Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagtitiwala Sirang-sira ang loob ko dahil sa pinagtaksilan ako ng ilang kaibigan at mga kamag-anak. Nagsimula akong mag-alinlangan sa pagiging kapani-paniwala ng lahat ng nakapaligid sa akin. Subalit ang serye na “Sino ang Maaari Mong Pagkatiwalaan?” (Pebrero 8, 1996) ay nagbigay sa akin ng mas timbang na pangmalas sa pagtitiwala. Salamat sa gayong napapanahong impormasyon.

E. I., Korea

Sa loob ng mga taon ay naranasan ko ang panlilinlang ng aking ama, na umabuso sa akin, ng dalawang asawang lalaki, at isang Kristiyanong kapatid na lalaki. Humantong na ako sa punto na ipinasiya kong hindi na magtitiwala kaninuman. Kinumbinsi ko ang aking sarili na hindi ko kailangan ang mga tao. Subalit tinulungan ako ng artikulo na maging higit na timbang. Bagaman napakahirap para sa akin na magtiwala, sisikapin kong gawin ito. Sa pagkakataong ito ay magiging higit na maingat ako sa aking pagtitiwalaan.

C. H., Estados Unidos

Matterhorn Nabasa ko ang artikulong “Ang Walang Katulad na Matterhorn.” (Pebrero 8, 1996) Ang larawan ng magandang bundok na ito ay talagang nakaagaw ng aking pansin! Tinulungan ako ng artikulo na magpahalaga ng higit sa paglalang ng Diyos.

J. W., Estados Unidos

Mga Mansanas Maraming salamat sa artikulong “Isang Mansanas Araw-Araw Walang Doktor na Dadalaw.” (Pebrero 8, 1996) Pinasigla nito ang aking interes, yamang mayroon kaming mahigit na 100 puno ng mansanas sa aming maliit na bukid. Nasisiyahan kami sa pagpuputol at pagpapaganda sa mga punong ito upang mamunga ang mga ito nang husto. Pinahahalagahan namin ang katumpakan ng lahat ng inyong mga artikulo. Ang mga ito’y naglalaan ng nakarerepresko, mapagkakatiwalaang impormasyon.

P. B., Estados Unidos

Di-masupil na Paggawi Salamat sa inyong napakahusay na artikulong “Di-masupil na Paggawi​—Kontrolado ba Nito ang Iyong Buhay?” (Pebrero 8, 1996) Ako’y 20 taóng gulang, at pinahihirapan ako ng di-masupil na paggawi. Madalas kong banggitin sa panalangin kay Jehova na magpadala ng impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyayari sa akin.

M. A. C., Espanya

Pinahihirapan ako ng di-sinasadya, walang-paggalang na mga kaisipan tungkol sa Diyos noong panahong ako’y magpasimula sa pagpapayunir, na naglilingkod bilang isang pambuong-panahong ebanghelisador. Inakala kong nakagawa na ako ng hindi mapatatawad na kasalanan, at maraming ulit akong umiyak. Hindi mo maiisip kung ano ang nadarama ko ngayon, na inilarawan ang aking damdamin sa lathalain. Hindi ko akalain na may iba pang tao na nakararanas nito. Salamat, mga kapatid, sa pagiging laging naririyan para sa amin.

C. B., Nigeria

Paulit-ulit kong binasa ang artikulo, na lumuluha. Detalyado akong nailarawan nito! Iniisip ko kung ako’y nasisiraan ng bait o kung inaalihan ng mga demonyo ang aking isip. Nakagiginhawang malaman na ang iba sa gitna ng mga kapatid ay nakararanas ng gayunding sakit.

K. T., Hapon

Malimit akong bumaling kay Jehova upang ihingi ng tulong ang problemang ito. Subalit nagpasiya akong huminto na sapagkat nadarama kong ito’y walang kabuluhan at walang bagay na makatutulong sa akin. Ngayon ay nauunawaan ko na ang aking sarili, at maluwag ang aking pakiramdam. Natitiyak ko na ang artikulo ay isinulat sa mas mapagmahal na paraan. Natitiyak ko na talagang nagmamalasakit sa atin si Jehova.

J. F., Czech Republic

Pinahihirapan ang isip ko ng di-masupil na mga isipin sa loob ng pitong taon na ngayon. Nagdulot ito ng pagkahapo at panlulumo sa akin. Gayon na lamang ang pagkahiya na nadarama ko, at nagsisisi ako kapag ipinakikipag-usap ko ito kaninuman. Talagang ipinalagay ko na nasisiraan na ako ng bait. Nang mabasa ko ang artikulong ito, hindi ako makapaniwala. May iba rin palang nakaranas ng pinagdaanan ko! Napaluha ako. Hindi na ako nag-iisa. Hindi ako nakagawa ng di-mapatatawad na kasalanan, at hindi galit sa akin si Jehova.

S. B., Timog Aprika

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share