Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 10/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG SAAN NAGHAHARI ANG KARAHASAN
  • PAG-AANUNSIYO NG KAMATAYAN
  • ANG BANTA NG KATAPUSAN NG MUNDO AY NANANATILI
  • HOMOSEKSUWAL NA MGA RABI
  • INIIWASAN ANG ALKOHOL
  • ISINASAPANGANIB NG PAGSASAKA ANG INIINOM NA TUBIG
  • ISANG PAMPALUSOG NA SIESTA
  • MGA PAGPAPAGALING AT DONASYON
  • HINDI MALUSOG NA MGA TIN-EDYER
  • MGA KABATAANG KRIMINAL
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Talaga Bang Gayon Kasama ang Paninigarilyo?
    Gumising!—1991
  • Mga Kabataang Nasa Krisis
    Gumising!—2005
  • Homoseksuwalidad—Talaga Nga Bang Napakasama Nito?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 10/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

KUNG SAAN NAGHAHARI ANG KARAHASAN

Ang Estados Unidos ay tinawag na kabisera ng patayan sa industrialisadong daigdig, at pinatutunayan ng estadistika ang pahayag na iyon. Ayon sa mga mananaliksik sa National Center for Health Statistics, sa bawat 100,000 lalaking Amerikano na ang edad ay sa pagitan ng 15 at 24 anyos, isang katamtamang bilang na 21.9 ang namamatay taun-taon. Sa 21 iba pang bansang pinag-aralan, ang susunod na may pinakamataas na bilang ng pagpatay sa kapuwa ay sa Scotland, na may 5 lalaki sa gayundin pangkat ng edad ang namamatay sa bawat 100,000. Ang bilang sa Austria ang pinakamababa, na may 0.3 sa bawat 100,000. Ang mga baril ang dahilan ng maraming pagpatay sa E.U. Ang mga baril ngayon ay hindi lamang mas nakamamatay kundi ang mga kriminal ay mas walang awa sa mga mirón. Sang-ayon sa isang eksperto sa krimen, ang ilang mamamaril ay tinatawag pa nga ang mga mirón na “mga kabute”​—angkop na tapakan kapag nakakasagabal.

◆ Mas maraming karahasan sa Estados Unidos ang pinatutungkol sa mga babae. Binabanggit ng magasing Newsweek ang mga estadistikang ito, na tinipon ng U.S. Senate Judiciary Committee: “Sa bawat oras nakakaharap ng 16 na mga babae ang mga manggagahasa; isang babae ang nahahalay sa bawat anim na minuto. Mga 3 hanggang 4 na milyong babae ang binubugbog sa bawat taon; tuwing 18 segundo isang babae ang binubugbog. Mga 3 sa 4 na babae ang magiging biktima ng hindi kukulanging isang marahas na krimen sa buong buhay nila. . . . 13 ulit na mas maraming panggagahasa ang nagaganap sa Estados Unidos kaysa Britaniya, halos 4 na ulit na mas mataas kaysa Alemanya at mahigit na 20 ulit na mas mataas sa Hapón.”

PAG-AANUNSIYO NG KAMATAYAN

Binabanggit ng Morbidity and Mortality Weekly Report, na inihanda ng Centers for Disease Control sa Atlanta, Georgia, E.U.A., na bagaman ‘ang paninigarilyo ang pinakamaiiwasang sanhi ng kamatayan sa Estados Unidos, ang mga sigarilyo ay isa sa lubhang iniaanunsiyong produkto.’ Ito’y nagbunga ng pagdami ng kinukunsumong sigarilyo sapagkat hinihikayat nito ang mga bata na mag-eksperimento sa mga sigarilyo. Hinahadlangan din nito ang kasalukuyang mga maninigarilyo sa paghinto at inuudyukan nito ang dating mga maninigarilyo na muling manigarilyo. Binabanggit ng report na ang malaganap na pag-aanunsiyo ng sigarilyo ay “maaaring makatulong sa pag-aakalang ang paninigarilyo ay hindi gaanong nakapipinsala, mas malaganap, at mas tinatanggap sa lipunan kaysa nararapat.”

