Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 3/8 p. 21-24
  • Moda—Istilo ng Sinaunang Griego

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Moda—Istilo ng Sinaunang Griego
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Ginagawa at Isinusuot ang Panloob na Kasuutan
  • Ano Pa Nga ba ang Isusuot ng Isang Babaing Taga-Atenas?
  • Ang Pagsusuot ng mga Gintong Palamuti
  • Mga Istilo ng Pagtitirintas ng Buhok
  • Ang mga Babaing Ginayakan ang Kanilang mga Sarili
  • Ang Tunay na Kagandahan
  • Damit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kasuotan at Mahabang Damit
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pag-aayos ng Buhok ng mga Babae Noong Panahon ng Roma
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Ang Iyong Pananamit at Pag-aayos—Mahalaga ba Ito sa Diyos?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 3/8 p. 21-24

Moda​—Istilo ng Sinaunang Griego

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA GRESYA

BAKIT kailangang magbigay ng espesipikong payo ang mga Kristiyanong manunulat na sina Pablo at Pedro tungkol sa pananamit ng kababaihan noong unang siglo? Halimbawa, si Pablo ay sumulat: “Nais kong gayakan ng mga babae ang kanilang mga sarili ng damit na mabuti ang pagkakaayos, na may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip, hindi ng mga estilo ng pagtitirintas ng buhok at ginto o mga perlas o napakamamahaling kagayakan.” (1 Timoteo 2:9) Gayundin naman, kinailangang banggitin ni Pedro ang tungkol sa “panlabas na pagtitirintas ng buhok,” “ang pagsusuot ng mga gintong palamuti,” at “ang pagbibihis ng mga panlabas na kasuutan.”​—1 Pedro 3:3.

Sila’y sumusulat sa mga Kristiyano na namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kulturang Hellenistiko, na tuwirang nagmula sa sinaunang klasikal na sibilisasyong Griego. Mayroon nga ba talagang moda sa sinaunang Gresya? Kapag naiisip ng marami ang tungkol sa isang karaniwang sinaunang Griego, malamang na kanilang maguniguni siya na nakasuot ng usong khi·tonʹ, o túniká​—ang tulad gawn na damit—​anuman ang yugto ng panahon o kasarian o ang pinagmulang lugar ng nagsusuot.a Tama ba ang hitsurang iyan? Hindi!

Kung Paano Ginagawa at Isinusuot ang Panloob na Kasuutan

Isinisiwalat ng malapitang pagsusuri sa mga estatuwa, pinintahang seramiko, at klasikal na mga akda na ang sinaunang Griegong kasuutan ay higit pa sa mahahabang puting bata. Ang mga istilo, tela, kulay, at mga disenyo, gayundin ang mga palamuti, ay iba’t iba at sari-sari. Ang kababaihan lalo na ang naglalagay ng pagkarami-raming mapanlikhang mga gamit upang mapaganda ang kanilang hitsura.

Magugunita ng mga nakabasa ng epikong tula na Odyssey ng sinaunang Griegong makata na si Homer, kung saan inilarawan ang sampung taóng paglalagalag ng magiting na lalaki ng mitolohiya na si Odysseus, na habang naghihintay sa kaniyang pagbabalik, si Penelope, ang kabiyak ng bida, ay patuloy na naghahabi at nagkakalas ng iyon at iyon ding damit sa buong mga taon na iyon. Makailang ulit na tinukoy ni Homer ang kasuutan, nagsasabi na ang paggawa ng damit ang isa sa pangunahing gawaing bahay ng babae mula pa nang sinaunang panahon.

