Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 12/22 p. 3-4
  • Ano ang Nangyayari sa mga Paaralan Ngayon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Nangyayari sa mga Paaralan Ngayon?
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Kasamâ Ito?
  • Ang Bagay Tungkol sa Moral
  • Sa Gitna ng mga Panahong Mapanganib
  • Hinahalinhan Ba ng mga Paaralan ang mga Magulang?
    Gumising!—1988
  • Ang Paghanap ng Isang Mabuting Edukasyon
    Gumising!—1995
  • Pagmamasid sa mga Paaralan sa Malaking Lunsod
    Gumising!—1986
  • Mga Paaralang Nasa Kagipitan
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 12/22 p. 3-4

Ano ang Nangyayari sa mga Paaralan Ngayon?

“NASA Krisis ang Ating mga Paaralan: Magtalaga ng mga Pulis Ngayon” ang ulong-balita sa isang pahayagan kamakailan sa New York City. Ang Lupon ng Edukasyon ng New York City ay may sarili nitong mga security guard sa paaralan​—isang hukbo ng 3,200​—na nagpapatrolya sa mahigit na 1,000 paaralan sa lungsod. Ninanais ngayon ng karamihan na magtalaga ng regular na mga pulis ng lungsod sa mga paaralan upang tumulong sa seguridad. Talaga bang kailangan sila?

Isang ulong-balita sa New York Times ang nagsabi: “Ipinakikita ng Ulat na 20% ng mga Estudyante sa New York City ang Nagdadala ng mga Armas.” Ang pinuno ng mga paaralan sa New York City mula noong 1990 hanggang 1992, si Joseph Fernandez, ay nagsabi: “Kailanma’y wala pa akong nakitang anuman na gaya ng karahasan na nakikita natin ngayon sa ating mga paaralan sa malalaking lungsod. . . . Hindi ko akalain na nang tanggapin ko ang pagiging chancellor sa New York noong 1990 na ito ay magiging gayon kasamâ. Hindi ito basta isang nagbabagong kalagayan, ito’y sumasamang kalagayan.”

Gaano Kasamâ Ito?

Ganito ang ulat ni Fernandez: “Noong unang sampung buwan ko bilang chancellor, sa katamtaman ay may isang batang mag-aaral na pinapatay tuwing ikalawang araw​—sinaksak sa mga subwey, binaril sa mga bakuran ng paaralan o sa mga kanto sa lansangan . . . Ang ilang haiskul ay may labinlima o labing-anim [na security guard] na nagpapatrolya sa mga pasilyo at bakuran.” Sabi pa niya: “Ang karahasan sa ating mga paaralan ay isang epidemya, at higit sa pangkaraniwang hakbang ang kinakailangang gawin. Ang mga paaralan sa Chicago, Los Angeles, Detroit​—pawang malalaking metropolitan na sentro​—ay naghaharap ng katulad na larawan ng halos kapaha-pahamak na kalupitan.

“Ang kahihiyan dito ay maliwanag na nakasisindak. Sa nakalipas na dalawang dekada natanggap natin ang hindi kanais-nais: Mga paaralang Amerikano bilang mga sona ng digmaan. Mga bahay ng takot at pananakot sa halip na mga kanlungan ng kaliwanagan.”

May mga opisyal ng seguridad sa 245 sistema ng paaralan sa Estados Unidos, at sa 102 nito, ang mga opisyal ay nasasandatahan. Subalit hindi lamang sila ang nasasandatahan. Ayon sa isang pag-aaral sa University of Michigan, tinatayang ang mga estudyante sa Estados Unidos ay nagdadala ng mga 270,000 baril, hindi pa kabilang ang ibang armas, sa paaralan araw-araw!

Sa halip na bumuti, ang kalagayan ay lumulubha. Ang mga metal detector na ginagamit sa maraming paaralan ay nabigong sugpuin ang pagdagsa ng mga sandata. Noong taglagas ng 1994, ang iniulat na mga insidente ng karahasan sa mga paaralan sa New York City ay tumaas ng 28 porsiyento kung ihahambing sa gayunding yugto ng panahon noong nakalipas na taon! “Sa kauna-unahang pagkakataon,” paliwanag ng Phi Delta Kappan tungkol sa isang surbey na isinagawa sa Estados Unidos, “ang kategoryang ‘away, karahasan, at mga gang’ ay pare-parehong nasa numero-unong puwesto na ang ‘kawalan ng disiplina’ ang pinakamalaking problema na nakakaharap ng lokal na mga paaralang bayan.”