ANG BANTA NG KATAPUSAN NG MUNDO AY NANANATILI

Sa kabila ng masayang-masayang usapan tungkol sa kapayapaan, ang mga superpower ay nananatili pa ring nakakawing sa kung ano ang inilalarawan ng isang tagapag-ayos ng mga armas na “di-matatag, kakila-kilabot na yapos.” Sang-ayon sa isang report ng 1989, ang Unyong Sobyet ay may halos 11,000 nuclear warheads. Sa kasalukuyan ang Estados Unidos ay may 12,000 nuclear warheads na nakaasinta sa Unyong Sobyet. Gayunman, sabi ng magasing Time na kahit na ang ilang eksperto na naniniwalang ang mga sandatang iyon ay isang panghadlang sa digmaan ay naniniwala rin na ang 3,000 o kahit na ang 1,000 nito ay baka sapat na. Halimbawa, kung sangkatlo lamang ng mga warhead ng E.U. ay makararating sa kanilang mga target, ang lahat ng lungsod sa Sobyet na may mahigit na 25,000 katao ay malilipol. Ang isang warhead na pasabugin sa Kremlin sa Moscow ay wawasakin ang lahat ng gusali sa loob ng anim-na-kilometrong radius; ang Estados Unidos ay may 120 gayong mga warhead na nakaumang sa Moscow lamang.

HOMOSEKSUWAL NA MGA RABI

Ang Reform Judaism ang naging unang malaking grupo ng relihiyon sa Estados Unidos na tumatanggap ng mga klerigong homoseksuwal at ipinahihintulot ang paggawing homoseksuwal. Sinang-ayunan ng isang kombensiyon kamakailan ng Reform na mga rabi ang pahayag na nagsasabing “lahat ng mga Judio ay relihiyosong pantay-pantay anuman ang kanilang seksuwal na kalagayan.” Tinatanggap din ng pahayag ang “lahat ng mga rabi anuman ang kanilang seksuwal na kalagayan.” Ang paghatol ng Bibliya sa mga gawaing homoseksuwal ay tinimbang laban sa “kaalaman at karanasan ng ating panahon,” ayon sa presidente ng mga Reform rabi, si Samuel Karff. Kaya hinihiling lamang ng bagong patakaran na ang mga rabi na homoseksuwal ay maging maingat, hindi ang di pag-aasawa.

INIIWASAN ANG ALKOHOL

Sa Hapón, kung saan kadalasang inaalam ang halaga ng mga empleado sa pamamagitan ng kung gaano sila kahusay makihalubilo, maraming lalaki ang napipilitang uminom nang labag sa kanilang kalooban. Isang surbey tungkol sa mga hindi umiinom, na iniulat sa Mainichi Daily News, ay nagpapakita na marami ang umiiwas sa mga paanyaya na lumabas at makipag-inuman sa mga kasamahan taglay ang mga dahilan na gaya ng: “Mayroon na akong naunang kompromiso,” “Order ng doktor,” o, “Mayroon akong gagawin.” Gayunman, ngayon ang mga hindi umiinom sa Hapón ay nagtatag ng isang samahan. Kapag inaalok na uminom, sila’y may lakas ng loob na naglalabas ng isang kard ng pagkamiyembro na nagsasabing, “Non Drinkers Associate.”

ISINASAPANGANIB NG PAGSASAKA ANG INIINOM NA TUBIG

Ang kalidad ng iniinom na tubig sa Pransiya ay nanganganib. Sang-ayon sa pahayagang Pranses na Le Monde, ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon ay hindi ang industriya kundi ang agrikultura. Mula noong ikalawang digmaang pandaigdig, unti-unting hinalinhan ng kemikal na mga abono ang natural na mga abono habang parami nang paraming magsasaka ang gumagamit ng modernong mga paraan sa pagsasaka. Gayunman, ang kemikal na mga abono ay madaling naaalis sa lupa sa pamamagitan ng ulan. Sa gayon ito ay nagtutungo sa mga panustos ng tubig, pinarurumi ng mga nitrate ang iniinom na tubig. Ipinakikita ng isang pambansang surbey kamakailan tungkol sa mga panustos na tubig sa Pransiya na hindi kukulangin sa dalawang milyon katao ang tumatanggap ng iniinom na tubig na lampas sa takdang kaligtasan na itinakda ng Pamayanang Europeo para sa mga nitrate. Ang mga nitrate ay lalo nang nakapipinsala sa mga sanggol at maaaring nauugnay sa ilang uri ng kanser sa mga adulto.

