Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 4/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MALUNGKOT NA KALAGAYAN NG MGA BAGAY
  • DEMANDA NG MGA NAGDURUSA SA AIDS
  • MGA PROBLEMA SA KOMUNIKASYON
  • TARGET NG PAG-ABUSO SA DROGA: MGA BATA
  • HIGIT NA MGA KAMBAL AT MGA TRIPLET
  • ANG PAGLAKAD AY MABUTI SA KALUSUGAN
  • PINAKAMAHABANG TREN SA DAIGDIG
  • PANGANIB NA MGA PALAKANG-TUBÓ
  • GAANO KALIGTAS ANG “LIGTAS”?
  • PAGNANAKAW NG PELUKA
  • Mga Rabit at Palaka—Mananalakay ng Isang Kontinente
    Gumising!—2005
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1991
  • Kania
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kabkáb o Palaka—Ano ang Pagkakaiba?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 4/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

MALUNGKOT NA KALAGAYAN NG MGA BAGAY

Hinuhulaan ng UNICEF (United Nations International Children’s Emergency Fund) ang isang malungkot na kinabukasan para sa mga bata. Sa taunang report nito sa Kalagayan ng mga Bata sa Daigdig, nakikini-kinita ng UNICEF ang isang daang milyong patay na mga bata dahil sa sakit at malnutrisyon sa dekadang ito malibang $2.5 libong milyon ay gugugulin taun-taon sa mababang-halaga na mga lunas na makukuha ngayon. Gaano ba kalaki ang halagang ito? Katumbas ito ng halagang ginagastos taun-taon ng mga kompaniya sa E.U. sa pag-aanunsiyo ng sigarilyo, ulat ng The Wall Street Journal.

DEMANDA NG MGA NAGDURUSA SA AIDS

Ang mga ospital at medikal na mga institusyon sa Australia ay inihahabla ng mga nagdurusa sa AIDS. Sinasabi ng mga biktima na nakuha nila ang nakamamatay na sakit dahil sa kapabayaan o kawalan ng sapat na babala tungkol sa mga panganib na nauugnay sa pagsasalin ng dugo. Karagdagan pa, sinasabi nilang hindi ipinaalam sa kanila ang tungkol sa mapagpipiliang mga paggamot na maaaring gamitin sa halip ng pagsasalin ng dugo. Maraming publisidad hanggang sa ngayon ang ibinigay sa isang 16-anyos na may sakit na hemophilia na mamamatay dahil sa mamamatay-taong sakit na AIDS, subalit 31 iba pang mga biktima ay nagsama-sama bilang isang grupo at nagdemanda. Ang pangungusap ng 16-anyos ay binasa sa Korte Suprema. Sinabi niya sa bahagi: “Ito’y gaya ng isang aklat ng kuwento​—isang aklat ng kuwento na ang huling pahina ay pinilas. Walang maligayang wakas.”

MGA PROBLEMA SA KOMUNIKASYON

Ang “Dial Service,” isang paglilingkod na pagpapayo sa telepono para sa mga bata sa Hapón, ay nagsasabi na kamakailan lamang maraming bata na wala namang mga problemang kailangang harapin agad at hindi naman nangangailangan ng payo ay tumatawag upang may makausap lamang tungkol sa kanilang maghapon. Nagugustuhan nila ang mapagpipiliang ito upang makabawi sa kakulangan ng pag-uusap sa pamilya, sabi ng paglilingkod. Gayunman, ang mga tagapayo man ay may mga problema rin sa komunikasyon. “Ibinababa ng mga bata ang telepono kapag narinig nila ang himig na pangangaral sa tinig ng tagapayo,” sabi ng isang kawani.

TARGET NG PAG-ABUSO SA DROGA: MGA BATA

◼ Tinatarget ng mga negosyante ng droga ang mga paaralan bilang ang ikatlong-pinakamahusay na pamilihan (kasunod ng mga nightclub at mga bar) para sa kanilang nakamamatay na kalakal. “Pinagsasamantalahan ng mga nagbebenta ng droga ang mga adolesente sa pagitan ng 13 at 15 taóng gulang, ang panahon ng paggigiit-sa-sarili; upang ipakilala sa kanila ang bisyo, pinupukaw nito ang katapangan, pagkalalaki, at takot na mapabukod sa grupo,” ulat ng pahayagan sa Brazil, ang O Estado de S.Paulo. Kahit na ang mga guro at mga estudyante ay kabilang sa mga nagbebenta ng droga. Dahil sa dumaraming pag-abuso sa droga, isa pang pahayagan sa São Paulo, ang Jornal da Tarde, ay nagbigay ng babala: “Sa anumang bansa, ang mga kabataan ang pinakamahalagang bagay, at sinusunog ng mga droga ang mga utak ng mga kabataang ito na katulad ng pagsunog sa kagubatan.”

