Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 3/22 p. 31
  • Isang Kababalaghan na Kulay Rosas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Kababalaghan na Kulay Rosas
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Mananayaw na Mapula ang Balahibo
    Gumising!—2003
  • Mga Flamingo—“Magkakabalahibo na Nagsasama-sama”
    Gumising!—1993
  • Kandangaok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pagmamasid-ibon—Isa Bang Kawili-wiling Libangan Para sa Lahat?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 3/22 p. 31

Isang Kababalaghan na Kulay Rosas

Isang nagliliyab na ibon! Ganiyan inilarawan ng sinaunang mga Griego ang phoenix, isang maalamat na ibon na winakasan ang kaniyang buhay sa apoy at nang maglaon ay lumitaw mula sa mga abo. Mga dantaon ang nakalipas, ang pangalang phoenix ay inilipat sa isang tunay na ibon, ang flamingo [Phoenicopteridae]. Ito’y namumuhay sa pangalan nito na mas maigi kaysa anumang alamat. Ang isang kawan na lumilipad ay isang kagila-gilalas na tanawin​—gumagaralgal, kumakakak, “bagyong apoy” na kulay rosas, itim, at pula na lumilipad sa himpapawid.

At ang isang flamingo ay isang kababalaghan ng disenyo, mula ulo hanggang paa. Kunin halimbawa ang tukâ, isang taluhaba, animo’y may takip na kahon, nakabaluktot sa dulo upang ito ay makaagapay sa ilalim ng lawa habang ang ulo ay kumikilos na paroo’t parito sa paghahanap ng pagkain sa mababaw na tubig. Sa loob, ang tukâ ay nasasapinan ng mga balahibo na sumasalà sa malalaking bagay samantalang sinisilo ang maliliit, nakakaing piraso ng mga damong-dagat at mga katulad nito, habang papasok at palabas na binubomba ng dila ang tubig. Tanging ang mga balyena ang kumakain sa gayong paraan, sinasalà ang maliliit na hipon sa kanilang baleen.

Sa kasukat, ang leeg at paa ng flamingo ang pinakamahaba sa anumang ibon. Ang flamingo ay maaaring tumayo sa taas na mahigit na isa punto otso metro. Ang tulad-tayakad nitong mga paa ay nababagay sa buhay sa mababaw, maalat na mga lawa. Nagpapahinga pa nga ito samantalang nakatayo sa tubig, ligtas mula sa mga maninila, at sa pinakaalanganing posisyon​—nakatayo sa isang paa! Sinasabi ng mga eksperto na ang isang flamingo ay tumatayo sa isang paa upang ipahinga ang isang paa. Pinangyayari ng isang pantanging litid ang ibon na patatagin ang paa, na parang tikin o poste. Nakatutulong din ang mahusay na pagkakatimbang.

Ang mga ebolusyunista ay nahihirapan sa pinagmulan ng flamingo. Sa kanila, sa ibang paraan ito ay parang gansa, sa iba naman ito ay parang cigueña (stork), at sa iba pa ito ay parang tagák. Maidaragdag pa natin na ito ay kumakain na gaya ng balyena at natutulog na parang nakatayong ilawan. Subalit hindi kailangang maging palaisipan sa atin kung saan ito nanggaling. Tanging isang intelihenteng Disenyador lamang ang makagagawa ng gayong kababalaghan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share