Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 10/8 p. 31
  • Pagngangà na Humahantong sa Paghihirap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagngangà na Humahantong sa Paghihirap
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat Ka Bang Magnganga?
    Gumising!—2012
  • Ano Ba ang Kanser? Ano ang mga Sanhi Nito?
    Gumising!—1987
  • Chewing Gum—Makabago Subalit Sinauna
    Gumising!—2002
  • Isang Patpat na Nakalilinis ng mga Ngipin
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 10/8 p. 31

Pagngangà na Humahantong sa Paghihirap

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA INDIA

ANG nakatatawag-pansin na mga jingle sa radyo ay humihimok sa mga tao na gumamit nito. Itinataguyod ito ng mga artista sa TV, mga magasin, at mga pahayagan bilang isang bagay na aakay sa isang kapana-panabik, prestihiyosong pamumuhay. Subalit ang maliliit na titik ay nagbababala na ang paggamit sa produkto ay makapipinsala sa iyong kalusugan. Ano ba ito? Isang nakasusugapa at nakapipinsalang bagay na kilala bilang pan o hitso.

Ang hitso ay ginagamit sa Asia​—lubhang palasak sa India. Sa tradisyunal na anyo nito, ito’y binubuo ng isang halo ng durog na bunga, maskada, at iba pang nakapagpapasarap ng lasa na mga sangkap. Ang maskada at ang bunga ang gumagawa sa hitso na nakasusugapa. Ito ay inilalagay sa isang dahon ng ikmo na pinahiran ng apog at catechu, isang maanghang na produkto ng halaman. Ang dahon ay itinitiklop upang ibalot ang laman, at pagkatapos ang buong bilot ay isinusubo sa bibig. Ang kilalang anyo ay ang pan masala, ang pinaghalong sangkap ding iyon sa tuyong anyo at nasa maliliit na pakete na madaling dalhin at gamitin anumang oras.

Ang pagngangà ay gumugugol ng mahabang panahon at naglalabas ng maraming laway, na kailangang idura sa pana-panahon. Ang karamihan ng mga bahay kung saan popular ang hitso ay may duraan, subalit sa labas ng bahay ang daanan o ang pader ang nagiging duraan. Ito ang dahilan ng kulay-kayumangging mga dumi na makikita sa mga hagdan at pasilyo ng maraming gusali sa India.

Ayon sa isang pagsusuri ng Tata Institute of Fundamental Research, ang 10 porsiyento ng bagong mga kaso ng kanser sa India sa bawat taon ay kanser sa bibig​—halos doble ng katamtamang bilang sa daigdig. Si Dr. R. Gunaseelan, isang seruhano sa bibig at panga, ay nakikiayon sa mga seruhano sa buong India sa pagsisi nang husto sa pagngangà. Ganito ang sabi niya sa Indian Express: “Lahat ng anyo ng hitso ay nakapipinsala sa bibig.” Binanggit niya na ang hitso “ay tiyak na maaaring humantong sa kanser sa bibig” at na ang “pagngangà ay gaya ng pag-anyaya sa pagkasira ng hugis ng mukha.” Kaya, ang pagngangà ng hitso ay maaaring mangahulugan ng pagngangà na humahantong sa paghihirap.

[Larawan sa pahina 31]

Sampung porsiyento ng bagong mga kaso ng kanser sa India ay kanser sa bibig

[Credit Line]

Larawan ng WHO kuha ni Eric Schwab

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share