◼ Bakit ba nahihilig ang mga bata sa pag-abuso sa droga? Ang saykayatris na si Claude Olievenstein, ay nagkomento sa isang panayam na inilathala sa O Estado de S.Paulo, tungkol sa ilan sa mga sanhi: “Tinuturuan natin ang ating maliliit na mga anak na lutasin ang kanilang mga problema sa takot at di pagkakatulog sa paggamit ng mga trangkilayser. Ang mga batang ito’y lumalaki, at kapag sila’y magkaproblema, hinahanap nila ang lunas sa mga droga.” Saka niya ibinunton ang sisi sa pagguho ng dalawang dating matatag na institusyon: “Ang pamilya ay dumaranas ng malaking pagbabago pagdating sa tradisyunal na mga pamantayan. Kasabay nito, ang relihiyon ay nawalan na ng halaga, at ang autoridad ng mga magulang ay nabawasan din.”

HIGIT NA MGA KAMBAL AT MGA TRIPLET

Ang bawat ika-50 pagdadalang-tao sa Pederal na Republika ng Alemanya ay nagbubunga ng kapanganakan ng dalawa o higit pang mga anak. Bakit ang pagdami ng mga kambal at mga triplet? Pangunahin na, sabi ng mga gynecologist, dahil sa modernong mga pamamaraan sa medisina sa paggamot sa pagkabaog, halimbawa, sa pamamagitan ng hormonal regimen at sa vitro fertilization o “test tube babies.” Ang isa pang dahilan ay na ngayon higit at higit na mga babae ang nagnanais magkaanak sa dakong huli ng buhay, at ang probabilidad ng maramihang pag-aanak ay dumarami. Gayunman, ang mga pagdadalang-taong ito ay waring nagdadala ng higit na panganib sa ina at sa sanggol.

ANG PAGLAKAD AY MABUTI SA KALUSUGAN

Bukod sa paghadlang sa mga sakit sa puso at sa mga daluyan ng dugo, ang katamtamang ehersisyo ay maaaring magkahadlang din sa kanser, sabi ni Rui Bevilacqua, isang propesor sa oncolohiya sa University of São Paulo, Brazil. Ang regular na paglakad o iba pang anyo ng ehersisyo ay waring nagpapasigla sa mabagal-kumilos na mga bituka. Sabi ni Bevilacqua: “Karamihan ng mga pagkain na ating kinakain ay carcinogenic (sustansiyang nakakakanser), at kung ito ay mananatili sa loob ng ilang panahon sa mga bituka, ito ay maaaring pagmulan ng kanser sa colon.” Gayundin naman, si Fúlvio Pileggi, propesor ng cardiology sa University of São Paulo, ay naniniwala na ang paglakad ang huwarang ehersisyo para sa mga hindi sumasali sa isports.

PINAKAMAHABANG TREN SA DAIGDIG

Noong Agosto 26, 1989, isang tren ng 660 puno ng laman na mga bagon, 3 pang kotse, at 16 na makina ng tren, ay umabot ng 7 kilometro sa riles ng tren. Ito ay nasa pantanging 861-kilometrong paglalakbay mula sa isang minahang bayan sa Timog Aprika tungo sa panganlungan ng mga bapor sa baybay-dagat na may kargang bakal na ore na sapat upang mapuno ang isang buong bapor. Ito ay tumitimbang ng mahigit 70,000 tonelada. Ang mga paghahanda sa biyaheng ito ay kumuha ng pitong taon. Karaniwan na, tatlong tren ang ginagamit para sa ganito karaming karga. Kaya bakit nga ang mahabang tren? Upang ito ay maipasok sa Guinness Book of Records bilang ang pinakamahaba at pinakamabigat na tren na kailanma’y tumakbo.

