Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 11/8 p. 15
  • Bagong Panlaban sa Malaria

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Panlaban sa Malaria
  • Gumising!—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Kamatayan na Dala ng Maliliit na Pakpak
    Gumising!—1993
  • Balik Na Naman sa Dating Paraan ng Paglaban sa Malarya
    Gumising!—1997
  • Ang mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Malarya
    Gumising!—2015
  • Bakit Nagbabalik ang “May Lunas” na mga Sakit?
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1993
g93 11/8 p. 15

Bagong Panlaban sa Malaria

GAYA NG INIULAT sa Gumising! ng Mayo 8, 1993, bumabalik na naman ang Malaria bilang isang salot sa daigdig. Iniulat ng The New York Times (Marso 23, 1993) na “noong nakaraang taon, nag-ulat ang Brazil ng 560,000 kaso ng malaria.” Taun-taon 8,000 taga-Brazil ang namamatay sa malaria. Ngayon isang imbestigador na taga-Colombia, si Dr. Manuel Elkin Patarroyo, ay nakatuklas ng naiibang paraan​—isang pag-iiniksiyon ng artipisyal na kemikal na nagkakahalaga lamang ng 30 cents para sa tatlong dosis. “Wala pa sa halaga ng isang Coca-Cola [sa Colombia],” sabi ni Dr. Patarroyo. Hanggang sa ngayon ito’y napatunayang epektibo sa mga 67 porsiyento ng mga kasong ginamot. Bagaman hindi isang lubusang sagot sa nakamamatay na malaria, waring ito’y isang malaking hakbang pasulong sa paglaban sa malaria.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share