Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 1/22 p. 3-4
  • Pandaraya sa Siyensiya—Nasa mga Ulong-Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pandaraya sa Siyensiya—Nasa mga Ulong-Balita
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Etika sa Siyensiya”
  • “Nandaraya ba ang mga Siyentipiko?”
  • “Dalawang Bagong Pag-aaral ang Nagtatanong Kung Bakit Nandaraya ang mga Siyentipiko”
  • “Bansa ng mga Sinungaling? Pinalsipika ng mga Siyentipiko ang Pananaliksik”
  • “Nakita ng NIH ang Pamamláhiyó sa Vision Paper”
  • “‘Ang Maluwag na Paggawi’ ay Nagiging Dahilan ng Pandaraya sa Laboratoryo”
  • “Inalis ng mga Siyentipiko ang mga Hangganan ng Pandaraya”
  • “Mananaliksik na Akusado ng Pamamláhiyó ang Nagbitiw”
  • “Ang Pilduras: Mga Pagsubok sa Pagiging Ligtas Hinuwad ng Propesor”
  • “Nagbitiw sa Kahihiyan ang Nakatataas na Mananaliksik ng Droga”
  • “Nasumpungan ng NIMH ang isang Kaso ng ‘Malubhang Di-wastong Paggawi’”
  • “Naglagay ng Lason sa Ivy League ang ‘Pandaraya’ sa Pananaliksik”
  • “Ang Kaso ng ‘Naligaw’ na mga Fossils”
  • “Pagkakataon Naman ng mga Pahayagan sa Firing Line”
  • Pandaraya sa Siyensiya—Bakit Lumalaganap Ito
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mga Panlilinlang sa mga Institusyon ng Pananaliksik sa Siyensiya
    Gumising!—1991
  • Hanggang Saan Mo Mapagtitiwalaan ang Siyensiya?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 1/22 p. 3-4

Pandaraya sa Siyensiya​—Nasa mga Ulong-Balita

Ang larawan ng mga siyentipiko bilang walang-​pagbabagong naaalay sa katotohanan ay nadungisan, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga ulong-​balitang ito.

“Etika sa Siyensiya”

“Nagkakaroon ng isang pagtatalo sa U.S. House of Representatives tungkol sa pandaraya, di-wastong paggawi, at pagsasalungatan ng interes sa siyensiya.”​—Science, Hulyo 7, 1989.

“Nandaraya ba ang mga Siyentipiko?”

“Pagkatapos ng panimulang pagsisiyasat ng [kongresyonal na] komite sa paksang ito, mayroong lumalagong dahilan ang komite upang maniwala na ang nakikita natin ay ganggakalingkingan lamang ng isang napakalungkot, mapanganib, at mabigat na problema.”​—NOVA broadcast sa PBS (Public Broadcasting Service) noong Oktubre 25, 1988.

“Dalawang Bagong Pag-aaral ang Nagtatanong Kung Bakit Nandaraya ang mga Siyentipiko”

“Isa lamang iyong walang-saysay na katanungan: paano gumagawi ang mga siyentipiko kapag walang nagmamasid? Subalit lumikha ito ng isang maapoy na katugunan: hindi gaanong mabuti, ulat ng isang dokumento sa buwang ito sa babasahing Britano na Nature.”​—Newsweek, Pebrero 2, 1987.

“Bansa ng mga Sinungaling? Pinalsipika ng mga Siyentipiko ang Pananaliksik”

“Isang pag-aaral na inilathala noong nakaraang buwan ang nag-akusa sa 47 mga siyentipiko sa mga paaralan ng medisina ng Harvard at Emory University dahil sa paggawa ng nakalilinlang na mga dokumento.”​—U.S.News & World Report, Pebrero 23, 1987.

