Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/8 p. 15
  • Ang Palakaibigang Ibong Robin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Palakaibigang Ibong Robin
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Patuloy Ko Kayang Magiging Kaibigan ang Diyos?
    Gumising!—1997
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Dalagang-Ina—Mangyari Kaya Ito sa Akin?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/8 p. 15

Ang Palakaibigang Ibong Robin

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

BAGO pa man magbago ang kakahuyan ng Northumberland mula sa pagiging mapulang kayumanggi tungo sa malamlam na pagsapit ng taglagas, naipadarama na ng ibong robin ang kaniyang pagkanaririyan. Ang matingkad na pulang dibdib nito at ang kaayaayang indayog ng awit nito ang nagdaragdag ng kulay at kagalakan sa aming halamanan. Nakatutuwang kasama nga ito!

Ang robin ay madaling makilala dahil sa kulay na luntiang maitim na kayumanggi sa mga balikat nito at ulo; ang kulay dalandan-pulang dibdib nito, lalamunan, at noo; at ang maputing tiyan nito. Ang bilugang ibon na ito, na totoong listo, ay mabikas na nakatayo nang tuwid na tuwid, sumusukat ng labing-apat na centimetro mula sa tuka hanggang sa buntot. Hindi kataka-taka, noong 1961, ang robin ang napili na maging ang pambansang ibon ng Britanya.

Ang robin sa Britanya ay mas maliit kaysa kaparis nito sa Amerika, na ang sinaunang mga mananakop mula sa Inglatera ang nagbigay ng pangalan na robin, isang pangalan na pamilyar sa kanila. Gayunman, ang robin sa Britanya ay may katangian na kaniyang-kaniya lamang. Maging ang robin sa kontinente ng Europa ay, sa kabaligtaran, isang mahiyaing ibon na nagtatago sa pinakapusod ng kakahuyan.

Kapag papalapit na ang taglagas, ang robin ay pinakamabuting makikita sa halamanan sa Britanya. Tatayo itong malapit sa isang tao na naghuhukay ng lupa at nag-aabang ng bulati na lilitaw mula sa lupa. Kung minsan, kapag nagpapahinga ang hardinero, ang robin ay hahapon sa pala upang suriin ang kalagayan. Ang makulit na ibong ito ay kilala rin sa pagsunod sa tinatalunton ng isang mole para galugarin ang bagong kahuhukay na mga bunton ng lupa. Ang pagkain ng robin ay iba’t iba​—mga insekto, mga buto, at mga berry, gayundin ang mga bulati.

Anong laking kagalakan na masumpungan ang pugad ng robin! Ang anumang bukás na pinto o bintana ay isang paanyaya sa nagpaparaming mag-asawang ibon. Ang mga pugad ay mabilis na nagagawa sa isang lumang pasô o patapon nang kaldero, sa ikid ng kawad, o maging sa mga bulsa ng panghardin na amerikana! Ang katalinuhan ng robin sa paghahanap ng di-pangkaraniwang lugar na pinamumugaran ay walang hangganan.

Ang robin ay isa sa pinakamadaling sanayin sa mga ibon na kumain sa iyong kamay. Habang papalapit ang taglagas at umuunti ang suplay ng pagkain nito, maglagay ng pagkain sa iyong nakabukas na palad​—mga piraso ng keso o mga bulati​—at ilan sa nakapirming bagay sa malapit. Pagkatapos ng dalawa o tatlong pagpapakain kung saan inuubos ng robin ang pagkain mula sa nakapirming bagay, ito’y magkakalakas-loob at tutuka ng pailan-ilan mula sa nakalahad na mga palad. Bagaman hindi siya kailanman dadapo sa iyong mga daliri, palagi ka nang mamalasin ng robin bilang kaniyang kaibigan. Hindi ka na niya malilimutan kapag bumalik siya sa susunod na taglagas​—kung paanong hindi mo nalilimutan ang iyong kaibigan, ang robin!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share