Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 9/8 p. 3-4
  • Ang Kabataan Ngayon—Isang Pangglobong Larawan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kabataan Ngayon—Isang Pangglobong Larawan
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Malungkot at Mapanira-sa-Sarili na mga Kabataan
  • Anu-ano ang mga Hamon?
    Gumising!—2009
  • Ang Kabataan Ngayon—Ang mga Hamon na Hinaharap Nila
    Gumising!—1990
  • Kapag Nanumbalik ang Pag-asa at Pag-ibig
    Gumising!—1998
  • Ang Kabataan Ngayon—Pagharap sa mga Hamon ng 1990’s
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 9/8 p. 3-4

Ang Kabataan Ngayon​—Isang Pangglobong Larawan

INILALARAWAN ng popular na mga pamantayan ang mga tin-edyer bilang hibang-sa-droga na mga rebelde, pabaya, maka-ako at tamad, na walang iniintindi kundi pananamit, TV, at sekso. Gayunman, para sa karamihan, ang negatibong palagay na ito tungkol sa kabataan ay waring malayo sa katotohanan.

Nasumpungan ng isang surbey na iniulat sa Psychology Today na ‘halos tatlong-kapat ng mga sinurbey ay waring ayos naman. Sila’y pangkalahatang maligaya, kontrolado ang sarili, nagmamalasakit sa iba, nababahala sa resulta ng kanilang mga kilos.’ Malapit sa kanilang mga magulang, karamihan ng mga kabataan ay nasumpungang “nagtataglay ng napakapositibong mga saloobin tungkol sa kanilang pamilya.”

Isinisiwalat ng iba pang mga surbey na marami sa mga pag-asa, mithiin, at takot ng mga kabataan ngayon ay nagpapabanaag ng matino, maliwanag na pag-iisip. Noong 1985 tinanong ng Unesco Courier ang mga kabataan sa 41 bansa: “Ano ang problemang labis na nakababahala sa lahat ng kabataan ngayon?” Sila’y tumanggap ng mapag-alalang mga sagot na gaya ng “mga problema ng digmaan at kapayapaan” (50 porsiyento), “kawalan ng trabaho at trabaho” (30 porsiyento), at “ang kinabukasan” (10 porsiyento).

Kahit na nang ang pansin ay ibinaling sa personal na mga ambisyon, minsan pa ang mga kabataan ay kumuha ng nakapagtatakang praktikal na paglapit. Pagkatapos tanungin “ang isang pambansang kinatawan ng pangkat ng mga kabataang lalaki at babae [sa E.U.] na ang edad ay katorse hanggang beinte-uno,” sabi ng magasing Seventeen sa kabataang mga mambabasa nito: “Higit sa anupamang bagay, nais mong mag-asawa at magpamilya. Ang ikalawang bagay na nais mo ay isang trabaho o karera. Tunguhin mo ang magkapera. Nag-aalala ka rin tungkol sa pera, at sa edukasyon. Subalit mahigit na 60 porsiyento sa inyo ang hindi naniniwala na ang mga problema ng daigdig ay napakalaki para sa inyong salinlahi upang pagbutihin ang mga bagay.”

Sa pangkalahatan, kung gayon, nais ng mga kabataan sa buong daigdig ang mismong mga bagay na hinahanap ng kanilang mga matatanda: kaligayahan, katiwasayan, malapit ang kaugnayan na mga pamilya. Nababahala sila tungkol sa daigdig na kanilang pinamumuhayan at taimtim na nais nilang pagbutihin ito. Gayumpaman, may madilim na bahagi sa larawang ito.

Malungkot at Mapanira-sa-Sarili na mga Kabataan

Ang nabanggit na pag-aaral ay gumawa ng nakatatakot na tuklas na ito: “Sangkapat ng mga kabataang sinubok ay nagsabi na sila ay madalas na nalulungkot at namamanglaw at nakadarama ng emosyonal na kahungkagan, gayundin sila’y lipos ng mga suliranin sa buhay. Inamin pa nga ng ilan ang kaisipan at hilig na magpatiwakal.” Sa ibang bansa hinihigitan pa ng mga kabataan ang basta pag-iisip tungkol sa pagpapatiwakal. Ang dami ng pagpapatiwakal sa mas matandang mga tin-edyer sa Estados Unidos ay halos doble sa nakalipas na 20 taon!a

Isa pang sanhi ng malaking pagkabahala ay ang pandaigdig na pagdami ng mga tin-edyer na gumagamit ng droga, gaya ng marijuana, heroin, cocaine, at “crack,” isang anyo ng cocaine. Ganito ang sabi ng isang 14-anyos na babae sa Estados Unidos tungkol sa paghitit ng marijuana: “Hindi na nga ito ang ‘uso.’ Bahagi na lamang ito ng buhay ng halos lahat.”

Ni naiwasan man kaya ng nagpapaunlad na mga bansa ang problemang ito. Ang tanawin ng mga kabataang humihitit ng pandikit na coca at kahawig na mga sangkap ay karaniwan sa maraming lupaing iyon. Kaya ang Kalihim-Panlahat ng UN na si Javier Pérez de Cuéllar ay nagsabi na ang problema ng ilegal na pagnenegosyo at pag-abuso sa droga “ay naghaharap ng nakasisirang banta sa kasalukuyan at dumarating na mga salinlahi bilang ang salot na pumalis sa maraming bahagi ng daigdig noong una.”

Ang paggamit ng legal na mga droga, gaya ng alkohol at tabako, sa gitna ng mga kabataan ay nakabahala rin sa maraming dalubhasa​—at mga magulang. Ganito ang ulat ng UN Chronicle: “Sa nakalipas na mahigit na 30 hanggang 40 taon, ayon sa WHO [World Health Organization], parami nang paraming porsiyento ng mga bata at mga tin-edyer ang umiinom na ng inuming nakalalasing; ang dami at dalas ng pagkunsumo ay tumaas; at ang edad ng pagsisimulang uminom ay bumaba.”

Ipagpalagay na, kakaunti lamang sa mga kabataan ang nanlulumo o nagsasagawa ng nakasisira-sa-sarili na paggawi. Gayunman, sa buong daigdig, iyan ay aabot pa rin sa milyun-milyon na may malulubhang problema. Gaya ng makikita natin, ang mga kabataan ngayon ay nahahantad sa kaigtingan at panggigipit na natatangi sa panahon na ating kinabubuhayan.

[Talababa]

a Sang-ayon sa aklat na Helping Your Teenager Deal With Stress, ang iba ay naniniwala na “ang mga banggaan ng kotse ang paraan na karaniwang ginagamit ng nakatatandang mga kabataan sa pagpapatiwakal.” Yamang ang mga aksidente sa kotse ay hindi karaniwang ibinibilang na pagpapatiwakal, ang estadistika ng pagpapatiwakal ng mga tin-edyer ay maaaring mababa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share