Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/8 p. 31
  • Isang Kumot ng Taglamig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Kumot ng Taglamig
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Niyebe
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Pumasok Ka Ba sa Tipunan ng Niyebe?”
    Gumising!—1985
  • Komportable sa Niyebe
    Gumising!—2008
  • Lana, Balahibo ng Tupa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/8 p. 31

Isang Kumot ng Taglamig

NARANASAN mo na bang mapatitig, mabighani, sa nalalaglag na niyebe? Kung naranasan mo na, walang alinlangan na sasang-ayon ka na ito ang isa sa pinakamaganda at pinakapayapa sa mga tanawin​—lalo na kung ikaw ay naroroon lamang at nagpapainit sa loob ng bahay at hindi kinakailangang maglakbay. Habang ang puting kumot ay kumakapal, wari bang ito’y naglalatag ng taos na kapayapaan at katahimikan sa lahat ng lugar. Maging ang napakaingay na lungsod ay nababasa habang ang mayuming maliliit na piraso ng niyebe ay nalalaglag nang pagkarami-rami.

Kaya nga, hindi ba nakapagtataka kung paanong ang isang bagay na waring kasingyumi ng nalalaglag na maliliit na piraso ng niyebe ay maaaring maging mapaminsala? Ang abalang mga lungsod gaya ng New York​—kalimitang tinatagurian bilang “ang lungsod na hindi natutulog”​—ay maaaring kahiya-hiyang mapahinto kung ang bunton ng niyebe ay tumaas na nang husto.

Kaya, hindi kataka-taka na tanungin ng Diyos ang tapat na taong si Job: “Pumasok ka ba sa mga tipunan ng niyebe, o nakita mo ba ang tipunan ng graniso, na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdirigma?” (Job 38:22, 23) Sa mga kamay ng Maylikha nito, ang Diyos na Jehova, ang niyebe ay tunay ngang maaaring maging isang nakatatakot na sandata.

Gayunman, ang niyebe ay karaniwang may bahaging ginagampanan sa pagliligtas ng buhay sa halip na sa pagdudulot ng kapahamakan. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na ang Diyos “ay nagbibigay ng niyebe na parang balahibo ng tupa.” (Awit 147:16) Paanong ang niyebe ay gaya ng balahibo ng tupa? Kapuwa ginagamit ng Bibliya ang niyebe at balahibo ng tupa upang maglarawan sa kaputian at kadalisayan. (Isaias 1:18) Subalit may isa pang mahalagang pagkakatulad. Ang niyebe at balahibo ng tupa ay kapuwa nag-iinsula. Ganito ang sabi ng The World Book Encyclopedia: “Ang balahibo ng tupa . . . ay nag-iinsula laban sa lamig at init.” At tungkol naman sa niyebe, ang World Book ay nagsasabi na ito rin ay “nagsisilbing isang mabuting insulasyon. Iniingatan ng niyebe ang mga halaman at mga hayop na nagtututulog sa panahon ng taglamig mula sa malamig na hangin ng taglamig.”

Kaya sa susunod na pagmasdan mo ang niyebe na nalalaglag mula sa himpapawid, baka ibig mong pag-isipan ang kamangha-manghang kapangyarihan ng Diyos. O baka piliin mong pag-isipan ang mapagmahal na pag-iingat na inilalaan niya habang kaniyang inilalatag ang puting kumot sa kaniyang mga nilalang, tulad ng ginagawa ng isang mapagmahal na magulang na maingat na kinukumutan ang isang bata sa kaniyang kama.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share