Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 2/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Sugarol na Pranses
  • Kakaunting Taga-Sweden ang Nagsisimba
  • Nakamamatay na mga Paalaala ng Digmaang Pandaigdig II
  • Walang Pera Upang Magligtas ng Buhay
  • Iba Pang Gamit ng Alak sa Misa
  • Panganib ng Bagong Kolera
  • Ibig ng Hapón ang mga Hihinto sa Paninigarilyo
  • Karahasan sa Lugar ng Trabaho
  • Ang Tumataas na Halaga ng Yen
  • Mas Mabuti ang mga Pagkaing Kosher?
  • Populasyon ng Matatanda sa Australia
  • Labanan sa Pangangalakal—Kung Paano Ka Naaapektuhan Nito
    Gumising!—1987
  • Ano ba ang Masama sa Pagsusugal?
    Gumising!—2002
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1991
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1994
g94 2/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Mga Sugarol na Pranses

Sa kabila ng dumaraming mga walang trabaho at lumulubhang kalagayan sa ekonomiya sa Europa, ang mga Pranses ay gumugugol nang higit kailanman sa pagsusugal at pagtaya sabi ng INSEE (French National Institute of Statistics and Demographic Studies). Mahigit na 70 bilyong franc ang naipusta noong 1992, 16 na porsiyentong kahigitan kaysa nakaraang taon. Para sa marami, ang bunsod na magsugal ay naging napakalakas. “Ito’y pagkasugapa na walang droga,” sabi ng sikayatristang Pranses na si Jean Ades. “Dahil sa mabilis na pagdami ng mga pamamaraan sa pagtaya . . . at ng patuloy na paghugos ng mga mensahe mula sa anunsiyo at ng media na humihimok sa mga tao na pumusta, nasusumpungan ng parami nang paraming tao na sila’y nalululong.” Ang mga sugarol ay nalululong “kapag nagsimula silang pumusta nang higit sa kanilang kaya at nagwawalang-bahala sa kahihinatnan sa pinansiyal sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya dahil sa kanilang ikinikilos,” ulat ng pahayagang Pranses na Le Monde, at ang “pagsusugal ang isa sa pinakamahirap na gamuting uri ng pagkasugapa.” Isang dating sugapa sa droga ang nagsabi: “Mas madaling makaalpas sa droga kaysa pagsusugal.”

Kakaunting Taga-Sweden ang Nagsisimba

Ipinakikita ng isang pagsusuri na isinagawa ng Swedish Institute of Public Opinion Research para sa Iglesya sa Sweden na mahigit na 1,000 katao ang tinanong kung sila’y naniniwala sa Diyos, 47 porsiyento ang sumagot nang oo. Gayunman, ang mga nagsisimba ay hindi nagpapamalas nito. Sa mga kinapanayam, tanging 9 na porsiyento ang regular na nagsisimba. “Ang mga tao ay hindi nagtitipon sa Simbahan hanggang sa kanilang madama na sila’y may inaasahan na doon nila masusumpungan ang kanilang hinahanap,” sabi ni Anders Swärd, pangalawang tagapangulo ng Central Board of the Church of Sweden.

Nakamamatay na mga Paalaala ng Digmaang Pandaigdig II

Halos 50 taon pagkatapos na magwakas ang Digmaang Pandaigdig II, ang lungsod ng Hamburg sa Alemanya ay may taglay pa ring nakamamatay na mga paalaala ng labanan. Iniuulat ng pahayagang Süddeutsche Zeitung na sa 12-buwang yugto na nagtapos noong Hulyo 1993, inalis ng 23 miyembro ng Weapons Disposal Unit ng lungsod ang mahigit na 500 bomba, 2,440 bala, 97 granada, 24 na rocket launcher na pansabog sa tangke, 4 na minang nakabaon na pansabog sa tangke, at 149 na kilo ng hiwa-hiwalay na mga bomba sa lupa at sa tubig sa Hamburg. Ayon sa isang pagtaya, may mahigit pang 2,000 bomba ang nakabaon sa lupa ng lungsod. “Lilipas pa ang dalawang salinlahi upang matuklasan at maalis ang mga ito,” ang ulat ng pahayagan.

