Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 3/8 p. 31
  • Ingatan ang Sarili Mula sa Kidlat!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ingatan ang Sarili Mula sa Kidlat!
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Kahindik-hindik na Pagtatanghal sa Langit
    Gumising!—1989
  • Mga Kulog at Kidlat—Kagila-gilalas na Hari ng mga Ulap
    Gumising!—1999
  • Kidlat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Elektrisidad—Isang Kapaki-pakinabang na Kaibigan na Dapat Igalang
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 3/8 p. 31

Ingatan ang Sarili Mula sa Kidlat!

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA SWEDEN

ANG isang katamtamang kidlat ay maaaring nagdadala ng sampu-sampung milyong boltahe ng elektrisidad na may kuryente na sampu-sampung libong ampere. Kung ihahambing, ang karaniwang sirkito ng kuryente sa bahay ay karaniwang 15 ampere.a Ano ang maaari mong gawin upang bawasan ang panganib na matamaan ng kidlat? Pansinin ang sumusunod na mga mungkahi.

● Kung maaari, pumasok sa loob ng bahay. Kahit ang pagpasok sa isang kotse ay maaaring magbigay ng mabuting proteksiyon. Kumusta naman ang pagiging nasa loob ng isang mataas na gusali? Ang mataas na gusali na may mga baras para sa kidlat ay maaaring maging isang ligtas na dako. Halimbawa, ang Empire State Building sa New York City ay nakatatayong matatag bagaman tinatamaan ng kidlat na mga 25 ulit sa bawat taon. Subalit, pinakamabuting iwasan ang walang ground na mga gusali na may mga bubong na metal at mga dakong malapit sa antena at mga bakod na yari sa metal.

● Umalis sa mga tiwangwang na dako, gaya ng mga lawa, bukid, at mga laruan ng golf. Ang nag-iisa at mataas na punungkahoy ay maaari ring maging mapanganib. Kung ikaw ay nasa isang dako na maraming puno, magkanlong sa mabababang puno. Kung napakalapit sa iyo ng bagyo at hindi ka makaalis mula sa isang tiwangwang na dako, tumingkayad sa lupa at yapusin ang iyong mga tuhod. Huwag kang hihiga, yamang mahalaga na maglaan ka ng maliit na dakong tatamaan hangga’t maaari.

● Kahit na kung nasa loob ng bahay, maaari kang gumawa ng mga pag-iingat. Ang sumusunod ay mga mungkahi: Iwasang lumapit sa mga dinadaanan ng kuryente, gaya ng mga fireplace at mga instalasyon ng tubong yari sa metal. Makabubuting lumayo sa mga dutsa o mga banyera, at huwag gamitin ang telepono. Alisin sa pagkakasaksak sa kuryente ang mga computer, telebisyon, at iba pang gamit na de kuryente, yamang ang mga ito ay maaaring masira kung ang bahay ay tamaan ng kidlat.

● Kung may tamaan ng kidlat, mahalagang isagawa agad ang cardiopulmonary resuscitation (CPR). Si Propesor Victor Scuka, na nagtatrabaho sa High Voltage Research Department ng University of Uppsala, Sweden, ay nagsasabi na sa maraming kaso ang mga biktima ay pinagpamalay-tao sa pamamagitan ng CPR, kahit na nang sila’y waring patay na. “Subalit ang paggamot,” babala niya, “ay dapat isagawa agad upang maiwasan ang pinsala sa utak.”

Kung ikaw ay maabutan ng mga pagkidlat, isaalang-alang ang sumusunod na mga pag-iingat na kababanggit lamang. Kung gayon ikaw ay malamang na hindi madisgrasya ng nakasisindak na panooring ito.

[Talababa]

a Ang isang ampere ay isang yunit ng elektrikal na daloy, ang bilis ng kuryenteng ginagamit. Ang mga boltahe ay nagpapahiwatig sa lakas ng kuryente. Tingnan ang Gumising! ng Hulyo 22, 1985, mga pahina 26-7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share