Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 10/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa mga Dinosaur?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Pagtuklas sa ‘Dakilang mga Reptilya’ ng Nakalipas
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 10/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Bakasyon sa Bahay Ang inyong artikulo (Hunyo 22, 1990) ay para bang isinulat para sa akin. Lahat ng mga mungkahi ay napakahusay, gaya ng paggawa ng mga bagay para sa iba, pagtrabaho sa bahay, pagpapaganda sa aking silid, pagdalaw sa lokal na mga atraksiyon, at pagsasagawa ng higit na pagbabasa sa Bibliya. Yamang ako ay nag-aaral pa, mayroon akong pitong linggong bakasyon sa tag-araw. Salamat sa inyong tulong, mas matalino kong gagamitin ang panahong ito.

M. K., Pederal na Republika ng Alemanya

Toreo Ang inyong artikulo tungkol sa toreo (Hulyo 8, 1990) ay lubhang kapuri-puri. Karamihan ng mga kabataan sa Espanya ay gugustuhin pang magtungo sa laban ng soccer kaysa daluhan ang gayong pagkakaingay, subalit itinutulak ng mga ahensiya sa paglalakbay ang mga turista sa toreo. Ang yugto ng laban, kapag ang mga picador ay nakikipaglaban sa toro, ay mas malupit pa kaysa inilarawan ninyo, yamang ang mga kabayong ginagamit ay kadalasang may pinsala.

C. M., Pederal na Republika ng Alemanya

Rebolusyong Pranses Salamat sa inyong artikulo tungkol sa Rebolusyong Pranses. (Disyembre 22, 1989) Palibhasa ako’y isang Amerikanong may Pranses na pinagmulan, nasumpungan kong lubhang nakapagtuturo at kawili-wili ang artikulo. Pinahahalagahan ko ang pagkasarisari ng mga artikulong lumilitaw sa Gumising!

J. F. S., Estados Unidos

Lupus Ako’y nagkasakit sa loob halos ng anim na buwan, at hindi malaman ng mga doktor kung ano ang sakit ko. Mga ilang araw pagkatapos kong basahin ang inyong artikulo tungkol sa lupus (Mayo 8, 1990), pinatunayan ng rikonosi na mayroon din akong lupus. Kung hindi dahil sa artikulong ito, hindi ko maiintindihan kung ano ang sinasabi ng mga doktor. Sapagkat may nalalaman ako tungkol sa sakit na iyon, nagawa kong magtanong na hindi ko sana naitanong kung wala akong nalalaman tungkol dito. Maraming-maraming salamat sa pagpapaliwanag ninyo sa akin.

K. S., Inglatera

Mga Dinosauro Bilang isang arkeologo at heologo, lubha akong nasiyahan sa mga artikulo sa Gumising! tungkol sa mga dinosauro. (Pebrero 8, 1990) Kung tungkol sa panahon ng kanilang paglaho, binanggit ng mga artikulo na ang mga fossil ng tao ay nangyari sa mga suson ng bato na nasa ibabaw niyaong mga suson ng bato na naglalaman ng mga fossil ng dinosauro at na may mga suson ng bato sa pagitan. Sa maraming bahagi ng daigdig, ang mga suson ng batong ito sa pagitan, o strata, ay naglalaman din ng mga fossil. Maraming bagong uri, o klase, ng mga hayop ang lumilitaw sa mga suson na ito, gaya ng mga elepante, mga pusang may pangil, at ilang uri ng hindi lumilipad at tumatakbong mga ibon. Tiyak na ipinakikita nito na ang Diyos ay lumalalang pa ng bagong mga hayop pagkaraang maglaho ang mga dinosauro at na ang mga dinosauro ay naglaho noong ikaanim na panahon ng paglalang.

G. S., Canada

Hindi tinitiyak ng Bibliya ang espisipikong panahon ng paglalang o ng paglaho ng mga dinosauro. Gayumpaman, ang mga komento ni G. S. ay kawili-wili.​—ED.

Pamumuhay na May Epilepsiya Tungkol sa epilepsiya (Hunyo 22, 1990), nasumpungan kong hindi ito nauunawaan ng maraming tao. Sinasabi sa akin ng mga tao na lunukin ko raw ang aking dila, subalit sinasabi naman ng mga doktor na ito ay imposible. Sinabihan din ako na ako raw ay may demonyo sa loob ko dahil sa sinasabi ito ng Bibliya sa Mateo 4:24. Dahil sa maling palagay na ito, hindi pinapayagan ng mga tao na gawin ng mga epileptiko ang ilang mga bagay. Subalit sa katunayan, kaunti lamang ang imposible para sa amin.

V. E., Australia

Maraming maling pagkaunawa sa ulat ng Mateo 4:​24, na nagsasabi tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa “mga taong inaalihan ng demonyo at epileptiko at lumpo.” Gayunman, ang maingat na pagbabasa ng konteksto ay nagsisiwalat na talagang pinag-iiba ng Bibliya ang inaalihan ng demonyo at mga karamdaman sa katawan, gaya ng epilepsiya.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share