Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 5/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 5/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Nakaraang Limampung Taon Katatapos ko pa lang basahin ang serye ng “1945-1995​—Ano ang Natutuhan Natin?” (Setyembre 8, 1995) Humanga ako sa paraan ninyo ng pagsasama-sama ng lahat ng detalyeng iyon sa gayong kalimitadong pahina. Marami akong natutuhan; mas mabuti pa nga ito kaysa pagbabasa ng isang aklat ng kasaysayan.

M. V., Pilipinas

Panalangin Ako’y walang trabaho at nag-iinut-inot sa paglipat ng bahay. Ako’y totoong nababalisa​—hanggang sa mabasa ko ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ang Bahagi Mo sa Iyong mga Panalangin.” (Setyembre 8, 1995) Salamat sa inyong paglalathala ng artikulong ito. Sisikapin kong gawin sa abot ng aking makakaya upang patunayan na sabik akong masagot ang aking mga panalangin sa pamamagitan ng pamumuhay na kasuwato ng mga ito.

D. C., Estados Unidos

Sugal Kamakailan ay ipinanalangin ko ang isang artikulo tungkol sa pagsusugal, yamang ang aking mga kamag-anak ay masidhing nangangailangan ng tulong hinggil sa bagay na ito. Nasa bingit na sila ng pagkabangkarote. Inaasahan ko na ang seryeng “Sugal​—Isang Lumalaganap na Pagkagumon” (Setyembre 22, 1995) ay makatutulong sa kanila. Naghirap sila nang husto dahil sa kanilang pagkagumon. Dati-rati’y naglalaro kami ng poker bilang isang pamilya sa loob ng 6 hanggang 12 oras ang tagal! Ako’y nagagalak na si Jehova ay nasa aking buhay na ngayon.

L. D., Estados Unidos

Inilarawan ninyo ang 20 taon ng aking pakikisama sa isang asawang lalaki na sugapa sa sugal. Marami akong nakukuhang pampatibay-loob mula sa mga magasin noong nakalipas, subalit sa pagkakataong ito tinanggap ko ang isang bagay na matagal ko nang minimithi sa loob ng 20 taon!

F. E., Hapón

Pagtatanggol-sa-Sarili Labis kong pinahahalagahan ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat Ko Bang Matutuhan ang Pagtatanggol-sa-Sarili?” (Setyembre 22, 1995) Dito sa Ukraine iisang labas lamang ng Gumising! ang nakukuha namin bawat buwan, at “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” ay hindi pa kasali. Yamang nagbabasa ako ng Ingles, nabasa ko ang artikulo. Nakatulong ito sa akin na malaman ang pangmalas ng Diyos.

V. L., Ukraine

Ako’y 12 taóng gulang, at ibig ko kayong pasalamatan sa mga artikulo na inyong inilalathala. Talagang nakinabang ako nang husto sa artikulo na tungkol sa pagtatanggol-sa-sarili. Ipinaunawa nito sa akin nang higit kung paano ako gagawi kapag pinag-usig ako ng aking mga kaeskuwela.

D. C., Italya

Paaralang Aprikano Ako’y isang Akan na nakinabang nang husto kapuwa mula sa tradisyunal na paaralang Aprikano at mga paaralan sa Kanluran, at nagustuhan ko ang inyong artikulong “Ang Paaralang Aprikano​—Ano ang Itinuro Nito?” (Setyembre 22, 1995) Naantig ako sa paggalang at pagpipitagan na inyong iginawad sa paaralang Aprikano. May mga nag-iisip na nilalait ng inyong relihiyon ang kaugaliang Aprikano. Niliwanag ng artikulong ito na hindi gayon ang kalagayan.

S. N., Ghana

Salaysay ng Buhay Maraming salamat sa inyong paglalathala ng salaysay ng buhay ni Karen Malone, “Ang Malaon Ko Nang Pakikipagbaka Upang Masumpungan ang Tunay na Pananampalataya.” (Setyembre 22, 1995) Pinaluha ako nito sa kagalakan.

J. S., Czech Republic

Ako ang panganay na anak sa aming pamilya. Dati-rati’y sumasamâ ang loob ko dahil sa hindi ko makamtan ang maraming bagay na gusto ko. Kung minsan ay halos wala kaming sapat na salapi upang ibili ng pagkain. Subalit dahil kay Karen, batid ko ngayon na ang ating paglilingkuran sa Diyos ang higit na mahalaga kaysa materyal na mga bagay.

T. T., Gresya

Apat na ulit ko nang nabasa ang artikulo, at napapaluha ako sa tuwing mababasa ko ito. Naunawaan ko ang kaniyang paninindigan na paglingkuran si Jehova sa harap ng pagsalansang ng pamilya at kahirapan. Sa malapit na hinaharap, umaasa ako na makapagpapasimula akong maglingkod bilang isang regular pioneer, isang pambuong-panahong ebanghelisador, at ang artikulong ito ay talagang nagpatibay sa akin.

D. F., Australia

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share