“Nakita ng NIH ang Pamamláhiyó sa Vision Paper”

“Sinabi ng hurado na kinuha ng isang mananaliksik ang datos mula sa isang dokumento na kaniyang nirepaso para sa isang kasamahan at ginamit ito para sa kaniyang sariling gawa; . . . Inirerekomenda ng NIH [National Institutes of Health] ang mga pamamaraan ng pagpapatigil.”​—Science, Hulyo 14, 1989.

“‘Ang Maluwag na Paggawi’ ay Nagiging Dahilan ng Pandaraya sa Laboratoryo”

“Ang mga siyentipikong biomedical sa Amerika ay nagsasagawa ng walang-ingat at kung minsa’y mapandayang pananaliksik sa pagsisikap na makapaglathala ng mas maraming dokumento at kumita ng higit na salapi.”​—New Scientist, Pebrero 25, 1989.

“Inalis ng mga Siyentipiko ang mga Hangganan ng Pandaraya”

“Ang pandaraya at kawalang-ingat sa siyensiya ng mga mananaliksik ay maaaring napakalaganap, babala ng isang pag-aaral sa labas ng Nature noong nakaraang linggo.”​—New Scientist, Enero 22, 1987.

“Mananaliksik na Akusado ng Pamamláhiyó ang Nagbitiw”

“Isang biochemist na akusado ng pamamláhiyó ng isang ulat ng National Academy of Sciences para sa isang aklat sa nutrisyon at kanser ang nabitiw sa kaniyang puwesto sa Cleveland Clinic Foundation.”​—Science, Setyembre 4, 1987.

“Ang Pilduras: Mga Pagsubok sa Pagiging Ligtas Hinuwad ng Propesor”

“Ang kaniyang pandaraya ay naging dahilan upang pag-alinlanganan ang isinagawang mga pagtiyak sa pagiging ligtas ng mga pilduras na iniinom ng hanggang sa 2 m[ilyong] kababaihan sa Britaniya at 10 m[ilyon] sa buong daigdig.”​—The Sunday Times, Setyembre 28, 1986.

“Nagbitiw sa Kahihiyan ang Nakatataas na Mananaliksik ng Droga”

“Siya’y nagbitiw noong nakaraang linggo matapos na siya’y masumpungan ng isang independiyenteng komite ng pagsisiyasat na nagkasala ng siyentipikong pandaraya.”​—New Scientist, Nobyembre 12, 1988.

“Nasumpungan ng NIMH ang isang Kaso ng ‘Malubhang Di-wastong Paggawi’”

“Isang nakapagtataka, mahabang-panahon, lantaran at sinadyang kaso ng pandaraya sa siyensiya ayon sa isang burador ng ulat ng isang pagsisiyasat na isinagawa para sa National Institute of Mental Health.”​—Science, Marso 27, 1987.

“Naglagay ng Lason sa Ivy League ang ‘Pandaraya’ sa Pananaliksik”

“Isang prominenteng sikayatrista na mula sa Boston ang nagbitiw bilang pangulo ng isang mental hospital na nauugnay sa Harvard University, matapos ang mga bintang ng pamamláhiyó.”​—New Scientist, Disyembre 10, 1988.

“Ang Kaso ng ‘Naligaw’ na mga Fossils”

“Isang prominenteng Australyanong siyentipiko ang nagsuri sa dalawang dekada ng gawain sa sinaunang heolohiya ng Himalaya at sinasabing maaaring ito ang pinakadakilang pandaraya sa paleontolohiya sa lahat ng panahon.”​—Science, Abril 21, 1989.

“Pagkakataon Naman ng mga Pahayagan sa Firing Line”

“[Binabanggit niya] nang tuwiran kung gaano kahina ang pag-uulat ng maraming [siyentipikong] pahayagan sa pandaraya sa siyensiya. . . . Ang gayong mensahe na patiunang ipinadala sa ibang mga kasapi ng pamayanang siyentipiko ay ipinatutungkol ngayon sa mga pahayagan: linisin ninyo ang inyong gawain o kung hindi’y panghihimasukan ito ng mga mambabatas.”​—The AAAS Observer, Hulyo 7, 1989.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share