Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Kandangaok”
  • Kandangaok

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kandangaok
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Ibong Mangingisda
    Gumising!—2011
  • Ang Tagak—Kaibigan ng Tao at Hayop
    Gumising!—2005
  • Isang Kababalaghan na Kulay Rosas
    Gumising!—1990
  • Pagmamasid-ibon—Isa Bang Kawili-wiling Libangan Para sa Lahat?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Kandangaok”

KANDANGAOK

[sa Heb., ʼana·phahʹ; sa Ingles, heron].

Isang ibon na ayon sa Kautusang Mosaiko ay hindi dapat kainin. (Lev 11:13, 19; Deu 14:12, 18) Ipinapalagay ng ilan na ang Hebreong pangalan nito ay halaw sa salitang-ugat na nangangahulugang “huminga nang malalim,” o posible, “sumingasing,” malamang ay dahil sa galit. Iminumungkahi naman ng iba na mas malapit ang kaugnayan ng ʼana·phahʹ sa salitang Hebreo para sa “ilong” (ʼaph), na marahil ay isang deskripsiyon para sa tuka ng ibong ito. Yamang binabanggit ng Bibliya “ang kandangaok ayon sa uri nito” (“sa ilang uri nito,” AT), malamang na saklaw ng pangalang Hebreo ang iba’t ibang uri na kabilang sa pamilya ng mga kandangaok (siyentipikong katawagan: Ardeidae), gaya ng true heron, egret, at bittern. Ang lahat ng ibong ito ay may mahahaba at matutulis na tuka at ang iba’y kilala sa kanilang kakaibang paos na ingay kapag nagugulo o naliligalig.

Ang mga ibong kabilang sa pamilya ng mga kandangaok ay pangunahin nang mahilig sa tubig, anupat madalas sila sa mga latian, batis, at mga lawa. Mahaba at balingkinitan ang kanilang leeg at napakapapayat ng kanilang mahahabang binti na walang balahibo. Mahahaba ang kanilang daliri sa paa, na may isang malaking daliri sa likuran. Maringal silang naglalakad sa tubig habang naghahanap ng mga palaka, talangka, o maliliit na reptilya. O kaya nama’y nakatayo lamang sila, na matiyagang nag-aabang sa maliliit na isdang daraan malapit sa kanila, at simbilis ng kidlat ay iniuunat nito ang kaniyang leeg at tinutuhog ang isda sa pamamagitan ng kaniyang matulis na tuka. Dahil malalaki ang kanilang pakpak, ang paglipad nila ay waring mabagal at maringal; ang kanilang mga binti ay nakaunat sa likuran ngunit ang mahabang leeg ay nakaurong anupat ang ulo ay nasa pagitan ng mga balikat. Sa gayo’y naiiba sila sa tipol at sa ibis na kapag lumilipad ay nakaunat ang mga leeg at mga binti.

May ilang uri ng mga kandangaok sa Palestina: ang common o gray heron (Ardea cinerea), ang goliath heron (Ardea goliath), at ang purple heron (Ardea purpurea). Sila’y may haba na hanggang 1.5 m (59 na pulgada) at matatagpuan sa palibot ng Dagat ng Galilea, sa kahabaan ng mga pampang ng Jordan at ng Kison, sa mga latian, at sa kahabaan ng baybaying dagat.

Kabilang sa pinakamayuyumi at pinakamagagandang ibon sa pamilya ng mga kandangaok ay ang mga egret, na kadalasa’y puting-puti ang mga balahibo. Ang mga egret ay may haba na 50-90 sentimetro (20-35 pulgada) at pangkaraniwan sa Palestina. Ang cattle egret, o buff-backed heron (Bubulcus ibis), ay malimit makitang kasama ng nanginginaing mga baka, anupat mga insekto naman ang kinakain nila.

Ang bittern ay isang uri ng kandangaok na mas mataba at mas kayumanggi at matatagpuan din sa mga latian sa Palestina. Ang Eurasian bittern (Botaurus stellaris), na may habang mga 75 sentimetro (30 pulgada), ay karaniwang may mga balahibong may mga guhit na maitim, manilaw-nilaw at maputi. Ang bandang tiyan nito ay kulay mapusyaw na manilaw-nilaw na may guhit-guhit na kayumanggi, at ang mga binti ay luntiang manilaw-nilaw. Ang kombinasyong ito ng mga kulay ay kaparehung-kapareho ng mga damo sa latiang tinitirahan nito, at kapag nanganganib, ang ibong ito ay tumatayo nang di-gumagalaw habang ang leeg at tuka nito’y nakaturo pataas. Dahil dito, at sa patayong mga guhit-guhit nito, napapahalo ito sa kaniyang kapaligiran at nakapagbabalatkayo. Ang isa pang uri na matatagpuan sa Palestina ay ang little bittern (Ixobrychus minutus). Kilala rin ang mga bittern sa kanilang tunog na waring dumadagundong o nagbobomba, na resulta ng pagbubuga nila ng hangin mula sa kanilang lalamunan, habang ang kanilang ulo at leeg ay magkasabay na nagkakandapilipit.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share