Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagmamasid sa Daigdig Ang inyong mga magasin ay nagiging higit at higit na kawili-wili. Ang mga ito’y tumatalakay sa lahat ng uri ng paksa​—kasalukuyang mga pangyayari, isports, siyensiya, at iba pa. Ang “Pagmamasid sa Daigdig” ay lubhang kawili-wili. Inaakala kong kung ang balita sa TV ay ibabatay sa bahaging ito, ito ay magiging lalong kawili-wili.

R. S., Italya

Talagang pinahahalagahan ko ang mga paksang sinasaklaw sa “Pagmamasid sa Daigdig.” Ang isa na naging makabuluhan sa akin ay ang nasa labas ng Abril 22, 1995. Ang paksa ay “Ano ang Nagpapangyaring Maging Tanyag ang mga Guro?” Sinabi ng artikulo na hindi basta naiibigan ng mga estudyante ang mga guro na nagbibigay ng kaunting gawaing-bahay, subalit nais nila ang mga guro na mabait, nagmamalasakit, at walang kinikilingan. Iyan ang totoo! Napakarami ko nang karanasan sa mga guro na pumapabor sa mga estudyanteng popular upang maging popular. Subalit sa wakas, ang gayong mga guro ay hindi nananatiling popular. Maraming salamat muli sa mahalagang impormasyong ito.

L. K., Estados Unidos

Huwad na mga Hula Salamat sa seryeng “Huwad na mga Hula o Tunay na Hula​—Paano Mo Masasabi ang Pagkakaiba?” (Hunyo 22, 1995) Bagaman napag-aralan ko na ang Bibliya araw-araw sa loob ng 42 taon at sinikap kong tanggapin ang impormasyon tungkol sa tanda ng mga huling araw, masasabi kong ang maliwanag na buod na ibinigay ninyo sa lahat ng mga kasulatan sa paksang ito ay talagang nakatulong sa akin. Ginawa ninyong mas madaling matandaan ang paksang ito. Ito’y isang kahanga-hangang espirituwal na pagkain!

M. B., Estados Unidos

Pagnanakaw Ako po’y 13 taóng gulang, at ang problema ko po’y ang pagnanakaw. Ako po’y nagnanakaw ng pera, o ako’y nagpupunta sa isang tindahan at nagnanakaw ng bubble gum. Nais ko pong huminto, subalit walang nakatulong hanggang matanggap ko ang Hunyo 22, 1995, na Gumising! at binuksan ko sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .  Pagnanakaw​—Bakit Hindi Dapat?” Talagang nakaapekto ito sa akin. Tinulungan ako nitong manalangin kay Jehova at malaman na ako’y mapatatawad niya nang sagana. Nais kong mabuhay sa Kaharian ng Diyos, at alam kong ang mga taong nagnanakaw ay wala roon. Salamat sa paglalathala ng artikulong ito.

J. A., Canada

Ako’y 23 taóng gulang at nakakulong dahil sa pagnanakaw. Ito’y pawang nagsimula dahil sa panggigipit ng mga kasama. Nais nilang ako’y gumawa ng isang kapilyuhan sa isa, at mula roon ay lumala ang mga bagay. Totoo ang artikulong ito. Inaasahan kong susundin ng mga kabataan ang payo bago maging huli ang lahat. Sa gayong paraan, maaari nilang iwasan na magwakas sa kinaroroonan ko​—sa bilangguan.

M. S., Estados Unidos

Kuwento ng Buhay Katatapos ko lamang basahin ang artikulong “Kung Paano Ako Nakinabang Mula sa Pangangalaga ng Diyos.” (Hunyo 22, 1995) Ang pagbasa tungkol sa kung paano minaltrato si Celeste Jones ng mga miyembro ng kaniyang pamilya​—gayunma’y naingatan niya ang kaniyang pananampalataya at nagbatá​—ay nagpangyaring mangako ako sa sarili ko na sisikapin kong mabuti na hinding-hindi na muling magrereklamo tungkol sa aking sariling mga problema sa kalusugan.

J. P., Estados Unidos

Bilang isang taong hindi gaanong may kapansanan na gaya ni Celeste Jones, may pahiwatig ako tungkol sa lakas ng loob na kinakailangan niya upang manatiling matatag. Ang aking pantanging pasasalamat sa lahat ng tahimik na tumulong kay Celeste at nagbigay sa kaniya ng kinakailangang pangangalaga para sa kaniyang ministeryo.

W. R., Canada

Naantig ang aking damdamin ng artikulo. Napatibay nito ang aking pananampalataya at natulungan akong matalos na ang pinakamabisang paraan upang tulungan ang ating mga kapuwa ay gamitin ang lahat ng posibleng paraan na mangaral sa kanila.

P. H. P., Nigeria

Ako’y labis na naantig at napatibay-loob ng karanasan ni Celeste. Ako’y nagkakaedad na at nararanasan ang lahat ng mga sakit at mga kirot na dala ng pagtanda, subalit ang kaniyang karanasan ay nagbibigay sa akin ng karagdagang lakas upang makayanan ito.

M. R., Jamaica

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share