Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 4/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Naiibang Planeta
  • Telebisyon o Pahayagan Para sa Tumpak na Balita?
  • Magulang/Anak na Relasyon?
  • Dumarami ang Nagpapa-cesarean
  • Pagsisikap na Magpakitang-tao
  • Ano ang Nagpapangyaring Maging Tanyag ang mga Guro?
  • Di-nasusubaybayang mga Bata
  • Nagpapahiwatig ang Ating Basura
  • “Di-kapaki-pakinabang” na Bakuna sa AIDS
  • Kailangan ang Patnubay ng mga Magulang
  • Ina sa Gulang na 62
  • Ang Tambak ng Basura—Tatabunan ba Tayo Nito?
    Gumising!—1990
  • Ang mga Susi sa Isang Mabuting Edukasyon
    Gumising!—1995
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1998
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 4/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Isang Naiibang Planeta

Matagal nang pinag-iisipan ng mga siyentipiko ang tungkol sa posibilidad na ang buhay ay umiiral sa ibang planeta. Ipinalalagay na ang mga kalagayan na gumagawang posible sa buhay sa lupa ay umiiral din kung saanman sa gitna ng daan-daang bilyong galaksi sa sansinukob. Gayunman, ang magasing Pranses na Le Nouvel Observateur ay nagsasabi na ngayon ay paliwanag nang paliwanag na “napakaraming makahimalang mga pangyayari ang naunang naganap bago ang paglitaw ng tao sa lupa” at na ang pinakahuling natuklasan may kinalaman sa sansinukob at sa lupa mismo “ay napakalaki ang nabawas sa probabilidad, na napakaliit na nga, na ang gayunding proseso ay maaaring naganap saanman.” Nagkokomento sa halos matematikal na pagkaimposible ng magkahawig na mga kalagayan na umiiral sa ibang planeta, ang magasin ay nagsasabi na ang mga siyentipiko ay nakatitiyak na ang buhay ay umiiral kahit paano sa isang planeta​—sa atin.

Telebisyon o Pahayagan Para sa Tumpak na Balita?

Sa Australia, ang balita sa telebisyon ay nawawalan ng kredibilidad samantalang ang pahayagan ang nagtatamo nito. Ayon sa pagsusuri sa media na inilathala sa The Australian, “lubhang naisakripisyo ng telebisyon ang katumpakan, pagkamaaasahan at pagiging makatuwiran nito sa paksa dahil lamang sa paghahangad ng isang ‘mabuting balita.’” Halimbawa, ang ilang balita sa TV ay pinasisidhi ng lumang natatagong mga tape upang gawing higit na nakagugulat ang salaysay. Sa 500 salaysay ng balita na sinuri, 260 ang gumamit ng file footage, ayon sa natuklasan ng pagsusuri. Kung ang isang pag-uulat ng balita sa TV ay nagsasangkot ng mga natatagong tape, karaniwang inaasahan ng mga tao na ito ay kikilalanin, subalit hindi ito ang laging ginagawa. Ganito ang sabi ng ulat: “Ang pananaliksik ng Ray Morgan Research Centre . . . ay nagpapakita na ang dami ng mga tao na naniniwala na ang telebisyon ang pinakamabuting kasangkapan para sa ‘tumpak at maaasahang balita’ ay nabawasan ng mahigit na 12 puntong porsiyento, mula sa pinakamataas na bilang na 53.7 porsiyento noong 1986 hanggang 41.5 porsiyento” noong 1993.

Magulang/Anak na Relasyon?

Dapat bang pakitunguhan ng mga magulang ang kanilang mga anak bilang mga kaedad? Ang tagapagturo na si Lisandre Maria Castello Branco ng São Paulo University ay nagsasabi nang ganito sa pahayagang O Estado de S. Paulo sa Brazil: “Ang mga magulang ay hindi kailanman kapantay ng kanilang mga anak, at kailangang ito’y maging malinaw. . . . Kapag walang gumaganap sa dako ng awtoridad, ang kabataan ay napababayaan, isang ulila. Ang isang bata ay laging umaasa sa pananagutan ng kaniyang mga magulang bilang isang adulto na siyang bumabalikat ng pananagutan na magturo sa isang tao.”

