Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 5/22 p. 13-15
  • Siyensiya—Ang Patuloy na Paghahanap ng Tao sa Katotohanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Siyensiya—Ang Patuloy na Paghahanap ng Tao sa Katotohanan
  • Gumising!—1993
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pinadilim ng mga Kontrabida ang Landas
  • Umiiral Pa Rin ang mga Kontrabida
  • Sino ang mga Biktima?
  • Siyensiya—Ang Patuloy na Paghahanap ng Tao sa Katotohanan
    Gumising!—1993
  • Siyensiya—Ang Patuloy na Paghahanap ng Tao sa Katotohanan
    Gumising!—1993
  • Nililitis ang Ebolusyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Isang Aklat na Gumulat sa Daigdig
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1993
g93 5/22 p. 13-15

Bahagi 4

Siyensiya​—Ang Patuloy na Paghahanap ng Tao sa Katotohanan

Ang Muling Pagsilang ng Siyensiya sa Pamamagitan ng Pagbabago

ANG daigdig ay hinampas ng kaguluhan noong ikalawang hati ng ika-18 siglo habang binabago ng mga pagbabago ang pulitikal na tanawin, una sa Amerika, pagkatapos sa Pransiya. Samantala, sa Inglatera ibang klase ng pagbabago ang nagsimula, ang pagbabago sa industriya. Malaki ang ginawa nito sa isa pang klase ng pagbabago, isang siyentipikong pagbabago.

Binigyan ng petsa ng ilan ang muling pagsilang ng siyensiya mula noong mga taon ng 1540, nang ang astronomong Polako na si Nicolaus Copernicus at ang taga-Belgium na anatomistang si Andreas Vesalius ay naglathala ng mga aklat na lubhang nakaapekto sa siyentipikong pag-iisip. Inilagay naman ng iba ang pagbabago na mas maaga, noong 1452, nang isilang si Leonardo da Vinci. Isang walang-tigil sa pag-eeksperimento na nakagawa ng maraming kontribusyon sa siyensiya, si Leonardo ay nakagawa ng mga idea na sa ilang kaso ay mga pasimula ng mga imbensiyong pinasakdal pagkalipas ng mga dantaon, gaya ng eruplano, ang tangkeng militar, at ang parakaida.

Subalit ang siyensiya gaya ng pagkakilala natin ngayon dito, sabi ni Ernest Nagel, propesor emeritus sa Columbia University, “ay hindi naging matatag bilang isang nagpapatuloy na institusyon sa Kanluraning lipunan hanggang noong ikalabimpito at ikalabingwalong siglo.” Nang ito ay naging matatag, isang malaking pagbabago sa kasaysayan ng tao ang narating. Ganito ang sabi ng aklat na The Scientist: “Sa pagitan ng 1590 at 1690 maraming henyo . . . ang nakagawa ng saganang pananaliksik na bihirang mapantayan ng anumang ibang 100-taóng yugto ng panahon.”

Pinadilim ng mga Kontrabida ang Landas

Sumagana rin ang huwad na mga siyensiya, gaya ng mga kontrabida na ang maling mga teoriya ay humarang sa daan ng tunay ng siyentipikong pagsulong. Ang teoriya ng phlogiston ang isa rito. Ang “phlogiston,” mula sa Griego, ay nangangahulugang “sunog.” Ito’y ipinakilala noong 1702 ni George Ernst Stahl, na naniwalang ang phlogiston ay inilalabas kapag nasusunog ang madaling magdingas na mga materyales. Ipinalagay niya ito bilang isang simulain sa halip na bilang isang tunay na bagay, subalit ang paniwala na ito ay isang aktuwal na bagay na lumalaki sa paglakad ng mga taon. Hindi kundi sa pagitan ng 1770 at 1790 napabulaanan ni Antoine-Laurent Lavoisier ang teoriyang ito.

Inaamin ng The Book of Popular Science na bagaman ang teoriya ng phlogiston “ay ganap na mali, gayunman sa loob ng ilang panahon ito ay nagbigay ng isang gumaganang palagay na tila nagpaliwanag sa maraming natural na mga kababalaghan. Isa lamang ito sa maraming siyentipikong palagay na sinubok sa timbangan at nasumpungang nagkulang sa lahat ng panahon.”

Ang alchemy ay isa pang kontrabida. Binibigyan-kahulugan ito ng Harrap’s Illustrated Dictionary of Science bilang “isang halo ng pilosopya, mistisismo at kemikal na teknolohiya, nagsimula bago pa ang panahong Kristiyano, hinahanap ang iba’t ibang paggawa ng mababang klase ng metal tungo sa ginto, ang pagpapahaba sa buhay at ang sekreto ng pagkawalang-kamatayan.” Bago pa tanggihan, ang alchemy ay nakatulong sa paglalagay ng pundasyon para sa modernong kemistri, isang pagbabago na nabuo noong katapusan ng ika-17 siglo.

