Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 11/8 p. 2-4
  • “Unidentified Flying Objects”—Ano ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Unidentified Flying Objects”—Ano ba Ito?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Tao ba’y Naniniwala sa mga UFO?
  • Mga UFO—Makikilala ba kung Ano Ito?
    Gumising!—1990
  • Mga UFO—Sinauna at Makabago
    Gumising!—1990
  • Mga “UFO”—Mga Mensahero Mula sa Diyos?
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 11/8 p. 2-4

“Unidentified Flying Objects”​—Ano ba Ito?

Sinasabi nina Betty Cash at Vickie Landrum, kasama ng kaniyang anak na si Colby, na noong Disyembre 29, 1980, sila ay nalantad sa init, usok, at apoy ng isang UFO (unidentified flying object o di-kilalang lumilipad na bagay). Isang report ang nagsabi na inilarawan nila ito bilang isang ‘malaking hugis-diyamanteng bagay, lumulutang sa himpapawid sa harapan ng kanilang kotse sa isang iláng na daan sa bukid malapit sa Huffman, hilagang-silangan ng Houston, Texas.’ Bunga ng engkuwentrong ito, sabi nila, sila’y dumanas ng sarisaring problema sa kalusugan.​—Miami Herald, Setyembre 4, 1985.

Inaakala ng mga babae na ang pamahalaan ng E.U. ay kasangkot sapagkat “di-nagtagal ang bagay na ito ay lumipad pahilaga, kasama ng halos 23 uring-militar na mga helikopter.” Sa ulat na ito, isa sa mga babae, si Vickie Landrum, ay nagsabi na “silang tatlo ay dumanas ng pamamaltos, pagkalagas ng buhok, pagkahilo at sakit ng ulo. Naniniwala si Landrum na ang aparato ay naglalabas ng ilang uri ng radyasyon na nagpangyari sa tatlo na maging sensitibo sa liwanag ng araw.” Inihabla nila ang gobyerno dahil sa kapabayaan.

Dahil sa mga pangyayaring nabanggit at sa iba pang bagong mga kuwento, ang mga UFO ay paulit-ulit na nakatawag ng pansin ng publiko. Gaya ng sulat ni Philip J. Klass sa UFOs​—The Public Deceived: “Ang pag-asang makasumpong ng intelehenteng buhay sa ibang dako sa sansinukob ay kawili-wili, at ang paghahanap dito ay nakatawag ng pansin, at pagsisikap, ng maraming may kakayahang siyentipiko.” ‘Ngunit bakit ngayon?’ tanong ni Edward Dolnik sa The New Republic ng Agosto 1987, sa ilalim ng pamagat na “Close Encounters.” Ang kaniyang tugon ay: “Ang pangunahing paliwanag ngayon ay may kinalaman sa matatag at sukdulang takot na nauugnay sa dumarating na milenyo,” yaon ay, habang tayo’y papalapit sa taóng 2000.

Ang mga Tao ba’y Naniniwala sa mga UFO?

Ikaw ba’y naniniwala sa mga UFO? May nakita ka ba sa langit sa gabi na nakalito sa iyo? Alin sa udyok ng sukdulang takot o nahikayat ng iba pang karanasan, marami ngayon ang naniniwala sa mga UFO. Sa kaniyang ulat, binanggit ni Dolnik na ipinakikita ng isang surbey ng Gallop Poll na “57 porsiyento ng mga Amerikanong nag-aral sa kolehiyo ang naniniwala sa mga ‘extraterrestrial.’ ” Susog niya: “Sa mga Amerikanong hindi nag-aral sa kolehiyo, ang bilang ay bumaba sa 46 na porsiyento.”

Noon, ang mga ulat tungkol sa UFO ay karaniwang naglalarawan ng kakaiba at pambihirang mga tanawin sa langit o kung minsan sa malapit. Gayunman, kamakailan lamang ang mga ito ay waring pumapalibot sa aktuwal na pakikipagkita sa mga tao. Ang mga pakikipagkitang ito kung minsan ay sinasabing pakikipagkita sa “mga dayuhan” na sinasabing dinudukot ang mga tao. Ipinahihiwatig ng mga ulat na ang layon ng “mga dayuhan” kung minsan ay may kaugnayan sa biyolohikal o genetiko pa ngang pag-eeksperimento sa mga tao. Ang mga sinasabing ito ay nagsilbi upang akayin muli ang pansin ng madla sa paksa tungkol sa mga UFO.

Ang mga salaysay na ito ng pagkakita at mga engkuwentro ay pambuong daigdig ang sakop. Halimbawa, ang isa ay kinasangkutan ng isang lalaki sa Switzerland. Sa loob ng mahigit na limang taon, sinasabing, “gumawa siya ng daan-daang maliwanag, detalyadong mga larawan. Inirekord din niya ang mga tunog ng mga ‘beamship,’ nangolekta ng ilang mga sampol na metal, at gumawa ng mga pelikula tungkol sa naglalakbay na sasakyan.” Ang paglalarawan ay nagpapatuloy: “Nakita ng dose-dosenang nakasaksi ang mga beamship at pinatunayan ang hindi kapani-paniwalang kuwento [ng lalaki]. Ang kaniyang katibayan, na inimbestiga ng isang propesyonal na pangkat ng seguridad na pinangunahan ng isang retiradong koronel ng U.S. Air Force, ay sinuri ng mga siyentipiko sa IBM, NASA’s Jet Propulsion Laboratory, Arizona State University, at ng McDonnel Douglas aeronautics company.”

Ang mga kuwentong ito ay naririnig pa rin. Isa sa pinakakawili-wili ay lumitaw sa The Tampa Tribune, Enero 30, 1989. Itinampok nito ang isang may kulay na ilustrasyon ng isang “sasakyang pangkalawan” na kinunan ng larawan sa kapaligiran ng Gulf Breeze, Florida. Ang pangyayari ay may kaugnayan sa mga karanasan ng isang lalaking nagngangalang Ed. Ang paglalarawan ng unang pakikipagkita ay nangyari gaya ng sumusunod: “Nang sumilip siya sa labas ng kaniyang pintong salamin ng kaniyang silid-tulugan, sabi ni Ed, nakaharap niya ang isang animo’y batang nilikha na nadaramtan ng kulay-abo.” Ang mga pakikipagkitang ito ay naganap sa loob ng ilang panahon, na si Ed ay kumuha ng maraming larawan. Gayunman, walang larawan ang lumabas sa pahayagan.

Dahil sa kahindik-hindik na mga ulat ng mga engkuwentrong lumilitaw sa mga pahayagan, babasahin, at mga aklat sa talaan ng mga pinakamabiling aklat, ang mga tao ay nagtatanong, Ano ba ang lahat ng ito? Totoo ba ang mga UFO, o ito ba’y guniguni lamang? May anumang rekord ba ng gayong mga bagay sa kasaysayan? Posible kaya na may mga paliwanag na nakahihigit sa kasalukuyang-panahong siyensiya? Ang mga ito at ang iba pang katanungan ay isasaalang-alang sa susunod na mga artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share