Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/22 p. 3-4
  • Isang Siglo na Sabik-sa-Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Siglo na Sabik-sa-Balita
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paghahanap ng Balita Ngayon
  • Mga Balita sa Hinaharap
  • Gutenberg—Kung Paano Niya Pinaunlad ang Daigdig!
    Gumising!—1998
  • Pagsapat sa Hangaring Makasagap ng Balita
    Gumising!—2005
  • Paglilimbag ng Literatura sa Bibliya Upang Gamitin sa Ministeryo
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Pangangaral ng Mabuting Balita sa Maraming Wika
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/22 p. 3-4

Isang Siglo na Sabik-sa-Balita

ANG mga tao ay laging sabik sa balita ng mga bagay na nangyayari sa paligid nila. Nais nilang agad na mapabatiran ng anumang natatanging bagay na nangyayari. Isang kilalang mensahero ay isang mandirigma na noong 490 B.C.E. ay tumakbo ng halos 40 kilometro patungong Atenas upang ipahayag ang pagkatalo ng mga hukbong Persiano. Siya’y iniulat na namatay pagdating niya pagkatapos maihayag ang tagumpay sa Marathon.

Ngayon, mga 600 milyong telebisyon set at 1.4 libong milyong radyo ang naghahatid sa mga tahanan ng pandaigdig na balita ng mga pangyayaring naganap mga ilang oras o mga ilang minuto pa lamang. Ang ilang pangyayari ay nakikita nang aktuwal, samantalang ito’y nagaganap. Daan-daang milyong pahayagan, at sampu-sampung milyong magasin, ay inililimbag araw-araw sa maraming wika upang sapatan ang isang daigdig na sabik-sa-balita.

Ang imbensiyon ni Johannes Gutenberg ng isang palimbagan na may nakikilos na tipo wala pang 550 taon ang nakalipas ay gumawang posible sa mabilis na paglaganap ng inilimbag na balita. Gayunman, ang unang mga pahayagan ay may limitadong sirkulasyon, at palibhasa’y mahal, karaniwan nang ang mayayaman lamang ang nakabibili nito.

Di-nagtagal ang kalayaan sa pagpapahayag ay naging isang usapin. Ang Gazette ni Renaudot, halimbawa, ay inilathala noong ika-17 siglo na may pagsang-ayon ng hari ng Pransiya, at ang karamihan ng balitang inilimbag ay sa pangangasiwa ng gobyerno. Iilang peryodista noong panahong iyon ang nangahas na lumaban sa mga autoridad ng kanilang bansa.

Paghahanap ng Balita Ngayon

Ang katapusan ng ika-19 na siglo ay nagdala ng isang pagsabog ng mga pinagmumulan ng balita, pangunahin nang dahilan sa mekanisasyon ng mga palimbagan at ang malaking sirkulasyon ng pang-araw-araw na mga pahayagan, lalo na sa Europa at sa Hilagang Amerika.

Hindi nagtagal bagong mga pamamaraan, lalo na sa radyo, ay ginamit upang ikalat ang balita sa ibang bansa. Halimbawa, noong 1917, noong panahon ng Rebolusyon ng Ruso, pinukaw ng radio transmitter ng barkong Aurora ang damdamin ng mga maninirahan sa Petrograd (Leningrad ngayon) sa insureksiyon.

Noong Digmaang Pandaigdig II, ang radyo ay naging isang makapangyarihang kagamitan para sa propaganda, lalo na sa Alemanyang Nazi. Noong digmaang iyon ang BBC (British Broadcasting Corporation) sa London ay nagbrodkast din ng balita ng Allied sa malaking bahagi ng Europa at sa daigdig.

Bagaman nag-eksperimento na sa telebisyon bago ang Digmaang Pandaigdig II, ang pag-unlad nito ay pinabagal ng digmaan. Gayunman, di-nagtagal ito’y umunlad bilang isang tagapaghatid ng balita. Ngayon, ang mga programa sa telebisyon na naghahatid ng balita ay pinanonood ng daan-daang milyon.

Nitong nakalipas na mga dekada ang palimbagan ay nagsimulang gumawa ng maraming pantanging publikasyon. Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, ang mga lingguhang magasin na sumusuri sa balita ay inilathala. Ang mga magasin para sa mga kabataan, sa kababaihan, sa mga nagretiro, sa mga mahilig sa isports, at mga mahilig magkumpuni, huwag nang banggitin ang lingguhang mga rebista ng programa sa telebisyon, ay nagtatamasa ng malakas na benta. Sa Pransiya, halimbawa, halos 200 bagong magasin ang lumilitaw taun-taon.

Mga Balita sa Hinaharap

Posible na ngayon na makuha ang impormasyon sa mga bangko sa mga video display terminal sa pamamagitan ng mga ugnayan sa telekomunikasyon. Ang mga sistema ng kable at satelayt ngayon ay nag-aalok ng ilang channel sa telebisyon (gaya sa Estados Unidos) na nagbibigay ng balita gabi’t araw, at ang iba na nagsasabi na magkakaroon pa ng higit na balita sa internasyonal na antas sa hinaharap. Kaya, ang ika-20 siglo ay maaaring tawaging ang siglong sabik-sa-balita. Subalit lagi bang mapaniniwalaan ang balita? Iginagarantiya ba ng sarisaring naghahatid ng impormasyon ang tunay, makatuwirang balita?

[Larawan sa pahina 4]

Ang imbensiyon ni Gutenberg na isang nakikilos na tipo ng palimbagan ay isang malaking hakbang sa pagpapalaganap ng balita at mga ideya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share