Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 7/22 p. 8-9
  • Pagkasugapa sa Shabu—May Lunas Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkasugapa sa Shabu—May Lunas Ba?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Maling Kapaligiran
  • Maaari Kang Tumanggi!
  • Pagkasugapa sa Shabu—Ang Salot ng Karahasan
    Gumising!—1990
  • Pagkasugapa sa Shabu—Ang Kalagayan ng Di Pa Isinisilang
    Gumising!—1990
  • Droga—Mapanganib at Nakamamatay
    Gumising!—1988
  • Droga—Sumisidhi ang Problema
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 7/22 p. 8-9

Pagkasugapa sa Shabu​—May Lunas Ba?

WALANG alinlangan na ang pagkasugapa sa shabu ay umabot na sa nakalilitong kasukat, at ang problema ay lumalala. Isinasahimpapawid ng radyo at telebisyon ang problema. Ang mga pahayagan at mga magasin ay inilalagay ito sa ulong-balita. Nakakaharap ng mga emergency room at mga trauma center ang mga karahasan nito. Ang mga silid sa panganganak ay punúng-punô ng mga sanggol na napinsala ng pagkasugapa. Ang mga bodega sa ospital ay ginagamit upang “iimbak” ang iniwang mga sanggol sa halip na imbakan ng mga materyales.

Ang mga tirahan sa pag-aalis ng epekto ng droga at sa pagbabagong-buhay ay ginagamot ang mga batang-bata pa. Ang mga ahensiya sa social service ay nanlilimos ng tulong upang labanan ang epidemya. May mga nagsasabi na hindi nila madaig ang kanilang pagkasugapa at may iba naman na ayaw ihinto ang bisyo. Sa mga huling banggit, naghihintay ang hirap, kabiguan, karahasan, at malamang ang kamatayan. Sa nauna, nariyan ang pag-asa.

“Isang taon lamang ang nakalipas,” ulat ng The New York Times ng Agosto 24, 1989, “ang shabu ay malawakang itinuturing na isang bagong droga, hindi pa gaanong nauunawaan subalit may pantanging mga katangian na gumagawa sa pagkasugapa na halos ay imposibleng lunasan.” Ngayon, gayunman, nasusumpungan ng mga mananaliksik na ang pagkasugapa sa shabu, sa ilalim ng tamang mga kalagayan, ay maaaring matagumpay na gamutin, sabi ng pahayagan. “Ang pagkasugapa sa shabu ay maaaring gamutin,” sabi ni Dr. Herbert Kleber, ang kinatawan ni William J. Bennett, patnugot ng patakaran ng droga sa E.U. Ang susi, aniya, ay na ang mga sugapa ay bigyan ng isang dako sa loob ng pamilya at lipunan na hindi nila kinabilangan noon. “Habilitasyon (maging kuwalipikadong miyembro ng pamilya at lipunan) sa halip na rehalibitasyon (pagbabagong-buhay),” ang idiniin niya.

Nasumpungan ng mga mananaliksik na ang pinakaepektibong programa sa paggamot sa sugapa sa shabu ay tatlong-yugto​—pag-aalis ng epekto ng droga, patuloy na personal na pagpapayo at pagsasanay, at, mahalaga sa lahat, suporta sa tamang kapaligiran. Ang pag-aalis ng epekto ng droga sa sugapa ay hindi mahirap gawin. Kadalasan, dahil sa mga kalagayan, magagawa ito ng isang tao sa kaniyang sariling pagkukusa. Palibhasa’y walang pera upang bumili ng droga ay maaaring maging, at kadalasan ay, isang nakatutulong na salik. Ang pagkukulong sa isang institusyong nagpaparusa kung saan walang makukuhang droga ay isa pang salik, o ang pagtira sa isang ospital ay mangangahulugan din ng pagtigil. Gayunman, ang tunay na problema ay huwag hayaang bumalik ang sugapa sa droga kung ito ay maaari niyang kunin.

Bagaman ang ilang sugapa ay matagumpay na nakaalpas mula sa mahigpit na kapit ng shabu samantalang nasa pantanging mga programa sa paggagamot, idiniriin ng mga espesyalista sa paggamot na ang karamihan ng mga sugapa ay huminto sa unang mga linggo. Halimbawa, si Dr. Charles P. O’Brien, isang saykayatris sa University of Pennsylvania, ay nagsabi na dalawang-katlo ng mga sugapang nakalista sa kaniyang programa ng paggamot ay huminto sa unang buwan. Ang iba pang programa ay higit pang di-matagumpay.

