Mula sa Aming mga Mambabasa
May Kapansanang Buong-Panahong Ministro Sa loob ng maraming taon maraming artikulo ang nakaantig ng aking puso—pero walang isa man na kasinsidhi na gaya ng karanasan ni Gloria Williams, “Isang Bala na Nagpabago ng Aking Buhay.” (Oktubre 22, 1995) Ang mga problema ko ay naging walang kabuluhan kung ihahambing sa kaniya! Salamat sa paglalaan sa amin ng gayong kayaman na espirituwal na pagkain at pampatibay-loob.
E. L., Canada
Ang karanasan na ito ay nagpaalaala sa akin na sa anumang kalagayan tayo mapaharap, gaano man kasamâ, tayo’y makapananalangin kay Jehova at makahihingi ng tulong. Ako’y totoong nahihirapan ngayon sa paaralan, at ako’y nasisiraan ng loob. Subalit ako’y lubusang napalakas-loob sa pagbabasa ng artikulong ito.
M. S., Hapón
Habang binabasa ko ang salaysay ni Gloria Williams, ako’y napaluha. Pinalakas nito ang loob ko na patuloy na gawin ang pinakamabuting magagawa ko sa paglilingkod sa larangan, sa kabila ng pamumuhay sa isang nababahaging sambahayan dahil sa relihiyon.
F. C., Italya
Pinatibay ang loob ko ng artikulo na magpatuloy na magmatiyaga sa aking tunguhin ng pangangaral nang buong-panahon. Kung nagagawa ito ni Gloria Williams, kung gayon bakit hindi ko rin ito magagawa—samantalang buung-buo ang lahat ng sangkap ng aking katawan?
I. O. A., Nigeria
Kahoy Ako’y 11 taóng-gulang, at talagang nagustuhan ko ang artikulong “Bakit Kahoy ang Gagamitin sa Pagtatayo?” (Oktubre 22, 1995) Natulungan ako nito na pahalagahan ang kapangyarihan at kakayahan ni Jehova. Pinangyari rin ako nitong higit na maging malapit sa kaniya at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, sapagkat natanto ko kung gaano sila kapuwa katalino at kapantas.
A. B., Estados Unidos
Bakit Wala Pa Ring Asawa? Maraming salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Nag-aasawa ang Lahat Maliban sa Akin?” (Oktubre 22, 1995) Nagkausuhan ang pag-aasawa sa lugar na ito na marami sa nagsisipag-asawa ay nasa napakabatang edad. Ang ilan ay nababahala tungkol sa akin, yamang ako’y 18 taóng gulang at wala pang boyfriend. Dumating ang artikulo sa tamang panahon upang matulungan ako na magkaroon ng timbang na saloobin.
S. Z., Alemanya
Dahil sa ang edad ko’y 19 at walang asawa, malimit na pinag-iisipan ko kung saan ako nagkamali anupat walang sinuman ang nagpapakita ng interes sa akin. Ang ilang di-mananampalataya ay nagpapakita ng interes sa akin, subalit hindi ito ang uri ng atensiyon na ibig ko. Nakatulong ang artikulo sa akin na maunawaang ang pagtitiis ay kailangan at ang bagay na talagang mahalaga ay pinaluluguran ko si Jehova.
J. G., Estados Unidos
Bilang isang binata na 38 taon ang edad, tinatanong ko ang aking sarili ng katanungang bumangon sa titulo ng artikulo. Dahil sa pinagtiisan ko ang di-mabilang na mga pagtanggi ng Kristiyanong mga sister na walang asawa, alam na alam ko ang kirot na dulot ng “pag-asa na nagluluwat.” (Kawikaan 13:12) Bumubuhay ng loob ko ang bagay na malaman na itinuturing ni Jehova na tunay ang damdamin ng mga walang asawa at na pinahahalagahan niya ang aming tapat na pagtitiis.
D. T., Estados Unidos
Pinakamagaling na Dalubsining Pagkatapos na mabasa ang serye na “Sa Paghahanap ng Pinakamagaling na Dalubsining” (Nobyembre 8, 1995), naudyukan ako na ipahayag ang aking pagpapahalaga. Marami na akong nakitang mga programa sa telebisyon tungkol sa kalikasan na nagkukulang na magparangal sa Dakilang Disenyador. Gayunman, ang Gumising! ay patuloy na nagbibigay karangalan sa ating dakilang Diyos, si Jehova.
E. Z., Estados Unidos
Anong kahanga-hangang bagong paraan upang malasin si Jehova! Ang kalidad ng kaniyang sining ay totoong namumukod-tangi, gayundin ng di-mapapantayang dami ng kaniyang gawa. Ibig ko ring batiin ang maraming matatalinong dibuhista na ginagawang kaakit-akit ang Gumising! upang mapalapit ang mga tao sa Diyos na Jehova.
M. Q., Estados Unidos