Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 11/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Masiyahan sa Jogging—Ngunit Mag-ingat sa mga Panganib!
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Pangongolekta ng Selyo—Kawili-wiling Libangan at Malaking Negosyo
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 11/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Iniligtas ng Gumising! Mga ilang taon na ang nakalipas (Mayo 8, 1984) iminungkahi ng Gumising! na pag-usapan ng bawat pamilya kung ano ang dapat gawin kung sakaling magkasunog at magkaroon ng regular na pagsasanay para sa sunog. Sinunod naming mag-asawa ang payong ito. Noong Enero nang taóng ito, nagkaroon kami ng pagkakataon na isagawa ang aming mga plano nang magising ako at masumpungan ko na ang pinakaibaba ng aming bahay ay naglalagablab. Ginawa namin ang gaya ng aming inensayo at nakaligtas kami. Gayon na lamang ang pasasalamat ko sa artikulo ng Gumising!

G. E., Alemanya

Mga Saksi Lamang ang Neutral? Ganito ang sabi ng inyong labas ng Mayo 8, 1995 (“Hindi Na Ito Lihim”): “Ang mga Saksi ni Jehova lamang ang nakapanatili ng kanilang neutralidad at tumanggi nang mag-aral o magsagawa ng pakikipagdigma.” Noong Digmaang Pandaigdig II, mula sa 11,996 na lalaki na tumangging makipagdigma, 940 lamang ang mga Saksi ni Jehova. Ako mismo’y tumangging maglingkod sa hukbong militar. Ang salitang “lamang” sa inyong sinabi ay ginamit upang magbigay ng maling idea na para bang ang mga Saksi ni Jehova lamang ang nanindigan sa paniniwalang ito.

P. B., Estados Unidos

Batid namin na ang ilang indibiduwal ay tumangging makisali sa digmaan, at binigyang-pansin namin ito sa aming mga publikasyon. (Tingnan ang “Gumising!” ng Setyembre 8, 1987, pahina 7.) Gayunman, ang pinag-aalinlanganang pangungusap ay pantanging tumutukoy sa pagkabigo ng “mga mananampalatayang Katoliko at Ortodokso” na mapanatili ang kanilang neutralidad sa Rwanda, Liberia, Balkan, at iba pang lugar na may pag-aalitan kamakailan. Sa gitna ng mga relihiyosong organisasyon, ang mga Saksi ni Jehova lamang ang hindi nagbago sa kanilang neutral na paninindigan.​—ED.

Mga Seminar sa Ospital Maraming salamat sa artikulo na “Mga Seminar Upang Pagbutihin ang Relasyon ng mga Doktor at ng mga Saksi ni Jehova.” (Marso 22, 1995) Ako’y nagpapasalamat sa Hospital Liaison Committee. Ako’y 81 taóng gulang, at ako’y nabalian ng balakang at balikat nang ako’y malayo sa amin. Ang lokal na Komite ay nasa ospital 30 minuto bago ako dumating. Yamang wala akong kamag-anak sa lugar na iyon, isa sa mga kapatid ang nagbabantay sa akin sa buong panahon ng operasyon. Anong laking ginhawa! Ang kaayusan ng HLC ay tunay na isang pagpapala mula kay Jehova.

A. W., Estados Unidos

Mga Panganib ng Pagjo-jogging Ako’y palaging tumatakbo. Dahil sa inyong artikulo na “Masiyahan sa Jogging​—Ngunit Mag-ingat sa mga Panganib!” (Marso 22, 1995), tiyak ko na maraming kapuwa ko Kristiyano ang magpapalagay sa akin na ako’y di-timbang. Natatakot din ako na marami ang iiwas sa pagtakbo dahil sa negatibong pangmalas na inyong iniharap. Ang mga mananakbo ay hindi madaling atakihin sa puso gaya ng inyong sinabi. At ang mga endorphin ay nasa utak wala sa nerbiyo ng kalamnan sa katawan gaya ng sabi ninyo.

C. D., Estados Unidos

Hindi namin nilayon na siraan ang pagtakbo. Kinikilala namin ang mga pakinabang ng ehersisyo subalit hinihimok namin ang mga mambabasa na maging timbang at huwag sagarin ang kanilang mga katawan nang labis sa makatuwirang hangganan. Marami pang pananaliksik ang kailangang gawin bago malaman kung gaano kalala maaaring ihantad sa panganib sa kalusugan ng mahabang pagtakbo ang ilang indibiduwal. May kinalaman sa mga endorphin, tinitiyak ng “The New Encyclopœdia Britannica” na ang mga ito ay “nakakalat sa mapagkakakilanlang anyo sa buong sistema ng nerbiyo.” Kung tungkol naman sa panganib ng atake sa puso, kinikilala ng “The Medical Post” na ang labis na pag-eehersisyo ay nagpapababa sa pangkalahatang panganib ng biglang atake sa puso; gayunman, sinasabi nito na may “malaking panganib para sa nag-eehersisyo sa panahon na sila mismo’y aktuwal na nag-eehersisyo.”​—ED.

Pangongolekta ng Selyo Gustung-gusto ko ang artikulo na “Pangongolekta ng Selyo​—Kawili-wiling Libangan at Malaking Negosyo.” (Enero 8, 1995) Naniniwala ako na hindi kinaliligtaan ng Gumising! ang anumang bagay​—maging ang mga selyo sa koreo. Ang libangan ko ay ang pangongolekta ng selyo at inaakala ko na ang artikulo ay talagang kumpleto. Salamat sa kapaki-pakinabang na mga mungkahi.

R. C., Venezuela

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share