Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 3/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • “Estrogen Replacement Therapy”—Ito ba’y Para sa Iyo?
    Gumising!—1991
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 3/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kababaihan ng India Pinahahalagahan ko ang artikulong “Ang Kababaihan ng India​—Patungo sa Ika-21 Siglo.” (Hulyo 22, 1995) Ako sa tuwina’y nahahalina sa India, yamang ito’y may totoong naiibang kultura kaysa sa kultura ko mismo. Ipinakita ng inyong artikulo na ang tunay na paglaya ay darating para sa kababaihan ng India sa ilalim lamang ng Kaharian ng Diyos. Inaasam-asam ko ang panahon kapag lahat ng babae ay tunay na mamahalin at kakandiliin ng kani-kanilang asawang lalaki na kanilang iginagalang.

W. S., British Columbia

Itinakwil ng Pamilya Ako’y 14 na taóng gulang, at sumulat ako upang pasalamatan kayo sa artikulong “Ang Pamilyang Tunay na Nagmahal sa Akin.” (Hulyo 22, 1995) Pinalakas talaga nito ang aking pananampalataya. Si Udom Udoh ay isang mabuting halimbawa sa mga kabataan saanman. Talagang ipinakita niya na maaari kang manindigan sa katotohanan sa napakaagang edad.

A. M., Estados Unidos

Gaya ni Udom, pagkasimula kong pag-aralan ang Salita ng Diyos, nakaharap ko ang pagsalansang. Pinagsabihan din akong lumayas sa aming tahanan. Pagkatapos ng labis na pag-uusig sa salita at sa pisikal, umalis ako. Ako’y maibiging kinalinga ng isang elder at ng kaniyang maybahay. Talagang pinalakas ako ng inyong artikulo. Anong laking kagalakan na makasama sa bukod-tanging pangglobong pamilyang ito!

L. J., Estados Unidos

Pagiging Kaibigan ng Diyos Maraming salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Talaga Bang Maaari Akong Maging Kaibigan ng Diyos?” (Hulyo 22, 1995) Napaluha ako nito. Ako’y 13 taóng gulang at nakagawa ako ng napakasasamang bagay. Hinimok ako ng iba, subalit nahihirapan pa rin ako na manalangin kay Jehova. Inakala ko na hindi na niya ako mahal dahil sa napakarami kong pagkakamali. Ipinakita sa akin ng artikulong ito na nagpapatawad ang Diyos at na ako’y makapananalangin sa kaniya.

J. D., Alemanya

Tulad ni Doris, na sinipi sa artikulo, nadama ko ang pagiging di-karapat-dapat na maging kaibigan ng Diyos. Nagpapasalamat ako kay Jehova sa paglalaan sa akin ng tulong na ito. Natulungan ako nito na maunawaan na kung pagsisisihan ko ang masasamang ginawa ko, handa siyang magpatawad at maging aking Kaibigan. Inaasahan ko na hindi ninyo kailanman ihihinto ang paglalathala ng mga artikulong ito para sa mga kabataan.

B. M. A., Espanya

Ménopos Kami’y namamahala ng isang kompanya ng gamot na espesyalista sa mga gamot pambabae. Nasumpungan namin ang artikulo tungkol sa ménopos na pinamagatang “Isang Higit na Pagkaunawa sa Ménopos” (Pebrero 22, 1995) na kawili-wili sa lahat, at natutuwa kami na sumulat kayo tungkol sa paksang iyon. Gayunman, sinabi ng kahon na “Kumusta Naman ang Tungkol sa Estrogen Replacement Therapy?” na “ang pagdaragdag ng progesterone sa paggagamot na hormone replacement . . . ay humahadlang sa kapaki-pakinabang na epekto ng estrogen sa sakit sa puso.” Hindi ito laging totoo, lalo na sa likas na mga progestin.

Dr. T. W. at J. K., Alemanya

Salamat sa pagbibigay ng pinakahuling impormasyon sa amin. Bagaman ipinakita ng dati nang mga pinagkukunan ng impormasyon na ang mga progestin ay maaaring magpapababa ng antas ng HDL, o “mabuting” kolesterol, sa gayon higit na ginagawang mapanganib sa sakit sa puso, iba naman ang ipinahihiwatig ng pinakahuling pananaliksik. Iniulat ng kamakailang pagsusuri noong Enero 18, 1995, sa labas ng “JAMA” na “ang estrogen lamang o kasama ng progestin ay nagpapabuti [ng mga antas ng “mabuting” kolesterol].” Walang alinlangang kailangan pang gawin ang higit na pananaliksik bago lubusang maunawaan ang lahat ng pangmatagalang mga epekto ng mga hormone na paggamot.​—ED.

Ebolusyon Katatapos ko lamang basahin ang serye na “Ang Teoriya na Gumulat sa Daigdig​—Ano ang Pamana Nito?” (Agosto 8, 1995) Ang reaksiyon ko? Higit pa sa paghanga. Kahanga-hanga talaga! Totoong napakakulay at napakalawak ng paraan ng pagkakasulat ng artikulo. Ang bawat pagsipi ay nagsisiwalat ng masinsinang pananaliksik. Higit sa lahat, ito’y nagbibigay-liwanag sa totoong epekto ng turo ng ebolusyon sa kaisipan ng tao. Wala akong kamalay-malay! May isang taggutom sa daigdig sa mga babasahing may kalidad, subalit natugunan ninyo ang hamon.

R. H., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share