Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 10/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Ang Palakaibigang Ibong Robin
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 10/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagsasamantala ng Mayayamang Bansa sa Mahihirap na Bansa Ako’y 14 na taóng gulang, at ako’y nagpapasalamat nang lubos sa inyo para sa seryeng “Lagi Bang Pagsasamantalahan ng Mayayamang Bansa ang Mahihirap na Bansa?” (Nobyembre 22, 1995) Binigyan kami ng aming guro sa heograpya ng takdang-aralin na sumulat tungkol sa paksang “Paghihirap.” Tumingin ako sa mga pahayagan at mga magasin pero wala akong nakita na angkop gamitin. Pagkatapos, sa mismong oras na kailangan ko ang impormasyon, dumating ang magasin na ito na magsisilbing saligan ng aking ulat. Ako ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa klase, at ako’y lubusang nagpapasalamat sa mga artikulong ito.

A. O., Brazil

Di-masupil na Paggawi Salamat sa nakapagpapatibay na artikulong “Di-masupil na Paggawi​—Kontrolado ba Nito ang Iyong Buhay?” (Pebrero 8, 1996) Ako’y pinahihirapan ng di-masupil na paggawi, at nakapagpapalakas ng loob na malaman na hindi ako nag-iisa. Ginambala ako nito nang labis sapol pa sa aking pagkabata. Simula nang ako’y makapag-aral ng Bibliya, laging laman ng aking isip na ako’y nagkasala nang mabigat laban sa banal na espiritu. Unti-unti, nakontrol ko ang aking mga problema. Anong inam na malaman na nauunawaan ni Jehova ang kaniyang di-sakdal na mga lingkod!

A. B., Alemanya

Pinahahalagahan ko nang lubos na nauunawaan ng ating Maylikha ang sakit na ito at ang bagay na siya’y “mas dakila kaysa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay.” (1 Juan 3:20) Pakisuyong patuloy na maglathala ng ganitong uri ng mga artikulo; pinagmumulan ang mga ito ng malaking pampatibay loob sa amin.

W. E., Switzerland

Hindi ninyo lubusang maiisip kung gaano ako naaliw ng artikulong ito. Nagkaroon ako ng napakasama, napakalapastangang mga kaisipan, na humantong sa panlulumo at kung minsa’y sa mga kaisipan na pagpapatiwakal pa nga. Pero ngayon para bang napakabigat na bato ang naalis sa aking mga balikat, yamang aking natanto na hindi ako itinakwil ni Jehova kundi ako’y mahal na mahal niya.

I. B., Pransiya

Simula nang ako’y bata pa, paulit-ulit ako kung maghugas ng aking mga kamay. Sinusuri ko ang kalan nang tatlong ulit, kahit na kung kailangan kong bumalik mula sa labas upang gawin ito. Tinitiyak ko kung may takip ang aking mga kawali, at kung naisara kong mabuti ang lahat ng mga pinto. Natutulog akong pagod na pagod mula sa pakikipagpunyagi sa di-masupil na mga paggawing ito. Salamat sa inyong artikulo.

M. P., Venezuela

Mga Robin Ako’y nabighani ng artikulong “Ang Palakaibigang Ibong Robin.” (Pebrero 8, 1996) Ilang taon na ang nakaraan, habang ako’y naghuhukay sa hardin, nakarinig ako ng pagkaganda-gandang awit ng ibong robin na nakatayo malapit sa damuhan na nagmamasid sa akin. Noon mismong oras na ginaya ko ang tinig nito ito’y tumabi sa akin sa hukay. Tuwang-tuwa ang robin sa pagtuka sa mga insekto na pumapaibabaw sa bawat pagpala ng lupa. Pakisuyong patuloy na maglathala ng mga ulat tungkol sa daigdig ng mga hayop!

F. S., Alemanya

Tipak ng Yelo Salamat sa artikulong “Mga Palasyong Kristal sa Dagat.” (Disyembre 8, 1995) Ang mismong pagbabasa lamang ng materyal at pagguguniguni sa aking sarili na nasa harap ng isa sa gahiganteng mga bloke ng yelong ito, napahanga ako sa kagila-gilalas na mga bagay na inilaan ng ating Maylikha, ang Diyos na Jehova, para sa ating kasiyahan. Gaya ng sabi ng salmista tungkol kay Jehova sa Awit 104:24, “ang lupa ay puno ng [kaniyang] produksiyon.”

A. I. B., Brazil

Sanaysay sa Paaralan Totoong naantig ako ng salaysay tungkol sa sanaysay ni Eric sa paaralan na “Kung Mababago Ko ang Isang Sandali ng Panahon.” (Pebrero 22, 1996) Umantig ito ng diwa ng paghanga at pagpapahalaga sa kaniyang mga magulang. Tiyak na gumugol sila ng maraming panahon at lakas upang makapagpalaki ng isang anak na lalaki na may gayong kahanga-hangang tibay ng loob at pag-ibig kay Jehova, sa kabila ng kaniyang murang edad.

C. N., Italya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share