ISANG PAMPALUSOG NA SIESTA

Ipinakikita ng siyentipikong pananaliksik kamakailan na ang hilig na umidlip sa tanghali, o magsiesta, ay isang normal na bahagi ng likas na siklo sa pagtulog ng tao. Ayon sa magasing Equinox ng Canada, si Roger Broughton, isang neurologo at mananaliksik sa pagtulog, ay naghinuha na “ang mga tao ay likas na nilikha para sa mahabang yugto ng pagtulog at sa pag-idlip sa isang araw, karaniwan na sa tanghali.” Ipinakikita ng pananaliksik na “pagkatapos maidlip, ang mga tao ay hindi lamang bumubuti ang pakiramdam kundi mas mahusay rin ang nagagawa sa mga pagsubok ng isipan na nangangailangan ng pagbubuhos ng isip at masalimuot na pagpapasiya,” sabi ng Equinox. Gayunman, sabi pa ng magasin na “maaaring matagal pa bago makumbinse ng mga tao ang kanilang mga superbisor na ang kaunting siesta ang kailangan nila upang matapos ang kanilang gawain.”

MGA PAGPAPAGALING AT DONASYON

Maigagarantiya ba ng isang taong maysakit na siya ay gagaling sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking donasyon sa kaniyang simbahan? Sinisipi ng magasin sa Brazil na Veja ang ebanghelikong pastor na si Edir Macedo na nagsasabi: “Ang donasyon ng mga tapat ay mahalaga upang mapalaganap natin ang Salita ng Diyos. Kaya, ang pagpapagaling ng Diyos ay mabisa depende sa pagsisikap ng isa sa pagbibigay ng donasyon.” Nang maglaon ang Veja ay nagkomento tungkol sa ibang paglapit na isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova. “Hindi sila sumasang-ayon sa pagbibigay ng ikapu. Ang bawat tapat ay nagbibigay sa simbahan ng halagang kaya niya. Ang mga abuloy ay hindi ipinaaalam. Ang pagbibigay sa publiko ay hinahatulan sapagkat maaari itong humantong sa kompetisyon sa pagkabukas-palad ng mga tapat.” Sa katunayan, itinataguyod ng Bibliya ang kusang-loob na mga kontribusyon, hindi para sa personal na pagpapagaling, kundi bilang isang tulong sa iba, lalo na sa espirituwal.

HINDI MALUSOG NA MGA TIN-EDYER

Ang mga tin-edyer sa Estados Unidos ay binigyan kamakailan ng report na hindi malusog ng isang pambansang komisyon ng 37 mga lider sa mga larangan ng medisina, edukasyon, at negosyo. Ang report ng komisyon ay nagsasabi na ang mga suliranin ng mga tin-edyer ngayon ay pangunahin nang nanggagaling sa kanila mismong paggawi. Binanggit nito ang nakababahalang mga estadistikang ito: Taun-taon halos isang milyong mga babaing tin-edyer (halos 1 sa bawat 10 sa bansa) ay nabubuntis, samantalang 2,500,000 tin-edyer naman ang nagkakaroon ng mga sakit na naipapasa sa seksuwal na paraan; 10 porsiyento ng mga lalaking tin-edyer at 20 porsiyento ng mga babaing tin-edyer ang nagbalak na magpatiwakal; mahigit na kalahati ng mga nasa huling taon sa high school ang nalalasing sa bawat buwan, na ang mga aksidenteng nauugnay-sa-alkohol ang nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga tin-edyer.

MGA KABATAANG KRIMINAL

Mula nang tutukan ng baril ng isang batang lalaking mag-aaral at isang dating estudyante ang mga mag-aaral at ang mga kawani sa paaralan sa Ladysmith, Timog Aprika, malaking atensiyon ang itinuon sa lumalaking hilig ng mga kabataan na magsagawa ng mga krimen. Ang magasing Personality ng Timog Aprika ay nag-uulat na sa loob ng isang taon kamakailan lamang, nahatulan ng hukuman ang 1,235 na mga kabataang wala pang 17 anyos dahil sa mga krimen sa sekso. Ang 2,278 iba pa ay nahatulan dahil sa pagkakasala tungkol sa bawal na gamot, samantalang 15,814 ang nahatulan dahil sa pagnanakaw. Sang-ayon sa isang guro sa high school: “Maraming magulang ang masyadong abala sa kanila mismong mga buhay upang mabahala sa kanilang mga anak. Waring iniintindi lamang nila ang kanilang akademikong tagumpay. May palagay kami na ang moral na patnubay ay ipinauubaya sa bata.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share