Kaya bagaman mga kontrabida, ang teoriya ng phlogiston at alchemy ay may ilang mahalagang katangian. Gayunman, hindi gayon kung tungkol sa mga kontrabidang tao na dahil sa relihiyosong paghikayat ay nagtaguyod ng mga saloobing laban sa siyensiya. Ang labanan sa pagitan ng siyensiya at teolohiya​—kapuwa nag-aangking ang tanging awtoridad sa mga katanungan tungkol sa sansinukob​—ay kadalasang humantong sa hayagang alitan.

Halimbawa, noong ikalawang siglo C.E., ang kilalang astronomong si Ptolemy ay gumawa ng isang heosentrong teoriya, ibig sabihin na samantalang ang mga planeta ay lumiligid sa isang bilog, ang sentro ng bilog, tinatawag na episiklo, ay kumikilos din sa kabilugan ng isa pang bilog. Ito ay isang napakainam na matematikal na kahusayan sa paggawa at isang paliwanag tungkol sa tila pagkilos sa langit ng araw, buwan, mga planeta, at mga bituin na malawakang tinanggap hanggang noong ika-16 na siglo.

Si Copernicus (1473-1543) ay gumawa ng isang mapagpipiliang teoriya. Naniniwala siya na yamang ang mga planeta, kasali na ang lupa, ay lumiligid sa palibot ng araw, ang araw ay nakapirme. Ang idea na ito​—isang kumikilos na lupa na hindi na siyang sentro ng sansinukob—​kung totoo, ay magkakaroon ng pangmatagalang mga resulta. Pagkalipas ng wala pang sandaang taon, sa pamamagitan ng mga teleskopyo ang Italyanong astronomo na si Galileo Galilei ay gumawa ng mga obserbasyon na kumumbinsi sa kaniya na ang teoriya ni Copernicus tungkol sa isang lupa na lumiligid sa palibot ng araw ay totoo nga. Subalit tinanggihan ng Iglesya Katolika ang palagay ni Galileo bilang maling paniniwala at pinilit siyang bawiin ang kaniyang ipinahayag.

Ang relihiyosong mga pagkakamali ay nagpangyari sa mga teologo ng simbahan na ipagkaila ang siyentipikong katotohanan. Hindi kundi nitong halos 360 taon na inalis ng simbahan ang mga paratang na erehiya kay Galileo. Kinilala ng L’Osservatore Romano, sa lingguhang edisyon nito ng Nobyembre 4, 1992, ang “pagkakamali ng paghatol” sa kaso laban kay Galileo.

Umiiral Pa Rin ang mga Kontrabida

Sa katulad na paraan, sa ika-20 siglong ito, ang mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan ay nagpapakita ng kahawig na hindi paggalang sa katotohanan. Ginagawa nila ito sa pagpili sa hindi pa napatunayang siyentipikong mga teoriya sa harap ng katotohanan, kapuwa sa siyentipiko at relihiyosong paraan. Ang pinakamabuting halimbawa ay ang hindi mapatunayang teoriya ng ebolusyon, pangunahin nang walang bisang bunga ng may malubhang depektong siyentipikong “kaalaman” at ng huwad na relihiyosong mga turo.a

Inilathala ni Charles Darwin ang kaniyang aklat na On the Origin of Species by Means of Natural Selection noong Nobyembre 24, 1859. Subalit ang idea ng ebolusyon sa katunayan ay mula pa noong mga panahon bago ang Kristiyano. Halimbawa, inilarawan ng pilosopong Griego na si Aristotle ang tao sa ibabaw ng isang linya na nagmumula sa nakabababang buhay-hayop. Sa simula, tinanggihan ng mga klerigo ang teoriya ni Darwin, subalit ang The Book of Popular Science ay nagsasabi: “Ang ebolusyon [nang maglaon] ay naging isang bagay na mahigit pa sa isang siyentipikong teoriya . . . Ito ay naging isang sigaw ng digmaan at isang pilosopya pa nga.” Ang idea tungkol sa kaligtasan ng pinakamalakas ay nakaakit sa mga taong nagsisikap makarating sa pinakamataas na katayuan sa buhay.

Di-nagtagal ang pagtutol ng klero ay naluoy. Ang The Encyclopedia of Religion ay nagsasabi na “ang teoriya ng ebolusyon ni Darwin ay hindi lamang nagkamit ng pagtanggap kundi ng maugong na pagbunyi,” at na “sa kaniyang kamatayan noong 1883, ang pinakamaalalahanin at marunong magsalitang klero ay nakarating sa konklusyon na ang ebolusyon ay lubusang kasuwato ng naliwanagang pagkaunawa ng kasulatan.”