Walang Pera Upang Magligtas ng Buhay

Bagaman ang pulmunya at diarrhea ay maaaring gamutin, ang mga ito’y pumapatay nang halos 7.5 milyong bata sa bawat taon, ang ulat ng paglilingkod sa balita na Agence France-Presse. Sa buong mundo, ang mga bata na wala pang limang taon ay nagkaroon ng halos 40 milyong kaso ng pulmunya at mahigit na isang bilyong kaso ng diarrhea. Gayunman, sinabi ni Doktor Ralph Henderson ng WHO (World Health Organization) na ang mga sakit na ito ay “madali at murang gamutin.” Nakalulungkot naman, marami sa programa na isinaplano ng WHO upang masugpo ang dalawang karamdamang ito ay kailangang kanselahin o ipagpaliban nang tuluyan dahil sa mga sagwil sa pinansiyal. Ayon sa WHO, kalahati sa mga kamatayan dahil sa diarrhea at sangkatlo nang dahil sa pulmunya ay maaaring maiwasan kung may pera lamang.

Iba Pang Gamit ng Alak sa Misa

Ipinakikita ng kamakailang mga natuklasan na samantalang halos 10,000,000 litro ng alak ang naipagbibili taun-taon para gamitin sa Misa sa Italya, “ang banal na gamit” ay umuubos lamang ng 1,000,000 litro. Bakit may kulang? Ayon sa isang may kabatiran dito, “ang tradisyunal na palihim na pagsipsip lamang ng acolito at ng sakristan ay makapagpapadoble ng bibilhing alak.” “Ang totoo,” sabi ng Corriere della Sera, “mahigit na makasampung ulit ang dami nito sa mga hapag ng mga obispo, prelado at mga pari.”

Panganib ng Bagong Kolera

Isang bagong uri ng kolera na mabilis na kumakalat sa buong India at Bangladesh at sa Thailand ay maaaring maging sanhi ng ikawalong pandaigdig na epidemyang sakit sapol noong 1817, sabi ng mga opisyal sa kalusugan. Ang mga babala ay ipinagbigay-alam sa mga bansa sa Asia, Aprika, at Latin Amerika. Ang mas naunang mga pagsalakay ng dating uri ay hindi nagbigay ng nagtatagal na imyunidad sa bagong kolerang ito. Karagdagan pa, hindi na natutuklasan ng karaniwang mga pamamaraan ng pagsubok sa laboratoryo ang bagong uring ito, at ang kasalukuyang mga pagbabakuna ay hindi na mabisa laban dito. “Yamang hindi natin masabi kung saan at gaano kabilis kakalat ang bagong organismong ito, ang mga bansa ay kailangang maging laging handa sa pamamagitan ng pananatiling nagbabantay, sa pamamagitan ng pagtiyak sa madaling pagkuha ng gamot at ng paglalaan ng malinis na tubig at sapat na tapunan ng dumi,” sulat ng mga doktor na sina David L. Swerdlow at Allen A. Ries ng Centers for Disease Control, gaya ng iniulat sa The Lancet. Ang ikapitong salot, na nagsimula sa Asia noong 1960, na patuloy pa ring sumasalot, na may mahigit na tatlong milyong kaso at sampu-sampung libong namamatay.

Ibig ng Hapón ang mga Hihinto sa Paninigarilyo

Dahil sa may mahigit na 60 porsiyentong adultong lalaki ang naninigarilyo, higit na maraming naninigarilyo sa Hapón kaysa alinmang iba pang industriyalisadong bansa, ayon sa Mainichi Daily News. Palibhasa’y umaasa na marami ang hihinto, naglabas ng pahayagan ang Ministri ng Kalusugan at Kagalingan na nagbabala na ang paninigarilyo ay nakasisira ng pandinig, nagpapabilis sa pagtanda, at sanhi ng pagkatuyo ng utak, paglutong ng buto, at pagsisilang ng mas maliliit na sanggol. Ang mga sigarilyong mababa ang tar, sabi nito, ay walang-saysay upang maiwasan ang cardiac infarction. Ang mga huminto sa paninigarilyo ay naragdagan ang timbang nang dalawang kilo, subalit hindi ito sanhi ng suliranin sa kalusugan. Natuklasan ng ulat na bagaman 80 porsiyento ng naninigarilyo ang sumubok na ihinto ang bisyo, ang pagbabawas sa dami ng sigarilyong hinihitit araw-araw ay bihirang magtagumpay. Ang pinakamabisang paraan upang huminto ay lubusang itigil ang paninigarilyo, ang sabi ng Ministri, at ang dami ng matagumpay na hihinto ay maaaring madoble kapag ang mga programang sinusubaybayan ng doktor ang ginagamit.

