Libreng mga Publikasyon
ANG libreng mga pahayagan sa Britaniya ay nagbigay ng daan-daang milyon dolyar na kita sa pag-aanunsiyo mula sa sirkulasyon na sampu-sampung angaw na kopya sa bawat linggo. Ang resulta ay malayung-malayo sa mapanlibak na hula na bumati rito mahigit na 20 taon na ang nakalipas. “Hinamak-hamak ng mga tao ang ideya na maaari kang mag-anunsiyo sa isang bagay na libre,” sabi ni Ian Locks, ehekutibong direktor ng Association of Free Newspapers. Subalit, sa katunayan, “binuksan nito ang buong hanay ng libreng mga pahayagan, magasin at mga pulyeto bilang isang bagong uri ng mga pagkakataon sa pagbibili,” susog niya.
Mga magasin din? Oo. Mahigit na 400 iba’t ibang magasin ang ipinamimigay sa United Kingdom, na may sirkulasyon din ng sampu-sampung angaw. Ang mababang-presyo ay nakaakit sa mga tagapag-anunsiyo mula sa tradisyunal na lokal na pahayagan, na ang marami ay wala na o ngayo’y ipinamimigay na libre. Inilalarawan ng The Times ng London ang di-pangkaraniwang bagay na ito bilang “isang dinamikong bagong puwersa sa industriya ng paglalathala sa Britaniya,” isa na narito upang manatili.