Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 1/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 1/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Alpinong Iceman Katatapos ko pa lamang basahin “Ang Hiwaga ng Alpinong ‘Iceman.’” (Mayo 8, 1995) Aaminin kong nang una ko itong matanggap, hindi ko talaga inisip na magugustuhan ko ang paksa. Subalit nasumpungan kong talagang kawili-wili ang artikulo! Pinahahalagahan ko ang ipinakitang paraan nito na ang dating pangmalas tungkol sa “unang panahon” na tao ay mali.

J. S., Estados Unidos

Ang nakatatawag-pansin na titulo ay tumulong sa akin na magpasakamay ng magasin sa isang lalaki na nakilala ko sa tren. Nang sumunod na linggo nakita ko siyang muli, at sinabi niya na ang artikulo ay “may mataas na kalidad ng pagkasulat” at napakahusay ng pagkakabuo nito. Tinanggap niya ang pinakabagong labas ng Ang Bantayan.

G. C., Hapón

Ménopós Sa inyong serye ng “Isang Higit na Pagkaunawa sa Ménopós” (Pebrero 22, 1995), binanggit ninyo ang paggamit ng “langis na galing sa gulay o prutas, langis ng bitamina-E, at lubrikanteng gel” bilang panlunas sa panunuyo ng kaluban. Bilang isang estudyante na magtatapos na sa nursing, naudyukan akong banggitin na ang lubrikanteng nagmumula sa langis at prutas ay nagbibigay-daan sa pagdami ng baktirya. Kaya mas makabubuti ang mga lubrikanteng natutunaw sa tubig.

H. W., Estados Unidos

Pinasasalamatan namin ang pagtanggap ng pinakabagong impormasyong ito.​—ED.

Sa edad na 45, nakaranas na ako ng mga hot flash. Tiniis ko ang mga ito sa loob ng mga taon nang walang gamot. Kaya nga napaluha ako habang nadarama ko ang maibiging pangangalaga na ipinakita sa inyong artikulo. Nakatulong ito sa akin na maunawaan nang mas mabuti ang ménopós, at nasagot nito ang maraming katanungan ko.

S. T. B. A., Brazil

Mga Laro sa Computer Ako’y natuwa nang makita ko ang artikulo na “Ito ba ang Laro na Para sa Iyo?” (Mayo 8, 1995) Bilang isang magulang, laking gulat ko sa napakaluwag na saloobin ng ilan na nag-aakalang ang mga larong ito ay hindi nakapipinsalang libangan. Marami namang makukuhang nakapagtuturo at hindi marahas na mga laro.

K. G., Estados Unidos

Ako’y isang computer software evaluator, at kamakailan ay binigyan ako ng kopya ng larong Doom II para uriin. Natuklasan ko na ang laro ay gumagamit ng mga demonikong simbolo, gaya ng baligtad na mga krus at mga pentagram. Inaasahan ko na mauunawaan ng mga tao kung gaano kasama ang mga larong ito.

R. B., Estados Unidos

Maagang Pag-aasawa Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Maagang Pag-aasawa​—Magtagumpay Kaya Kami?” (Abril 22, 1995) Bilang mga tagapangasiwa sa kongregasyon, nagsaayos kami ng pagdalaw na may pagpapayo sa isang mag-asawang kabataan na nagkakaroon ng problema sa pag-aasawa. Anong laking gulat ko nang dumating ang labas na ito! Ito talaga ang kailangan namin upang matulungan ang kabataang mag-asawang iyan. Isinaalang-alang namin ang buong artikulo gayundin ang lahat ng teksto sa Bibliya na nabanggit.

M. C., Brazil

Paggagalugad sa Ilalim ng Dagat Labis kong pinahahalagahan ang artikulong “Ligtas na Paggagalugad sa Daigdig sa Ilalim ng mga Alon.” (Mayo 8, 1995) Kararating pa lamang namin mula sa aming paglalakbay sa Dagat na Pula at talagang naging kapaki-pakinabang para sa amin ang inyong payo. Hindi lamang namin nagalugad ang kahanga-hangang ilalim ng dagat kundi nakatipid pa kami ng malaking salapi!

V. C. at K. B.,Italya

Kaming mag-asawa paminsan-minsan ay nagkakaroon ng problema may kinalaman sa gawaing paglilibang ng aming dalawang anak na lalaki. Gustung-gusto ng aking asawang lalaki ang magscuba-diving, at kamakailan ay nagbukas ang isang bagong paaralan sa pagsisid sa aming lugar. Pagkatapos na mabasa ang inyong artikulo, natuwa ako dahil sa maaari akong magkaroon ng mabuting budhi kapag sila ay sumasali.

C. P., Alemanya

Pagkaligtas sa Komunismo Maraming salamat sa artikulong “Mahigit na 40 Taon sa Ilalim ng Komunistang Pagbabawal.” (Abril 22, 1995) Labis na naantig ang aking puso habang binabasa ko ito. Ipinakita nito sa akin kung paano nagbibigay si Jehova ng kinakailangang tulong sa tamang panahon upang mapanatili ng isang tao ang kaniyang katapatan.

S. A. A., Ghana

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share