Ito’y sa kabila ng sumusunod na pag-amin ng The Book of Popular Science: “Kahit na ang pinakamatatag na mga tagapagtaguyod ng doktrina ng organikong ebolusyon ay dapat umamin na may maliwanag na mga pagkakamali at mga agwat sa orihinal na teoriya ni Darwin.” Sinasabi na “karamihan ng orihinal na teoriya ni Darwin ay inayos o iniwaksi,” gayunpaman sinasabi ng aklat na ang “impluwensiya [ng ebolusyon] sa lahat halos ng larangan ng gawain ng tao ay napakalaki. Ang kasaysayan, arkeolohiya at etnolohiya ay nagkaroon ng malaking mga pagbabago dahil sa teoriya ng ebolusyon.”

Sa ngayon, seryosong kinukuwestiyon ng maraming nag-iisip na mga siyentipiko ang teoriya ng ebolusyon. Si Sir Fred Hoyle, nagtatag ng Cambridge Institute of Theoretical Astronomy at kasamang miyembro ng American National Academy of Sciences, ay sumulat mga sampung taon na ang nakalipas: “Para sa akin, natitiyak ko na masusumpungan ng siyentipikong mga mananalaysay sa hinaharap na ito ay misteryoso at na ang isang teoriya na impraktikal ay lubhang pinaniniwalaan.”

Kapansin-pansin kung ano ang ginagawa ng teoriyang ito sa pinakasaligan mismo ng pag-iral ng tao, inaagaw ng ebolusyon ang papuri na karapat-dapat sa Maylikha. Pinasisinungalingan din nito ang pag-aangkin nito na makasiyentipiko at hindi nito binibigyan ng karapat-dapat na kredito ang patuloy na paghahanap ng tao sa siyentipikong kaalaman. Malugod na tinanggap ni Karl Marx ang ebolusyon at ang ‘kaligtasan ng pinakamalakas’ upang itaguyod ang pagbangon ng Komunismo. Subalit ang ebolusyon ay isang kontrabida sa pinakasukdulang diwa.

Sino ang mga Biktima?

Ang sinumang nailigaw na maniwala sa huwad na siyentipikong mga teoriya ay nagiging isang biktima. Ngunit kahit na ang paniniwala sa siyentipikong mga katotohanan ay isa ring panganib. Ang kagila-gilalas na mga pagsulong sa siyensiya na bunga ng siyentipikong pagbabago ay dumaya sa marami na maniwalang sa ngayon ang lahat ng bagay ay abot na ng tao.

Ang paniniwalang ito ay pinasidhi pa habang patuloy na inaagnas ng saloobin na laban sa siyensiya na dati’y pinagyaman ng huwad na relihiyon. Kinilala ng komersiyo at pulitika ang siyensiya bilang isang makapangyarihang kasangkapan na magagamit upang makamit ang kanilang mga tunguhin, ito man ay gantimpalang salapi o pagsasama ng pulitikal na kapangyarihan.

Maliwanag ang pagkakasabi, ang siyensiya ay unti-unting nagiging isang diyos, na nagpangyari sa pagbangon ng siyentismo. Binibigyan ito ng kahulugan ng Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary bilang “isang malabis na pagtitiwala sa kapangyarihan ng mga pamamaraan ng natural na siyensiya na ikinapit sa lahat ng larangan ng pagsusuri.”

Habang ang ika-19 na siglo ay nalalapit sa wakas nito, ang mga tao ay nagtatanong kung ano kaya ang dadalhin ng ika-20 siglo. Maitatatag kaya ng siyensiya ang “tiyak na langit sa lupa” na inaakala ng marami na magagawa nito? O patuloy bang ikakalat ng mga kontrabida ang buhul-buhol na mga katawan ng karagdagang mga biktima sa larangan ng digmaan ng pagbabago? “Mabisang ‘Magic’ ng Ika-20 Siglo,” na lilitaw sa aming susunod na labas, ang sasagot dito.

[Talababa]

a Ang isa sa mga turong iyon ay ang idea ng Fundamentalista na ang “sanlinggo” na paglalang na binabanggit sa Genesis ay isang serye ng literal na 24-oras na mga araw. Ipinakikita ng Bibliya na ang mga ito sa katunayan ay mga yugto ng panahon na umaabot ng libu-libong taon.

[Kahon sa pahina 14]

Sa Paghugot ng Plag

NITO lamang maagang ika-19 na siglo, ang elektrisidad ay itinuring na isang kawili-wiling kababalaghan na may kaunting praktikal na gamit. Gayunman, ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa at sari-saring pinagmulan, kasali na sina H. C. Ørsted (1777-1851), M. Faraday (1791-1867), A. Ampère (1775-1836), at si B. Franklin (1706-90), ay gumawa ng mahahalagang tuklas na salungat dito, sa gayo’y naglalagay ng pundasyon para sa daigdig ng elektrisidad sa ngayon​—isang daigdig na humihinto sa paghugot ng plag.

[Mga larawan sa pahina 15]

Nicolaus Copernicus

Galileo Galilei

[Credit Line]

Mga Larawan ay kinuha mula sa Giordano Bruno and Galilei (Edisyong Aleman)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share