Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 7/22 p. 31
  • Ang Hari ng Tulin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Hari ng Tulin
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Cheetah—Ang Pinakamatulin sa mga Pusa
    Gumising!—1997
  • Leopardo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Kamangha-mangha ang Pagkakagawa” sa Iyo!
    Gumising!—2011
  • Ang Aking Ekspedisyon sa Aprika—Naroon Sila Noon Para sa Akin—Naroroon Pa Rin Kaya Sila Para sa Aking mga Anak?
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 7/22 p. 31

Ang Hari ng Tulin

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Timog Aprika

SINO ang nagtataglay ng titulong ito? Ang cheetah, ang hayop na pinakamabilis tumakbo sa maiikling distansiya sa daigdig. Ang bawat cheetah ay may kaniyang natatanging disenyo ng mga batik​—kaya nga, ang pangalang cheetah, na mula sa isang salitang Sanskrit ay nangangahulugang “batik-batik na katawan.”

Ang ilan ay nagsasabi na sa unang sulyap para bang ang pusang ito ay puro paa. Ang iba naman ay nagsasabi na ang likod nito ay lumalaylay at ang ulo nito’y napakaliit. Subalit ang mga katangiang ito ay kapaki-pakinabang sa cheetah. Ang mahahabang paa sa likod ay nagbibigay ng lakas, pinangyayari ang cheetah na lumakad nang maganda at tumakbo na may dingal. At ang hayop na ito ay makatatakbo nang napakatulin! Mula sa hindi kumikilos na posisyon, sa loob ng ilang segundo ang isang cheetah ay maaaring umabot ng mga 110 kilometro sa isang oras.

Ang cheetah ay dinisenyo nang husto para sa pinakamabilis na tulin. Kabilang sa magaang na kalansay nito ang isang pambihirang madaling baluktuting buto nito sa likod na maaaring bumaluktot at umunat na parang isang paigkas. Ang cheetah ay pinagkalooban din ng isang malaking dibdib, sapat ang laki na mga bagà, isang malakas na puso, isang buntot na naglalaan ng panimbang, at malalaking butas ng ilong na nagpapahintulot para sa mabilis na paghinga​—na pawang nakatutulong sa walang kaparis na tulin ng hayop na ito. Subalit, ang silakbo ng lakas ng cheetah ay panandalian. Pagkatapos ng mga apat na raang metro ng matuling pagtakbo, dapat itong huminto upang magpalamig.

Ang mga cheetah ay karaniwang hindi isang panganib sa mga tao. Ganito ang sulat ni Ann van Dyk, na nagpaparami ng mga cheetah sa loob ng mga taon, sa kaniyang aklat na The Cheetahs of De Wildt: “Kapag natapos na ang pagpapakain, gusto kong gugulin ang ilang sandali bago kumagat ang dilim na kasama ng aking pamilya ng mga pusa. Nagkaroon na ng pagtitiwala sa pagitan namin at bagaman ang mga ito’y hindi maamo alam kong hindi nila ako sasaktan.”

Subalit, ang mga tao ay hindi laging naging mabait sa cheetah. Halimbawa, inimbot ng mga mangangaso sa Aprika ang balat nito, at ang pananakop ay nagtakda sa lugar na maaaring takbuhan ng cheetah. Ito ang lubhang nakabawas sa populasyon ng cheetah. Dating napakarami sa India, ang cheetah ay nalipol doon noong 1952. Hindi na rin ito masusumpungan sa ilang bansa sa hangganan ng silangang Mediteraneo.

Anong ligaya nga natin na sa bagong sanlibutan ng Diyos, ang mga hayop ay hindi na manganganib sa mga taong sakim! (Isaias 11:6-9) Marahil sa panahong iyon ikaw ay magkakaroon ng pribilehiyo na makita ang kahanga-hanga ang pagkakadisenyong hari ng tulin, ang cheetah.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share