Pagkatapos na mahabi ang damit, tinatabas ito upang gawing khi·tonʹ​—isang linen, at nang maglaon kung minsan ay yari sa lana, tulad-kamisetang piraso ng kasuutan—​na bumubuo sa pangunahing kasuutan kapuwa ng mga lalaki at babae. Noong Sinaunang panahon (mga 630 hanggang 480 B.C.E.), ang khi·tonʹ ng isang babae (tinatawag noon na e·sthesʹ) ay binubuo ng simpleng piraso ng tela na ang lapad ay halos kasintaas ng babae at ang haba ay dalawang ulit ng kaniyang dipa. (Ihambing ang Juan 19:23; Gawa 10:30, The Kingdom Interlinear.) Ang khi·tonʹ ay kinakabitan ng mga alpiler, na dati’y yari sa mga buto ng binti ng maliliit na hayop at nang maglaon ay yari sa metal. Ito’y bukás sa magkabilang tabi, tinatalian ng paha sa baywang at sa gayo’y nagmumukhang dalawang magkahiwalay na piraso ng mga damit.

Di-nagtagal, sa unang bahagi ng ikaanim na dantaon B.C.E., ang Ionian na khi·tonʹ ay lumitaw na mas mukhang damit kaysa isang túniká, na nakatahi sa magkabilang tabi at hindi nakalupi sa itaas, at kaya naman, mas matipid sa gamit nito ng materyal. Dahil sa hindi na puro puti, ang tela kung minsan ay may mahahaba at makikitid na guhit na may iba’t ibang kulay, o dinaragdagan ng mga palawit. Ang matingkad na kulay dalandan at pula ay kabilang sa paboritong mga kulay na ginagamit. Noong panahong Hellenistiko, ang impluwensiya ng Asia ay nagdala ng bagong matitingkad na kulay, gaya ng rosas, asul, lila at dilaw. Ang ibang mga materyal, na pinalamutian ng kulay gintong sinulid o binurdahan ng mga bulaklak, ay pangunahin nang nakalaan para sa mga estatuwa ng mga diyos o para sa mga aktor na gumaganap sa kanila.

Ano Pa Nga ba ang Isusuot ng Isang Babaing Taga-Atenas?

Walang babaing taga-Atenas na may paggalang-sa-sarili ang aalis ng kaniyang bahay nang hindi nagsusuot ng kaniyang hi·maʹti·on, o kapa. Ang parihaba na piraso ng tela na ito ay maisusuot sa iba’t ibang paraan​—mailalagay sa balikat na gaya ng balabal, maisasampay sa kanang balikat at maipapalupot sa kaliwang bisig, o maitatalukbong sa ulo bilang pananggalang sa araw. Ang mga kapa ay makukuha rin sa iba’t ibang laki, ang mas malalaki ay para sa taglamig na ginagawang parang balabal. Ang hi·maʹti·on ay kalimitang may palamuti sa mga gilid, at ang paglulupi at paglalaylay nito sa paraan na ang mga lupi ay magmumukhang mga pleat ay nangangailangan ng mabuting kasanayan.

Ang kyʹpas·sis, isang uri ng maikling diyaket na nakabutones sa harapan, kung minsan ang isinusuot sa halip na ang hi·maʹti·on. Walang mga sumbrero, gaya ng alam natin sa ngayon, na suot ng kababaihan, bagaman sa napakainit na araw, ang ski·aʹdeion, o pananggalang sa araw, ay maaaring dalhin. Ang mayayamang Griegong babae ay kalimitang nagsusuot ng peʹplos, o kasuutang lana. Ang Griegong Kasulatan ay naglalaman din ng isang pagtukoy sa “panakip sa ulo” (Griego, pe·ri·boʹlai·on) sa mga sulat ni Pablo.​—1 Corinto 11:15.

Sa loob ng bahay, ang mga sapatos ay hindi karaniwang isinusuot ng sinaunang mga Griego, at kung minsan maging sa labas ng bahay. Ayon sa makatang si Hesiod, ang mga taganayon ay nagsusuot ng mga sandalyas na yari sa balat ng baka na nasasapnan ng telang lana o koton. Ang maliliit na babae kung minsan ay nagsusuot ng mga sapatos na may matataas na suwelas na tapón upang magmukhang matangkad.

