Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 1/8 p. 31
  • Ikabit ang Sinturon Para sa Kaligtasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikabit ang Sinturon Para sa Kaligtasan
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Maiiwasan ang mga Aksidente sa Pagmamaneho
    Gumising!—2011
  • Ligtas ba ang Inyong Anak?
    Gumising!—2001
  • Ang Sinturon na Nagliligtas ng Buhay
    Gumising!—1995
  • Linangin ang Ligtas na mga Pag-uugali sa Pagmamaneho
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 1/8 p. 31

Ikabit ang Sinturon Para sa Kaligtasan

◼ Sa Estados Unidos, ang nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga kabataan mula sa edad 5 hanggang 24 ay ang pagbabanggaan ng sasakyan.

◼ Sa Hapón, mahigit sa dalawang ulit ang dami ng namamatay sa mga aksidente sa daan kaysa sa kanser sa suso at pumapatay sa mga tao nang makaapat na ulit ang dami kaysa sa kanser sa prostate.

◼ Sa Europa, makaapat na ulit ang dami ng mga taong namamatay sa aksidente sa kotse kaysa sa pagpaslang.

ANG nakababahalang estadistikang ito ay nagtatampok ng isa sa kaakibat na panganib ng paglalakbay sa pamamagitan ng awto​—ang pagpapatulin ay nakamamatay. At ang pagpapatulin kung nakainom ay pumapatay. Salamat na lamang, ang panganib ng aksidente ay maaari namang mabawasan. Paano ito nagiging posible?

Ang paglinang ng ligtas na mga paggawi sa pagmamaneho ay isang mabuting pasimula. Sinasabi ng ilang eksperto sa pangkaligtasan na 9 sa 10 aksidente ang napigilan sana o naiwasan. Ang paglampas sa itinakdang tulin, pagpapalipat-lipat sa linya upang makalusot, ang pagtutok, ang pagmamaneho habang naiimpluwensiyahan ng droga o alkohol, at ang pagmamaneho ng isang di-namamantining sasakyan ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mapanganib na asal sa pagmamaneho. Ang paggalang sa buhay at pag-ibig sa ating kapuwa ay dapat na siyang mag-udyok sa atin upang magkaroon ng isang maingat at responsableng saloobin sa paggamit ng sasakyan.​—Mateo 7:12.

Ang mga sinturong pangkaligtasan ay isa pang simple, subalit karaniwan nang nakaliligtaan, na paraan ng pag-iingat. Ayon kay Tim Hurd, tagapagsalita para sa U.S. Department of Transportation, “ang sinturong pangkaligtasan ang pinakaepektibong paraan ng pagliligtas ng iyong buhay sa isang banggaan. Nadodoble nito ang kalamangan na makaligtas.” Para sa pinakabatang pasahero, makatatlong ulit ang dami ng nakaliligtas kung ang gamit nila’y mga pinasadyang upuan ng bata para sa kaligtasan.a

Sa kabila nito, ipinahihiwatig ng surbey na halos sang-katlo ng mga pasahero sa mga sasakyan sa Estados Unidos ay hindi gumagamit ng sinturong pangkaligtasan. Bilang isang magulang, tinitiyak mo ba na ang iyong mga anak ay ligtas na nakatali sa kanilang mga upuan bago magpaandar ng sasakyan? Ang panahong ginagamit sa pagkakabit ng sinturon ay may malaking pakinabang.

[Talababa]

a Ganito ang rekomendasyon ng The National Highway Traffic Safety Administration: “Ang mga batang nakaupo sa pasadyang upuang nakaharap sa likod ay hindi dapat ilagay sa unahang upuan ng pasahero ng mga kotse na may mga air bag. Ang salpok ng pagkalas ng air bag na tatama sa pasadyang upuan ng bata na nakaharap sa likod ay makapipinsala sa bata.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share