Dumarami ang Nagpapa-cesarean

“Sampung libong gynecologist ang umaakusa sa Italya: napakaraming operasyong cesarean,” ulat ng pahayagan sa Roma na Il Messaggero. Tungkol sa bilang ng mga isinisilang sa pamamagitan ng cesarean, nangunguna ang Italya sa Europa at ikatlo sa mundo, kasunod ng Estados Unidos at Brazil. Sapol noong 1980, nadoble ang nagpapa-cesarean sa Italya; ngayon halos 1 bata sa 4 ang isinisilang sa pamamagitan ng cesarean. Bakit dumarami? Ayon sa Il Messaggero, may dalawang dahilan bukod pa sa medikal na mga dahilan: Ibig iwasan ng mga babae ang masakit na panganganak, at mas pinipili ng mga doktor, na natatakot sa hakbang ng korte, ang di-gaanong mapanganib na pamamaraan. Gayunman, bagaman ang pagpapa-cesarean ay matagal nang itinuturing na ligtas, maraming doktor ang naniniwala na ang mga ito’y malimit na gamitin at hindi laging para sa mabuting dahilan. Si Carlo Signorelli, ng La Sapienza University, sa Roma, ay nagsabi: “Walang lumilitaw na anumang kaugnayan sa pagitan ng mga cesarean at pagkamatay sa pagsilang.” At si Luciano Movicelli, ng S. Orsola Hospital, Bologna, ay nagsabi: “Ang paniniwala na ang cesarean ay katumbas ng pagiging ligtas ay dapat na ipawalang-saysay sapagkat ito’y lubusang hindi totoo.”

Pagsisikap na Magpakitang-tao

Ano ang gagawin ng isang lalaking Hapones kapag wala siya gaanong mga kamag-anak o kaibigan upang magpakitang-tao sa mga kasal at libing? Ang sagot: Umupa ng mga kamag-anak. Ang nobya at nobyo ay karaniwang kapuwa nag-aanyaya ng parehong bilang ng mga panauhin. Gayunman, kung ang dalawang grupo ay hindi magkapareho ng bilang o alin sa dalawa ang napakakaunti upang gumawa ng angkop na impresyon, ang nobya o nobyo ay maaaring palihim na tatawag sa mga paglilingkuran ng benriya, literal na nangangahulugang “kapaki-pakinabang na mga tao.” Ang benriya ang halos gumagawa ng anumang gawain, kalakip na ang paghalili sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Sa kalagayan ng mga libing, sila’y hindi inuupahan bilang propesyonal na mga namimighati subalit bilang mga kahalili upang hindi matuklasan ng mga kapitbahay, halimbawa, na ang mga katrabaho ng yumao ay hindi makararating. Ang may-ari ng kompaniya ng benriya ay iniulat ng Mainichi Daily News na nagsasabi na sa libing ng isang ehekutibo ng kompaniya na kaniyang dinaluhan, halos 60 sa 100 katao na naroon ay mga benriya. “Ang pamilya ay maaaring tumawag sa 3 o 4 na kompaniya ng benriya,” aniya.

Ano ang Nagpapangyaring Maging Tanyag ang mga Guro?

“Bagaman maraming bata ang kalimitang angal nang angal tungkol sa paaralan, karamihan sa kanila ay may paboritong guro,” ulat ng pahayagan sa Alemanya na Nassauische Neue Presse. Sa katunayan, 91 porsiyento ng mga batang babae at 83 porsiyento ng mga batang lalaki ang may paboritong guro. Sinikap alamin ng isang surbey sa 2,080 estudyante sa pagitan ng 7 at 16 na taóng gulang kung anong mga katangian ang nagpapangyari sa mga guro na maging tanyag sa kanilang mga estudyante. Maaaring makagulat sa marami na “ang isang guro na nagbibigay ng kaunting gawaing-bahay ay hindi nangangahulugang paborito.” Mas mahalaga na walang-kinikilingan ang isang guro, mapagpatawa, at ginagawang kawili-wili ang mga aralin. Higit pa, pinahahalagahan ng mga estudyante ang mga guro na mahusay na nakapagpapaliwanag ng mga bagay, mahinahon, at nagpapakita ng pag-unawa.

