Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 7/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 7/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mabuhay Magpakailanman Salamat sa inyong serye na “Bakit Napakaikli ng Buhay?​—Mababago Pa Kaya Ito?” (Oktubre 22, 1995) Ang mga artikulong ito ay hindi lamang nakatulong sa akin na mas maunawaan ang pag-asa sa hinaharap ng pagiging isang sakdal na tao sa paraisong lupa kundi natulungan din ako nito sa aking klase sa siyensiya. Noong mismong sandaling lumabas ang mga artikulong ito, nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa selula​—ang mga bahagi at ang mga ginagawa nito. Anong linaw ng inyong pagkakapaliwanag dito! Salamat sa mabuting marka at sa espirituwal na pagkain sa tamang panahon.

B. M., Estados Unidos

Kristal Salamat sa artikulong “Kristal​—Napakatagal Nang Nabubuhay ng Unang mga Tagagawa Nito.” (Nobyembre 22, 1995) Ang trabaho ng aking ama ay mga kristal, kaya napakarami namin nito sa aming bahay. Hindi ko mapigilang sabihin kung gaano kaganda ang pagkakasulat ng artikulong ito. Wala akong idea kung gaano karaming iba’t ibang kultura ang nasangkot sa paggawa ng kristal. Salamat muli.

M. B., Estados Unidos

Ubasan ng Hungary Sa loob ng ilang buwan ako’y nakapagtrabaho sa seksiyon ng alak sa isang supermarket sa Luxembourg. Kaya gayon na lamang ang aking interes na mabasa ang artikulong “Halina sa mga Ubasan ng Hungary!” (Setyembre 8, 1995) Gayunman, napansin ng isa sa aking superbisor, na bagaman ang artikulo ay tama, waring sinabi ninyo na ang amag na tumutubo sa mga ubas (Botrytis cinerea) ay siya ring amag na tumutubo sa mga imbakan ng alak. Sabi niya na ang huling nabanggit na amag sa katunayan ay tinatawag na Cladosporium cellare.

B. P., Pransiya

Tama ang iyong superbisor, at pinasasalamatan namin siya sa pagbibigay-liwanag na ito.​—ED.

Kaibigan ng Diyos Ibig ko lamang sabihin sa inyo kung gaano naantig ang damdamin ko ng artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Makatutulong Kaya sa Akin ang Pagiging Kaibigan ng Diyos?” (Nobyembre 22, 1995) Sa kalakhan ng taóng ito, wari bang ako’y naglalakad sa libis ng lilim, taglay ang panlulumo na sumisira sa natitirang paggalang ko sa aking sarili. Wala man lamang akong lakas upang manalangin o mag-aral ng Bibliya. Ang pampatibay-loob na ibinigay ng aking Kristiyanong mga kapatid ay hindi tumalab sa akin. Nang binabasa ko ang artikulo, nadama ko ang unang silahis ng araw sa loob ng mahabang panahon.

S. K., Alemanya

Nakaaaliw na malaman kung gaano kasidhi ang interes at pag-ibig ni Jehova sa mga kabataan. Sa maikling buhay ko, naranasan ko ang hinalay, nag-abuso sa droga, nalaglagan ng sanggol, at damdaming sinaktan nang husto at pinagwikaan ng masakit. Minsa’y tinangka ko pa ngang magpakamatay. Subalit, sa wakas ay nagsimula akong dumalo muli sa Kristiyanong mga pulong. Dahil sa pagtitiyaga sa panalangin at sa paglapit minsan pa kay Jehova, naibalik akong muli sa organisasyon. Ang Salita ni Jehova ang nagdulot sa akin ng higit na kapayapaan ng isip kaysa anumang droga.

W. B., Estados Unidos

Kompetisyon Ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Masama ba ang Kompetisyon sa Isport?” (Disyembre 8, 1995) ay nagbigay-kaaliwan sa aking sampung-taóng gulang na anak na lalaki. Niyaya siya ng ilang batang lalaki na mas matanda sa kaniya na maglaro ng bola. Gayon na lamang ang panunukso sa kaniya anupat nanlumo siya nang husto. Binasa namin ang artikulo at kami’y naaliw, sa pagkaalam na dapat na mapanatili ng mga Kristiyano ang timbang na pangmalas sa isport at na ang isport ay dapat na nakalilibang, hindi nakapanlulumo. Inaasahan ko na mababasa ng lahat ng ating mga kabataan ang artikulong ito sapagkat ang ilang isport ay naging napakarahas.

S. H., Estados Unidos

Ang artikulong ito ay talagang nakatulong sa aking pagpapasiya may kinalaman sa pagsali sa isang pangkoponang isport sa paaralan. Ang mga kasulatang binanggit sa artikulo ay talagang naging tuwiran. Ang pagsali sa partikular na koponan na ito ay magiging totoong napakahigpit sa pagpapaligsahan, yamang karaniwang sasabihan ka ng mga tagasanay na maglaro nang husto at manalo. Salamat sa nakapagbibigay-liwanag na artikulo, at inaasahan ko na matutulungan nito ang ibang kabataan na makapagpasiyang mabuti.

L. M., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share