Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 2/22 p. 31
  • Ingatan ang Iyong Pandinig!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ingatan ang Iyong Pandinig!
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ingatan ang Iyong Pandinig!
    Gumising!—2002
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1994
  • Ingay—Ang Magagawa Mo Rito
    Gumising!—1997
  • Pandinig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 2/22 p. 31

Ingatan ang Iyong Pandinig!

ISANG surbey kamakailan sa 400 kabataan sa Pransiya ang nagsiwalat na 1 sa bawat 5 sa kanila ang pinahihirapan ng paghina ng pandinig. Isang katulad na pagsisiyasat sa sampung taóng nakaraan ay nagpapakita na 1 sa bawat 10 kabataan lamang ang nakararanas ng gayong paghina. Palibhasa’y kumilos dahil sa nakabibiglang pagdami ng humihinang pandinig ng mga kabataan, noong nakaraang taon ay pinagkasunduan ng French National Assembly na limitahan ang antas ng lakas ng tunog mula sa personal na mga stereo sa 100 decibel.

Ang kalimitang dahilan ng paghina ng pandinig ay maisisisi nang husto sa napakalakas na tunog na lumalabas mula sa mga headphone ng personal na mga stereo. Sinasabi ng dalubhasa sa tainga na si Jean-Pierre Cave na ang lakas ng tunog na mataas sa 100 decibel ay maaaring magbunga ng permanenteng pinsala pagkalipas ng ilang oras. Gumugugol lamang ng mga minuto para mangyari ang gayong pinsala kapag ang lakas ng tunog ay mataas sa 115 decibel. Sinabi ng FNAC, isang nangungunang Pranses na nagtitingi ng gamit sa elektroniks, na karamihan ng personal na stereo na ginagawa nito ay mahigit sa 100 decibel. Ang ilang stereo ay may lakas pa nga na 126 decibel, na halos 400 ulit ang lakas sa stereo na may 100 decibel!

Ang mga konsiyertong rock ay higit na nakapipinsala sa mga kabataan kaysa personal na mga stereo, ayon sa Pranses na dalubhasa sa pandinig na si Christian Meyer-Bisch. Ang totoo, ang laging nagpupunta sa mga konsiyertong rock ay mas malala ang pagkabingi kung ihahambing sa malulusog na kabataang 18-taóng-gulang. Hindi kataka-taka kung magbabala ang nakatataas na kinatawan ng French National Assembly na si Jean-François Mattei: “Tayo’y lumilikha ng isang henerasyon ng mga bingi.”

Kaya upang maingatan ang iyong pandinig, bantayan ang lakas ng tunog!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share