Di-nasusubaybayang mga Bata

Parami nang paraming mga magulang na Australiano ang nag-iiwan sa kanilang maliliit na anak na nag-iisa sa bahay para pangalagaan ang kanilang mga sarili samantalang ang mga magulang ay nagtatrabaho o abala sa ibang gawain. Ang nakababahalang kausuhang ito ay lalo nang nahayag sapol ng pagkatatag ng pambansang telephone hotline para sa mga bata. Ito ngayon ay tumatanggap ng halos 35,000 tawag sa isang linggo mula sa naliligalig na mga kabataan. Ayon sa The Sunday Telegraph ng Sydney, ganito ang sabi ng direktor ng linya para sa tulong: “Mayroon kaming sunud-sunod na tawag ng mga bata na totoong malaki ang problema​—mga bata na iniwang walang pagkain o anumang pangangalaga ng magulang.” Ganito ang komento ng pahayagan: “[Ito] ay isang pagsasakdal sa makabagong pamilya gaya ng alam natin.” Sa katunayan, ang ilan sa mga batang ito ay napakaliliit pa; ang isang tumawag sa emergency line ay isang takót na apat-na-taóng-gulang na batang babae.

Nagpapahiwatig ang Ating Basura

Ano ba ang isinisiwalat ng ating basura? Sinasabi nito sa atin kung ano ang paraan ng paggawi ng tao na ating sinusunod. Isinisiwalat ng basura kung ano ang ating kinukunsumo at kung ano ang ating inaaksaya. “Ang mga taong namumuhay sa pangkaraniwan, rutin na buhay ay di-gaanong nag-aaksaya, sapagkat ang binibili lamang nila ay yaong kailangan nila at ginagamit nila ang kanilang binibili,” sabi ng The Toronto Star. Nakagugulat naman, kapag nagkakaubusan sa isang bagay, “ang mga tao, balintuna nga, ay higit na nag-aaksaya kaysa kapag maraming makukuha,” sabi pa ng Star. Bakit ganito? Sapagkat ang mga tao ay nag-iimbak. Sila’y namimili nang higit sa kanilang kailangan at pagkatapos ay nagtatapon ng hindi nila ginagamit. Ang mga hot dog​—napakaraming hot dog​—ang pinakakaraniwang pagkain na masusumpungan sa basurahan. Ang papel, santambak na papel, lalo na ang newsprint, ang humahantong sa mga tambakan. Ang panahon ng computer ang nakaragdag pa, hindi bumawas, ng papel sa ating tuyong basura. Ang panlahat na mensahe ng ating basura ay na tayo’y nabubuhay sa isang lipunang maaksaya.

“Di-kapaki-pakinabang” na Bakuna sa AIDS

Ang direktor ng World Health Organization sa pananaliksik at pagpapaunlad, na si Dr. Piot, ang nagpahayag na ang mga pagsasaalang-alang sa kabuhayan ang nagpangyari sa ilang parmasiyutikong mga laboratoryo na tumigil sa kanilang pananaliksik para sa isang bakuna sa AIDS sa kapakinabangan ng mga gamot para gamutin ang mga pasyente ng AIDS. Iniulat na ikinatatakot ng mga laboratoryo na kung makagawa ng mabisang bakuna sa AIDS, ang panggigipit ng pamahalaan ang pipilit sa kanila na ipagkaloob ang produkto sa publiko, magiging kakaunti ang kikitain.

Kailangan ang Patnubay ng mga Magulang

Dahil sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng mga computer, ang mga bata ay kalimitang nakapupulot ng mga mensahe na punô ng seksuwal na pahiwatig o tahasang mungkahi. Sila’y maaaring makipag-usap sa mga binabae at mga homoseksuwal. Natututuhan nilang gumawa ng mga bomba, kung paano magnakaw ng mga numero sa credit-card, at kung paano makapasok sa ibang sistema ng computer at makagawa ng mga paglabag. Ang ilang laro sa computer ay bumibighani sa mga bata sa walang katapusang paghiwalay mula sa katotohanan, at ang ilang bata ay nahuhumaling sa mga ito. Ang ilan ay nagsasabi na “ang solusyon ay nakasalalay sa pinakakinatatakutang atas: ang pagtuturo ng prinsipyo,” sabi ng The Washington Post National Weekly Edition.

Ina sa Gulang na 62

Sa edad na 62, isang babae na taga-Italya ang nagsilang ng isang bata. Ang mag-ina, ang batang lalaki ay tumitimbang nang 3 kilo at 270 gramo, ay nasa mabuting kalagayan. Kalakip ng mga pagbati sa maligayang okasyong iyon, ang kaso ay naging sanhi rin ng kaguluhan sa larangan ng etika. Bakit? Ang ina ay nagdalang-tao sa pamamagitan ng artificial insemination. “Batid ko na ang kasong ito’y lilikha ng usapin,” sabi ni Propesor Severino Antinori, ang gynecologist na tumulong sa panganganak, “subalit dapat na isaalang-alang ito bilang isang di-pangkaraniwang bagay.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share