Ang Maling Kapaligiran

“Baka kailanganing alisin natin sila mula sa kanilang pamayanan,” sabi ng isang kilalang direktor sa sentro ng paggamot. “Kailangang alisin ang mga sugapa sa kapaligirang iyon ng droga. Ang kapaligirang iyon ay isang morge.” Ito, natuklasan ng mga mananaliksik, ang pangunahing dahilan kung bakit ang mas maraming sugapa na gumaling na ay nagbalik sa droga na umalipin sa kanila. Maliwanag ang dahilan. Hindi ba’t ito ang kapaligiran na nagdala sa kanila sa mga sentro ng paggamot sa simula pa? Hindi ba’t ang shabu ay makukuha sa bawat kanto sa lansangan, kung saan ang panggigipit ng barkada, kadalasan mula sa kanila mismong pamilya at matatalik na kaibigan, ang humikayat sa kanila na unang humitit ng shabu? Sino ngayon ang naroon upang himukin silang manatili sa isang programa ng paggamot at makaalpas mula sa hila ng droga para sa kanila mismong buhay?

Idiniin ng mas matagumpay na mga programa ang maling kapaligiran bilang isang pangunahing salik sa pagpapatuloy ng sugapa sa pagkagumon sa droga. “Ang pasyente ay tinuruan ng mga estratehiya upang lumayo sa droga, pati na kung paano iiwasan ang mga pila na nagbubuyo sa isa na hangarin ito,” ulat ng The New York Times. “Ang pagkakita sa lansangan kung saan ang isa ay dating bumili ng shabu, isang itinapong sisidlan sa bangketa, ang amoy ng tanggapan ng dentista o gamot na kahawig ng amoy ng shabu,” ay pawang mga bagay na maaaring bumuyo sa pagnanais para sa droga, sabi ng pahayagan. Idiniin din ng epektibong mga programa ang kahalagahan na “putulin ng mga sugapa ang lahat ng kaugnayan nila sa mga kaibigan at mga kamag-anak na gumagamit pa rin ng droga.” Sa halip, sila ay pinayuhan na makipagkaibigan sa mga taong hindi gumagamit ng droga. Matalinong payo nga.

Maaari Kang Tumanggi!

Ganito ang sabi ng aklat na Self-Destructive Behavior in Children and Adolescents: “Ang mga kabataan ay karaniwang ipinakikilala o ‘pinatitikim’ ng sarisaring droga ng isang matalik na kaibigan . . . Malamang na ang [kaniyang] mga intensiyon ay upang ibahagi ang isang kapana-panabik o kasiya-siyang karanasan.” Gayunman, ang panggigipit ng barkada ay hindi limitado sa mga kabataan, gaya ng mapatutunayan ng mas matatandang sugapa; ni limitado man kaya ang matalinong payong ito ng Kasulatan sa mga kabataan, kundi ito’y kapit sa mga tao ng lahat ng edad, gaya ng sabi ng manunulat ng Bibliya: “Siyang lumalakad na kasama ng mga taong pantas ay magiging pantas, ngunit siyang nakikitungo sa mga mangmang ay mapapariwara.”​—Kawikaan 13:20.

Kung ikaw ay natatabunan ng mga problemang para bang di-malutas, huwag mong takasan ito sa pamamagitan ng mga droga. Makadaragdag lamang ito sa iyong problema. Ipakipag-usap mo ang mga bagay-bagay sa isang magulang o sa iba pang responsableng adulto na interesado sa iyong kapakanan. Tandaan din, ang payo ng Bibliya: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipabatid ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan; at ang kapayapaan ng Diyos na di-masayod ng pag-iisip ay mag-iingat sa inyong mga puso at sa inyong mga kaisipan.”​—Filipos 4:​6, 7.

[Kahon sa pahina 9]

“Ice,” Higit Pa sa Shabu

“Tinatawag ito ng mga Haponés na shabu, sa mga Koreano ito nama’y hiroppon. Sa mga sugapang Amerikano na katutuklas pa lamang sa matinding pagkalango at napakasamang panlulumo na dulot nito, ang droga ay basta tinatawag na ‘ice,’ ” sabi ng magasing Newsweek tungkol sa drogang ito na galing sa Asia. Isa itong uri ng methamphetamine, o speed, na ginawa sa isang laboratoryo mula sa mga kemikal na madaling kunin. Ang pagkalango mula sa shabu ay tumatagal lamang ng ilang minuto; ang sa “ice” ay tumatagal ng mga ilang oras, hanggang 24 oras. Kadalasan nang ginagawa nitong marahas ang mga gumagamit nito. Ang patuloy na paggamit nito ay nagdudulot ng pinsala sa isipan at ng nakamamatay na mga sakit sa bagà at bato. Ang Newsweek ay nagsasabi na ang “mga epekto ng ice sa mga bagong-silang ay nakatatakot.” Isang mananaliksik ay nagsasabi: “Kung inaakala mong masama ang pagkagumon sa cocaine, bahagya lamang iyan kung ihahambing sa drogang ito.” Mas mahirap itong ihinto kaysa pagkasugapa sa cocaine, at ang mga guniguni ay maaaring maging matindi pa rin pagkatapos ng dalawang taon ng paggamot.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share