Ang Pagsusuot ng mga Gintong Palamuti

Ang mga palamuti na yari sa mga pohas ng ginto na ginayakan ng mga larawang relief (nakaumbok na larawan), pangunahin na ng mga hayop at halaman, ay napakakaraniwan. Ang iba pang popular na mga palamuti ay uwang at scaraboid (hiyas na maumbok ngunit di tulad ng uwang), na karaniwang nakaenggaste sa naiikot na mga singsing. Ang mga pulseras​—kung minsan ay tinatawag na oʹphis (serpiyente) o draʹkon (dragon)​—ay ang paboritong mga alahas.

Natuklasan sa mga paghuhukay ang mga diadema, medalyon, kuwintas, palawit, singsing, at iba pang mga palamuti. Ang gayong mga bagay para sa personal na kagayakan ay karaniwang yari sa ginto, bakal, at tanso at bihira na yari sa pilak, samantalang ang mga abaloryo ay yari sa kristal o medyo mahahalagang bato.

Ang mga hikaw ay popular din. Kung minsan ang mga ito’y panlabas na sagisag ng karangalan, tanda ng kapangyarihan, o marangyang pagpaparangal ng materyal na kasaganaan. Karaniwang pinabubutasan ng mga batang babae ang kanilang mga tainga sa maagang edad.

Mga Istilo ng Pagtitirintas ng Buhok

Ang mga istilo ng buhok ay marami at sarisari sa sinaunang Gresya. Ang isa sa pinakapopular ay may hati sa gitna na nakatali ang buhok sa likuran ng may kulay na laso. Inaayos ng ilang babae ang kanilang buhok na nakapusod sa tuktok ng kanilang ulo. Nag-aayos naman ang iba na may maikli, tuwid na nakalawit na buhok sa kanilang noo. Kung minsan ang mga laso ay nakatali sa palibot ng noo at pinapalamutian ng maliit na metal na butones sa harapan. Ang bakal na pangkulot ay ginamit noon upang magawa ang pansamantalang mga kulot. Mapapansin din na sa sinaunang Atenas maraming babae ang nagkukulay ng kanilang buhok. Binatikos ng manunulat ng retorika na si Lucian ang kahangalan ng kababaihan na gumagamit ng “mga makina” upang kulutin ang kanilang buhok at naglulustay ng kita ng kanilang mga asawa para lamang sa Arabeng pangkulay sa buhok.

Ang popular na istilo ng buhok na iniaayos ng mayayamang sinaunang Griegong mga babae ay napakagarbo at umuubos nang napakahabang panahon. Ang gayong mga istilo ng buhok ay ginugugulan ng maraming mahahabang oras ng paghahanda ng tagapagpaganda at napakamahal, at ang mga ito’y lubos na mapasikat, nakatatawag pansin sa nakaayos nito.

Ang mga Babaing Ginayakan ang Kanilang mga Sarili

Ang paggamit ng makeup ay isa pang kaugalian ng mga taga-Silangan na dinala sa Gresya ng mga mangangalakal at mga naglalakbay. Noong ikalimang dantaon B.C.E., ang mga babaing taga-Atenas ay gumagamit ng tingga upang paputiin ang kanilang mga mukha. Ang mga labi ay pinapupula, at ang kolorete, na galing alin man sa damong-dagat o mula sa mga ugat ng halaman, ang ginagamit. Ang mga kilay ay pinakakapal sa pamamagitan ng uling, at ang mga talukap ng mata ay pinaiitim ng kohl (gaya ng pinulbos na antimony sulfide), samantalang ang mascara (inilalagay sa pilikmata) ay gawa mula sa dumi ng mga baka o mula sa pinaghalong puti ng itlog at kola.

