Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 4/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • “Premenstrual Syndrome”—Alamat o Katotohanan?
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Ang Kahulugan sa Likuran ng Maskara
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 4/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

PMS Ibig kong ipahayag ang aking taimtim na pasasalamat sa inyo dahil sa paglalathala ninyo ng artikulong “‘Premenstrual Syndrome’​—Alamat o Katotohanan?” (Agosto 8, 1995) Ipinanalangin ko ang gayong artikulo, yamang hindi ko maintindihan kung bakit mayroon akong nakaliligalig na damdamin buwan-buwan. Dahil sa pagbabasa ng artikulo, ako’y naginhawahan nang husto; ngayon ay batid ko na ang aking problema ay hindi dahil sa kahinaan sa espirituwal.

Y. E., Jamaica

Matagal na akong pinahihirapan ng PMS ayon sa aking natatandaan, subalit lagi kong ipinagwawalang-bahala ito bilang isang bagay na dapat ko lamang batahin. Ang artikulong ito ang nakatulong sa akin na matanto na ang PMS ay isang tunay na problema, isa na karapat-dapat talakayin.

Y. M., Inglatera

Sa loob ng 12 taon, nagdulot ang aking PMS ng matinding kaligaligan sa aking anak at asawa. Ipinaliwanag nang lubusan ng artikulong ito ang aking mga sintomas! Ang bagay na totoong nagpaligaya sa akin ay ang reaksiyon ng aking hindi Saksing asawa, na karaniwang bumabatikos sa Gumising! Nagpamalas siya ng malaking interes sa artikulo at nagsabi, ‘Natutuwa ako na tayo’y mayroon ng ganitong artikulo.’

K. O., Hapón

Pangangalunya Maraming salamat sa artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Pangangalunya​—Patawarin o Huwag Patawarin?” (Agosto 8, 1995) Pagkalipas ng mga taon ng pagmamaltrato, kumuha ako ng maka-Kasulatang diborsiyo mula sa aking asawa. Gayunman, kinokonsiyensiya ako ng ilang tao sa paggawa ng gayon, at kinailangan kong paglabanan ang damdaming ito sa loob ng maraming taon. Inisip ko pa nga na itinakwil na ako ni Jehova. Gayunman, ipinahayag ng artikulong ito ang marami sa aking damdamin, at labis na nakapagpatibay ito ng aking loob.

A. K., Czech Republic

Aprikanong mga Maskara Ang inyong artikulong “Ang Kahulugan sa Likuran ng Maskara” (Agosto 8, 1995) ay totoong nakapagtuturo. Sinabi ninyo doon na hindi dapat mag-ingat ang mga tunay na Kristiyano ng gayong mga maskara. Pero paano naman ang mga maskara na ginawa bilang mga subenir o hindi kailanman ginamit para sa relihiyosong mga layunin?

J. A., Estados Unidos

Ang aming artikulo ay tuwirang tumalakay sa mga maskara na ginawa para sa huwad na relihiyosong mga layunin. Batid namin na “may malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga maskara na ginamit sa pagsamba at mga tinularan para sa panturistang industriya.” Sa mga bansa sa Kanluran, ang gayong pangkomersiyal na mga maskara ay maaaring walang anumang relihiyosong kaugnayan kundi pangkaraniwang minamalas bilang palamuti. Sa gayon ang indibiduwal na mga Kristiyano ang makapagpapasiya kung gagawing display ang mga maskarang ito, isinasaisip ang maaaring idulot na epekto sa paggawa ng gayon sa budhi ng iba. (1 Corinto 10:29)​—ED.

Rhinoceros Ibig kong ipahayag ang aking pagpapahalaga at paghanga sa inyong kakayahan na gawing kasiya-siya ang isang di-mahalagang impormasyon​—maging para sa isang katulad ko na hindi kailanman namihasang magbasa para sa kasiyahan. Katatapos ko lamang basahin “Ang Hayop sa Likod ng Napakamahal na mga Sungay na Iyon.” (Agosto 8, 1995) Karaniwang binabasa ko ang mga artikulong gaya nito dahil lamang sa kailangan kong gawin. Gayunman, sa huli ay lagi akong humahanga kung gaano kasiya-siyang basahin ang mga ito!

J. M., Estados Unidos

Salaysay ni Celeste Jones Nagbabasa ako ng inyong magasin sa loob ng 17 taon. Pagkatapos kong mabasa ang karanasan ni Celeste Jones sa artikulong “Kung Paano Ako Nakinabang Mula sa Pangangalaga ng Diyos” (Hunyo 22, 1995), kinailangan kong sumulat at ipahayag ang aking pagpapahalaga.

M. M., Colombia

Si Celeste Jones ay namatay noong Oktubre 27, 1995. Bago siya namatay ay nakatanggap siya ng maraming sulat mula sa mambabasa mula sa buong daigdig na nagpapasalamat dahil sa pagbabahagi niya ng kaniyang karanasan.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share