Karahasan sa Lugar ng Trabaho

“Nakakaharap ng mga nars at mga manggagawang nangangalaga ng kalusugan ang karahasan sa trabaho na halos kasinlimit ng mga pulis,” ulat ng The Vancouver Sun. Isinagawa ng propesor sa kriminolohiya na si Neil Boyd ng Simon Fraser University ang isang pagsusuri tungkol sa karahasan sa lugar ng trabaho sa British Columbia, Canada. Natuklasan niya na ang bilang ng panganib para sa mga pulis at mga manggagawang nangangalaga ng kalusugan ay “apat na ulit ang dami kaysa ibang trabaho” at na ang mararahas na pangyayari ay dumami nang 400 porsiyento mula noong 1982. Ang mga pasyente ang “halos gumagawa ng karahasan sa mga manggagawang nangangalaga sa kalusugan,” sabi ng pahayagan, at ang gayong mga gawa ng karahasan ay kalimitang nangyayari kapag “ginigising o pinaliliguan [ng mga manggagawa] ang pasyente.” Tinukoy ng pagsusuri na “ang mga manggagawa sa piitan at kaugnay na mga institusyon, pribadong mga guwardiya, mga tsuper ng taksi at bus at mga despatsadora” ay nakakaharap din ng matinding mga panganib ng karahasan sa lugar ng trabaho.

Ang Tumataas na Halaga ng Yen

“Sa nakalipas na 22 taon, ang yen [ng mga Hapones] ay sumailalim sa pambihirang pagbabago,” sabi ng The Wall Street Journal. “Hindi lamang tumaas ang halaga nito nang 225% kaysa dolyar sa panahong iyon, kundi natamo rin nito ang pandaigdig na kalagayang ipinagkakaloob sa iilang salapi lamang. . . . Upang maintindihan ang mahalagang pagbabago na naganap, pumunta ka lamang sa tindahan ng karpet sa Istanbul, umupa ng isang giya sa Silangang Europa, o bumisita sa isang department store sa Sydney.” Parami nang paraming negosyante sa buong mundo ang tumatanggap sa yen, at ito pa nga ang pinipili ng iba. “Isang bagay ang tiyak, malaki pa ang isusulong ng yen bago nito mahigitan ang dolyar bilang ang pangunahing salapi sa mundo,” sabi ng Journal. Ang dolyar ay “nananatiling ang pinakamalaking reserba ng salapi” at “magagamit sa pinakamaraming uri ng paraan ng pananalapi, at ito’y nananatiling ang pinipiling salapi sa mga black market sa daigdig. Subalit ang yen ay mabilis na nakikilala.”

Mas Mabuti ang mga Pagkaing Kosher?

Mahigit na 20,000 produktong kosher ang masusumpungan sa mga istante sa supermarket sa E.U. at binibili ng marami na hindi relihiyosong mga Judio o debotong mga Muslim (na may katulad na pamantayan sa pagkain). Bakit? Sapagkat “iniuugnay [ng mga tao] ang kataga sa kalinisan at kapakinabangan,” sabi ng Tufts University Diet & Nutrition Letter. “Subalit ang mga batas sa pagkaing kosher, o ‘kashruth,’ ay itinakda upang mapangalagaan hindi ang kalusugan ng katawan kundi ang kaluluwa, wika nga,” at “hindi ibig sabihin na ang karneng dumaan sa mga pagsusuri para sa kosher ay nangangahulugang mas mabuti para sa inyo kaysa hindi kumakain ng karneng kosher.” Sinusuri ng Judiong inspektor ang karne na ito’y nakaaabot sa mga pamantayan ng pagkain mula sa Torah, gaya ng pagpapatulo ng dugo, subalit hindi siya sinanay na sumuring mabuti ng mga tanda ng impeksiyon o sakit na gaya ng ginagawa ng mga inspektor ng pamahalaan. Ni sinusuri man ng inspektor ang pamantayang pangkalinisan ng mga plantang gumagawa gaya ng ginagawa ng mga inspektor ng pamahalaan, subalit karaniwan niyang sinusuri kung ang mga sangkap at mga makina ay nakaaabot sa pamantayan ng kosher, na “walang kinalaman sa kahalagahan ng sustansiya ng pagkain.”

Populasyon ng Matatanda sa Australia

Isinisiwalat ng mga bilang na inilabas kamakailan mula sa sensus sa Australia noong 1991 na ang pinakakapuna-punang pagbabago sa kabuuan ng populasyon ng bansa ay ang dumaraming bilang ng mga taong ang edad ay 65 at mahigit pa. Ipinakikita ng isang paghahambing sa sensus noong 1986 na ang kalakaran ay karaniwan sa lahat ng estado ng Komonwelt. Kapuna-puna, ang “persentahe ng populasyon ng mga batang ang edad ay 15 at wala pa sa edad na iyon ay bumaba mula sa 23.3 porsiyento hanggang sa 22.3,” sabi ng pahayagang The Australian. Ayon sa isang pagsusuri, ang promedyong edad para sa Australiano ay 31 at para sa babae, 33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share