Ang pagsusuri ng arkeolohiya sa sinaunang mga palasyo, sementeryo, at maliliit na nayon sa Gresya ang nagsiwalat sa pagkarami-raming mga bagay na may kaugnayan sa pagpapaganda ng mga babae. Ang napakaraming pagkasari-sari ng mga instrumento at mga kasangkapan ay naglalakip ng mga salamin, suklay, hugis kawit na mga pin, eleganteng maliliit na kutsilyo, pang-ipit sa buhok, pang-ahit, at maliliit na lalagyan ng pabango, krema, at mga pangkulay.

Ang Tunay na Kagandahan

Sa pangkalahatan, sa kabila ng mga pangungutya ng sinaunang Griegong mga manunulat ng satiriko, ang pagiging sunod sa moda ay labis na hinahangaang katangian ng isang babae at isang bagay na pinagbubuhusan ng isang sinaunang babaing Griego ng labis na panahon, pagod, pangangalaga, at pansin.

Para sa Kristiyanong babae, madali nitong malaluan ang pagpapahalaga na dapat ilaan sa espirituwal na mga katangian. Iyan ang dahilan kung bakit ang apostol na si Pedro ay makatuwirang nagdiin na ang pinakamaganda at pinakamahalagang kasuutang maibibihis ng isang babae ay “ang lihim na pagkatao ng puso sa walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu, na may napakalaking halaga sa mga mata ng Diyos.” (1 Pedro 3:3, 4) Sinumang babae na nakasuot ng istilong iyan ng personal na panloob na kagayakan, lakip na ang kalinisan, mahinhing pananamit, ay laging magandang nakabihis, sa isang ganap at walang kupas na kausuhan. Ganito ang sulat ni Pablo kay Timoteo: “Nais kong gayakan ng mga babae ang kanilang mga sarili ng damit na mabuti ang pagkakaayos, na may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip, hindi ng mga estilo ng pagtitirintas ng buhok at ginto o mga perlas o napakamamahaling kagayakan, kundi sa paraan na naaangkop sa mga babae na nag-aangking nagpipitagan sa Diyos, alalaong baga, sa pamamagitan ng mabubuting gawa.”​—1 Timoteo 2:9, 10.

[Mga talababa]

a Ang khi·tonʹ ay binanggit nang 11 ulit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan at isinalin bilang “panloob na kasuutan” at “pang-ilalim na kasuutan” sa Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Tingnan ang Expository Dictionary of New Testament Words ni W. E. Vine, Tomo 1, pahina 198, sa ilalim ng “Clothing.”

[Kahon sa pahina 24]

Mga Palamuti at Relihiyon

Kalimitan ang mga larawan na masusumpungan sa sinaunang Griegong mga palamuti ay may relihiyosong kalikasan. Ang ilan ay mga medalyon na naglalarawan ng iba’t ibang diyos at mga diyosa, gaya ni Artemis, at ng mga makapangyarihang diyos, gaya ni Hercules. Ang napakakaraniwang mga kaloob na iniaalay sa mga banal na dako sa buong Gresya ay mga palamuti na may halong relihiyosong ritwal na mga tagpo. Bilang paglalarawan sa paganong paniniwala na ang kaluluwang tao ay patuloy na nabubuhay pagkamatay ng katawan, maraming maadornong palamuti ang inilalagay sa mga libingan kasama ng patay.

[Mga larawan sa pahina 23]

Kaliwa: Ang Parthenon, isang templo na nakaalay sa diyosang si Atena

Itaas: Gintong medalyon na may busto ni Artemis

Kanan: Isang babaing nakabihis ng isang “hi·maʹti·on”

Ibabang kanan: Gintong diadema

Dulong kaliwa: Isang diyosa na nakagayak ng “khi·tonʹ” at ng “hi·maʹti·on”

Kaliwa: Gintong mga pulseras na ang dulo ay mga ulo ng ahas

[Credit Lines]

Kanang itaas: Museo ng Acropolis, Gresya

Lahat ng iba pang larawan: National Archaeological Museum, Atenas

[Picture Credit Line sa pahina 22]

Acropolis, Atenas, Gresya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share