Ang karahasan sa paaralan ay lumikha ng isang krisis sa mga paaralan sa maraming bansa. Sa Canada, ganito ang ulong-balita ng Globe and Mail ng Toronto: “Ang mga Paaralan ay Nagiging Mapanganib na mga Sona.” At isang surbey sa Melbourne, Australia, ang nagsisiwalat na halos 60 porsiyento ng mga batang nasa paaralang primarya ay inihahatid paroo’t parito sa kanilang paaralan ng mga magulang dahil sa takot na masalakay o madukot.

Subalit, ang karahasan ay bahagi lamang ng problema. May iba pang bagay na nangyayari sa ating mga paaralan na sanhi ng matinding pagkabahala.

Ang Bagay Tungkol sa Moral

Kahit na sinasabi ng Bibliya na ang pakikiapid​—ang pakikipagtalik nang hindi kasal​—ay mali, hindi itinataguyod ng mga paaralan ngayon ang gayong matinong moral na turo. (Efeso 5:5; 1 Tesalonica 4:3-5; Apocalipsis 22:15) Tiyak na ito’y nakaragdag sa kalagayan na inilarawan ni Fernandez nang sabihin niya: “Kasindami ng 80 porsiyento ng ating mga tin-edyer ay aktibong nakikipagtalik.” Sa isang haiskul sa Chicago, sangkatlo ng mga estudyanteng babae ay nagdadalang-tao!

Ang ilang paaralan ay may mga nursery upang alagaan ang mga sanggol ng mga estudyante. Isa pa, ang mga kondom ay karaniwang ipinamimigay sa isang bigong pagsisikap na sugpuin ang epidemya ng AIDS at ang dumaraming anak sa ligaw. Kung ang pamamahagi ng kondom ay hindi aktuwal na humihimok sa mga estudyante na makiapid, kinukunsinti sila nito sa paggawa nito. Pagdating sa moral, ano ang dapat isipin ng mga estudyante?

Isang matagal nang guro sa unibersidad ang nagsabi na may “nakagugulat na dami ng mga kabataan na nag-aakalang walang tama o mali, na ang mga mapagpipilian sa moral ay depende sa kung ano ang nadarama mo.” Bakit ganito ang pag-iisip ng mga kabataan? Ang guro ay nagsabi: “Marahil ang karanasan nila sa haiskul ang umakay sa kanila na maging mga agnostiko sa moral.” Anu-ano ang kahihinatnan ng gayong moral na kawalang-katiyakan?

Isang editoryal ng pahayagan kamakailan ang naghinagpis: “Kung minsan wari bang walang sinuman ang dapat sisihin sa anumang bagay. Wala kailanman.” Oo, ang mensahe ay kahit ano puwede! Isaalang-alang ang isang halimbawa ng matinding epekto nito sa mga estudyante. Sa isang klase sa unibersidad tungkol sa paksang Digmaang Pandaigdig II at ang pagbangon ng Nazismo, natuklasan ng isang propesor na karamihan sa kaniyang mga estudyante ay hindi naniniwala na may dapat sisihin sa Holocaust! “Sa isipan ng mga estudyante,” sabi ng guro, “ang Holocaust ay tulad ng isang likas na malaking sakuna: Ito’y hindi mapipigilan at hindi maiiwasan.”

Sino ang may kasalanan kung hindi makilala ng mga estudyante ang tama sa mali?

Sa Gitna ng mga Panahong Mapanganib

Bilang pagtatanggol sa mga paaralan, isang dating guro ang nagsabi: “Ang problema ay nagmumula sa pamayanan, at ipinababanaag lamang ng paaralan ang mga problema na umiiral doon.” Oo, mahirap na maituro nang matagumpay kung ano ang hindi isinasagawa ng mga lider ng lipunan.

Inilalarawan ito, nang maging ulong-balita ang imoralidad ng mga opisyal ng pamahalaan ng E.U., isang kilalang kolumnista ang sumulat: “Wala akong idea kung paano maaaring magsikap ang mga guro sa mapang-uyam na panahong ito na magturo ng moralidad. . . . ‘Tingnan ninyo ang Washington!’ kahit na ang mga tinig ng kabataan lamang ay tututol. Alam nila . . . na ang pinakamaruming pandaraya sa kasaysayan ay nangyayari sa ilalim ng bubong ng malaking bahay na puti na iyon.”

Inihula ng Bibliya na “sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Timoteo 3:1-5) Tiyak na ito na ang mga panahong mapanganib! Dahil dito, ano ba ang ginagawa upang mapagtagumpayan ang krisis sa mga paaralan ngayon at upang tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng isang mabuting edukasyon? Ano ang magagawa ninyo bilang mga magulang at mga estudyante? Tatalakayin ito ng susunod na mga artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share