Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 5/22 p. 19-20
  • Kapag Isinasapanganib ng Sunog ang Isang Pulutong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Isinasapanganib ng Sunog ang Isang Pulutong
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Sunog! Aling Pamatay-Apoy ang Dapat Mong Gamitin?
    Gumising!—2001
  • Apoy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Panganib na Sunog—Dalamhati ng Nigeria
    Gumising!—1985
  • Ang Dalawang Mukha ng Apoy
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 5/22 p. 19-20

Kapag Isinasapanganib ng Sunog ang Isang Pulutong

ANG sunog ay isang salita na kinatatakutan ng mga tagapag-organisa ng pagtitipong pangmadla. Bawat taon, libu-libo ang namamatay at nasusugatan nang malubha dahil sa sunog. Lalong lumalala ang panganib kapag marami ang nagtitipon sa isang kulong na lugar. Upang mabawasan ang panganib sa sunog, ano ang magagawa ng mga nangangasiwa sa konsiyerto, dula, komperensiya, at iba pang malalaking pagtitipon? Ano ang maitutulong ng mga kabilang sa grupo upang mapanatiling ligtas ang lahat? At sakaling magkasunog nga, ano ang magagawa upang mas malaki ang tsansang makaligtas?

Upang makakuha ng impormasyon sa mga bagay na ito, kinapanayam ng Gumising! ang isang opisyal ng bombero sa Ireland. Nagsasanay siya ng mga bombero at marami na siyang karanasan sa sunog.

Kapag marami ang inaasahang dumalo sa pagtitipon, ano ang magagawa ng mga nangangasiwa upang gawing ligtas ang lahat ng bagay?

Ang unang hakbang ay tiyakin na ang gusaling gagamitin ay ligtas. Dapat ay may sapat na bilang ng mga labasan para sa lahat sa gusali upang mapadali ang paglikas kung ito’y kakailanganin. Bukod dito, bawat labasan ay dapat magkaroon ng malinaw na tanda at walang anumang sagabal. Sa lahat ng pagkakataon ang bawat pasilyo at hagdanan ay dapat na walang sagabal. Ang mga emergency door ay dapat bumukas nang papalabas at maging magaang.

Ang ayos ng mga upuan ay nagiging suliranin sa mga gusali na walang permanenteng upuan. Lubhang mahalaga na isaayos ang mga ito alinsunod sa lokal na mga patakaran sa sunog. Tiyakin na lahat ng attendant at usher ay nakababatid kung ano ang dapat gawin sa mga kagipitan. Dapat mabatid ng mga nananagot sa kaligtasan kung saan naroon ang lahat ng fire extinguisher at kung papaano gagamitin ang mga ito. Huli na ang lahat kung sa panahon pa ng sunog babasahin ang mga tagubilin nito. Tandaan din, na ang unang dapat gawin matapos simulan ang pagpapalabas sa mga tao ay ang tawagan ang kagawaran ng pamatay-sunog.

May magagawa ba ang mga dumadalo sa pagtitipon upang mapasulong ang kaligtasan?

Aba oo! Mas madaling magkagulo ang mga tao kung hindi nila kabisado ang kapaligiran. Kaya maging pamilyar sa pangkalahatang balangkas ng gusali na pagdarausan ng pagtitipon. Tandaan kung nasaan ang mga labasan at mga pintuang pangkagipitan. Huwag magpa-panic. Maging disiplinado. Pakinggang mabuti ang alinmang tagubilin at sundin ito. Kapag lumalabas sa gusali, lumakad nang mabilis, pero huwag tatakbo o magtutulakan.

Hindi magiging kalabisan kung sasabihin kong dapat lumabas agad. Karamihan ay hindi nakakaalam kung gaano kabilis kumalat ang apoy. Tulungan ang matatanda at mahihina kung makikitang sila ay nahihirapan. Minsang makalabas ng gusali, lumayo sa mga pintuan upang huwag makaharang sa mga kasunod ninyo, at kung nakalabas na kayo, huwag-na-huwag kayong babalik sa gusali hanggang hindi naidedeklara na ito’y ligtas.

Ano ang maipapayo ninyo sa mga magulang?

Sa malalaking grupo dapat ay laging katabi ng mga magulang ang kanilang maliliit na anak o kaya ay tiyakin na sila ay nababantayan ng isang mas matanda, responsableng tao. Kapag may sunog, sarisaring problema ang nililikha ng balisang mga magulang na nakikipagsiksikan sa paghahanap ng kanilang nawawalang mga anak.

Ang panganib ba sa sunog ay limitado lamang sa matinding init nito?

Hindi. Karaniwan na ang nakakamatay ay ang usok at nakalalasong gas. Kahit na hindi masyadong matapang, ang lubhang nainitang gas ay pipinsala sa mga sangkap ng paghinga at nerbiyos ng mga nakalalanghap nito. Maaaring gawin nito ang tao na kumilos nang wala sa katuwiran. Kapag makapal ang usok, takpan ng panyo ang ilong at bibig. Hindi ito makahahadlang sa nakalalasong mga gas, subalit hahadlang ito sa pagpasok ng mas malalaking sangkap ng usok na maaaring magbunga ng pagsusuka.

Kung ang usok ay masyadong makapal, sumandal sa dingding upang huwag malito. Kung wala kayong makita o masalat na dingding, lumakad sa iisang direksiyon hanggang sa marating ninyo ito; at pagkatapos ay sundan ito hanggang makarating sa isang pinto o bintana. Tandaan din, na sa isang silid na puno ng usok, mas maraming malalanghap na hangin sa malapit sa sahig, at hindi rin masyadong mausok doon.

Ano ang maaaring gawin kung ang damit ng isa ay nag-aapoy?

Ang pinakamasamang magagawa mo ay ang tumakbo. Lalo lamang lalaki ang apoy. Sa halip, humiga sa lupa at gumulong. Maiiwasan ninyong masunog ang inyong mukha at baka sakaling mamatay ang apoy.

Mayroon ba kayong huling pahiwatig para sa aming mambabasa?

Sana ay huwag kayong abutan ng sunog. Nakakatakot ang karanasang ito. Ngunit sakaling abutan kayo, ang ilang mga tuntuning ito ay makatutulong nang malaki. At tandaan, dibdibin ang panganib ng sunog. Huwag itong mamaliitin o gagawing biro. Mali yaon.

[Blurb sa pahina 20]

Kapag tumutuloy sa otel, inaalam ba ninyo sa tuwina kung nasaan ang pinakamalapit na emergency exit bago kayo matulog?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share