng laro. Ang mismong gawa ng pagsasanay bago ang laro ay itinuturing na labag sa diwa ng pagiging amateur na itinataguyod noong panahong iyon. Ang gayong pangyayari sa ngayon ay tatawanan lamang ng karamihang mga tao.

Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdig at lalo na kasunod ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga taong namumuhay sa tinatawag na maunlad na mga bansa ay nagkaroon ng higit na malayang panahon. Ang paglilibang ay mabilis na naging isang kapaki-pakinabang na gawain sa daigdig ng negosyo. Ang pinansiyal na interes ay nagkaroon ng dako na kasama ng pambansa at panlipunang mga interes. Ang mga laro ngayon ay “isang tanawin kung saan ang pinansiyal, pulitikal, at sosyal na mga salik ay nangingibabaw.” Sa ibang salita, ang isport ay naging isang “palatandaan ng masa.” Ang pagtatagumpay ay kadalasang nangangahulugan ng milyung-milyong dolyar sa mga nanalo! Ang telebisyon ay nakatulong din sa popularidad ng isports at maaaring nakaragdag sa kasamaan sa isports. Kadalasan ang kamera ng TV ay nagtatagal sa mararahas na laro kaysa roon sa mahinahong mga pangyayari, inuulit-ulit ito sa pamamagitan ng mga repley. Sa gayon maaaring di-sinasadyang pinalalaki ng TV ang mga epekto ng karahasan sa isports sa isipan ng mga tagahanga at mga manlalaro sa hinaharap. Hindi na halos umiiral ang amateur na isport, at sa lugar nito ay ang “professional amateurism,” gaya ng tawag dito ng isang pahayagan, binabanggit ang sampu-sampung libong dolyar na kinita ng mga manlalaro sa Seoul noong 1988 Olympics.

Ang nasyonalismo ang gumagawa sa mga manlalaro, tagasanay, manedyer, at mga manonood na magkaroon ng labis-labis na pagpapahalaga sa pagtatagumpay. Kasunod ng ilang internasyonal na laro, ang matagumpay na pagpaparangal ay isinasabit sa panig na nagwagi, gaya ng pagpaparangal sa matagumpay na mga komander kapag sila’y umuuwi noong sinaunang panahon. Nakita ito nito lamang mga ilang taon sa Italya, Argentina, at sa Netherlands, kung saan ang mga manlalaro ay literal na walang prinsipyong nakipaglaban hanggang sa huling hininga. At sila’y tinularan ng mga tagahanga, nagpapakalabis pa nga sa pagpapakita ng kanilang katapatan sa kanilang pangkat o sa kanilang bansa, nakikipag-away bago, sa panahon ng laro, at pagkatapos ng laro.

Bago ang simula ng internasyonal na kampeonato sa soccer sa Europa noong 1988, ang lingguhang magasing Aleman na Der Spiegel ay nagsabi na ikinatatakot na ang pangyayaring ito ay maging isang “huwaran ng lubhang mapusok na halo ng pagkaagresibo, nasyonalismo, at neo-Pasismo.”

Isa Pang Uri ng Karahasan

Subalit hindi lamang ito ang kabilang sa karahasan sa isports. Doon sa 1988 Seoul Olympics, nagsimula ang “doping scandal.” Ang doping o ang paggamit ng ipinagbabawal ng mga droga na nagpapalakas sa mga manlalaro at nagpapangyari sa kanila na maabot ang pinakamataas na pagsasagawa ng kanilang normal na pisikal na mga kakayahan, ay nakapipinsala kapuwa sa diwa ng paglalaro at sa kalusugan ng mga manlalaro.

Gaano kalaganap ang palatandaang ito?

[Blurb sa pahina 6]

Kadalasan ang kamera ng TV ay nagtatagal sa mararahas na laro, inuulit-ulit ito sa pamamagitan ng mga repley

[Larawan sa pahina 7]

Ang nasyonalismo ay naglalagay ng labis-labis na pagpapahalaga sa tagumpay

[Credit Line]

Nancie Battaglia

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share