Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 4/8 p. 31
  • Ang Sinturon na Nagliligtas ng Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Sinturon na Nagliligtas ng Buhay
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Ikabit ang Sinturon Para sa Kaligtasan
    Gumising!—1998
  • Kung Paano Maiiwasan ang mga Aksidente sa Pagmamaneho
    Gumising!—2011
  • Ligtas ba ang Inyong Anak?
    Gumising!—2001
  • Sinturon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 4/8 p. 31

Ang Sinturon na Nagliligtas ng Buhay

“ANG paggamit ng sinturong-pangkaligtasan (safety-belt) ay isa sa pinakamabisang paraan upang bawasan ang bilang at kalubhaan ng mga pinsala sa mga banggaan ng sasakyan,” sabi ng Morbidity and Mortality Weekly Report (MMWR). Ayon sa isang pag-aaral, ang panganib na mamatay sa isang aksidente ng kotse ay nabawasan ng 43 porsiyento kapag wastong ginagamit ng mga pasahero ang mga sinturong pangkaligtasan. Ang panganib sa malubhang pinsala ay nabawasan ng halos 50 porsiyento.

Ang batas tungkol sa paggamit-ng-sinturong-pangkaligtasan ay unang pinagtibay ng pamahalaan ng Australia noong 1970. Ngayon mga 35 bansa ang humihiling ng paggamit ng sinturong-pangkaligtasan. Ang mga lumalabag ay kadalasang nagmumulta at sa ilang kaso ay nanganganib pa nga na masuspende sa kanilang pagmamaneho. Ang ilang pamahalaan ay nagtibay ng mga batas na humihiling na ang bawat pasahero sa lahat ng upuan (kapuwa sa unahan at likurang upuan) ay magsuot ng mga sinturong pangkaligtasan.

Ang MMWR ay nag-uulat na “tinatayang 300,000 katao ang namamatay at 10-15 milyon katao ang nasusugatan sa bawat taon sa mga banggaan sa trapiko sa buong daigdig.” Ang mga bilang na ito ay maaari sanang nabawasan nang husto kung ang lahat ng mga taong iyon ay gumamit ng mga sinturong pangkaligtasan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share