PANGANIB NA MGA PALAKANG-TUBÓ

Noong 1932, ang Australia ay umangkat ng halos isang daang palakang-tubó mula sa Latin Amerika upang labanan ang paninira ng mga uwang sa mga taniman ng tubó. Ang taktika ay medyo lubhang matagumpay. Ang mga ani ay nailigtas, ang mga uwang ay nalipol. Subalit ngayon, halos pagkaraan ng 60 taon, nakakaharap ng ilang bahagi ng Australia ang tunay na salot ng mga palakang-tubó; ang palaanaking babaing palaka ay nangingitlog ng hanggang 40,000 itlog sa isang panahon. Isang apat-na-pahinang de kolor na brusyur na tinatawag na 101 Ways to Kill a Cane Toad ay idinisenyo upang turuan ang mga mamamayan na labanan ang pagkalalaking mga palakang ito na naglalabas ng isang nakalalasong sustansiyang nakamamatay sa mga aso’t pusa. Isang konsehal sa Brisbane ay nag-organisa ng “Cane Toad Eradication Campaign” (Kampaniya Upang Lipulin ang mga Palakang-Tubó). Iminungkahi niya ang paglalagay ng mga palaka sa freezer upang maawaing patayin ang mga ito: “Aakalain ng mga palakang-tubó na ito ay maagang taglamig, ito’y matutulog at hindi na gigising pa,” aniya.

GAANO KALIGTAS ANG “LIGTAS”?

Dahil sa lumalagong pagkabahala ng publiko tungkol sa mga panganib sa kalusugan ng bahagyang pagkalantad sa radyasyon, nakalalasong mga kemikal, at mga pestisidyo, sinisikap ng siyensiya na hanapin ang mas tamang paraan upang tantiyahin kung ano ang “ligtas na antas” ng pagkalantad dito. Hanggang ngayon, ang mga tantiya ng tao sa panganib ay mga tantiya batay sa mga pagsubok na ginagamit ang mga hayop sa laboratoryo na nahantad sa matatapang na dosis ng potensiyal na mga elemento na sumisira-ng-gene. Ang International Herald Tribune ay nag-uulat na isang bago at mas tamang paraan ay nagawa na, na nagpapakitang ang pagkahantad na dati-rati’y ipinalalagay na ligtas ay maaaring maging sanhi ng masusukat na pinsala sa mga gene. Isang masusukat na pagdami sa dalas ng ilang uri ng mutant na puting selula ng dugo ay nasumpungan sa mga taong kilalang nalantad sa mga elemento na sumisira-ng-gene. Kapansin-pansin, nasumpungan nila na ang mga maninigarilyo ay nagtataglay ng 50 porsiyentong mas madalas na pinsala sa isang gene kaysa taglay ng mga hindi naninigarilyo.

PAGNANAKAW NG PELUKA

“Ang mga abugado at mga hukom sa Britaniya ay nagsusuot ng mga peluka mula noong hiramin ni Charles II ang ideya mula sa Pransiya noong 1670s,” sabi ng The Wall Street Journal. “Ang mga peluka ang nagpapakilala sa mga abugado sa mga solisitor, mga abugadong karaniwang hindi humaharap sa korte.” Subalit ngayon, higit at higit sa iniingatang matatandang peluka, na nangangahulugan din ng karanasan at karunungan, ay naglalaho sa mga silid hukuman at sa mga bihisan, at ikinatatakot na “ang karamihan ng mga salarin ay maaaring mga abugado.” Ang pagsusuot ng bagong mga peluka, na yari sa buhok ng kabayo, ay iniiwasan, yamang pinagtitingin nito ang isang abugado na para bang kalalabas niya lamang sa paaralan. Kaya yaong bumili ng isang gayon ay pinagtitingin itong luma sa paggamit dito na isang pamunas sa loob ng ilang panahon o sa pagsasampay nito sa labas kung umuulan. Samantala, ang desperadong paghiling na ibalik ang nawawalang mga peluka ay masusumpungang nakapaskil sa halos lahat ng mga hukumang kriminal sa London, bagaman ang mga peluka ay bihirang makuhang muli. Bagaman mahigpit ang seguridad para sa mga pumapasok sa korte, walang nagtatanong doon sa mga lumalabas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share